Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 313 - At Sinong Sisihin Ko, IKAW?

Chapter 313 - At Sinong Sisihin Ko, IKAW?

"Teka! Teka! Teka! Taympers muna, naguguluhan ako! Dex pwede ba ipaliwanag mo nga ito ng maayos at ang gulo!

May nangyayari sa ibaba pero kahit ako walang alam?"

Sabi ni Mel kay Dexter.

"Sir Mel kasi po nasa meeting pa po kayo with Ms. Eunice at di po ba sabi nyo huwag kayong iistorbohin sa meeting nyo dahil importante po yung pinaguusapan nyo at kailangan nyo ng matapos agad iyon?"

'May katwiran naman sya!'

"So ano ngang nangyari?"

"Ganito po kasi yun Sir Mel, yun po kasing anak ni Mam na si Mr. Jeremy at yung asawa nyang si duktora ay dumating po dito kanina para daw po mag celebrate dahil may new work na raw po si Mr. Jeremy. Tapos po according kay waitress Timmy, dinala nya daw po sa table for two ang couple pero nakita nila si Ms. Eunice dun po sa reserve table nya. Tapos po, sinabi po ni Mr. Jeremy na oorderin nya lahat ng nakalagay sa menu pero duon daw po dalhin sa table kung saan nakaupo si Ms. Eunice! Nagtaka po si Timmy pero hindi na po nya muling natanong si Mr. Jeremy dahil iniwan na po sya at nagtungo na po ang couple sa table ni Ms. Eunice!"

Lahat sila nakamasid kay Dexter, pinagmamasdan ang galaw nya habang nagkukwento.

''Langyang 'tong si Dex, parang bulate na nilagyan ng asin kung magsalita, buong katawan kumikislot!'

'Kumikendeng pa at pumipilantik ang mga daliri!'

"Ehem!"

"So, ang ibig mong sabihin, nakiupo yung magasawa sa table ni Eunice na naka reserve para lang sa kanya .... AND YOU JUST LET THEM???!!!"

Naiiritang tanong ni Mel na ikinataranta naman ni Dexter.

"Sir, kasi, kasi po .... "

"Kasi?! KASI ANO???"

Bulyaw ni Mel na ikinagulat nilang lahat.

"Ilang beses kong sinabi sa inyo na huwag na huwag kayong magpapaupo sa table ni Eunice kahit na punong puno ang resto dahil naka reserve lang para sa kanya ang table na yun! Pinalagyan pa nga namin ng pangalan nya yun, diba?

Pero anong ginawa nyo, nagpaupo pa rin kayo! Napaka simpleng instruction hindi ninyo sinunod, nakita mo na ngayon ang nangyari? Napagbintangan tuloy si Eunice na sya ang masamang tao at walang konsensya dahil lang sa hindi ninyo pagsunod sa simpleng instruction!"

Gigil na gigil sa galit si Mel na hindi maintindihan ni Dexter.

'Jusko ba't ba ako ang nasersermunan ng ganito?'

"Beshy huwag mo silang sisihin, wala silang kasalanan!"

Awat ni Eunice kay Mel. Alam nya kung bakit galit ang bestfriend nya at dahil iyon kay Jeremy.

"At sinong sisihin ko Sissy, IKAW? dahil hinayaan mong tumabi sa'yo yung dalawang abusado, kaya nangyayari na naman ito? Gagamitin ka ni Jeremy tapos isisisi sayo ang lahat na parang sila ang VICITIM! Ikaw na ang ginawan ng katarantaduhan ikaw pa ang palalabasin na walanghiya!"

Malakas at madiin ang mga salita ni Mel. Galit ito. Halatang sinasadyang ipadinig kay Elaine ang mga salita nya.

Simula pa ng malaman nya ang ginawa ni Jeremy sa kaibigan matindi na ang galit nito at ngayon lang nya nailabas lahat ng galit nya.

Dahil iyon sa mga salita ni Elaine kanina. Napikon sya.

Hindi naman maintindihan ni Dexter bakit grabe kung makahugot ang boss nyang si Mel, na parang kilalang kilala nya si Jeremy na parang sinasabing gawain nya ito.

Tinabihan ni Kate si Mel at pinakalma.

"Melabs .... shhhh ... breathe..."

"Tapos anong nangyari?"

Si Kate na ang nagtanong kay Dexter para matapos at malinawan na ang lahat. Maging siya ay pikon na rin sa pinagsasabi ni Elaine kay Eunice.

"Tapos po Ms. Kate, wala po kaming nagawa ng maupo sila duon sa table ni Ms. Eunice, hindi po kasi nag react si Ms. Eunice at sinabi po nila na kakilala nila si Ms. Eunice kaya hinayaan na lang po namin sila!"

Katwiran ni Dexter na lalong kinainis ni Mel.

"Kaya ko nga ibinilin sa inyo na walang pwedeng maupo duon maliban kay Eunice dahil mahalaga ang mga ginagawa nya at hindi sya pwedeng istorbohin nino man tapos hinihintay nyo syang mag react? Bakit? Trabaho nyo yun diba?!"

Nanggigigil na si Mel.

"Melabs, pwede ba tama na, huminahon ka! Kilala mo si Jeremy, alam mong kahit anong gawin ng mga staff mo wala silang magagawa sa katigasan ng ulo nun dahil feeling royalty yun! Kaya pwede ba patapusin mo muna si Dexter magkwento para malaman natin ang buong nangyari!"

Awat ni Kate kay Mel na naiirita na rin dahil sa ginagawa ni Mel.

"Tapos, anong nangyari Dex?"

Muling tanong ni Kate.

"After a few minutes po, dumating si Sir AJ at isinama na po nya si Ms. Eunice dito sa itaas para sa meeting, kaya naiwan na po ang couple na nagsimula ng kumakain!"

"Kinausap ba kayo ni Eunice, may sinabi ba o ibinilin sa inyo tungkol sa dalawa bago umakyat?"

"Wala po Ms. Kate!"

Mataray na sinulyapan ni Kate si Elaine.

"Continue!"

Utos nya kay Dexter.

"Nang matapos po nilang kumain tumayo na ang mga ito at umalis pero hinarang sila ng mga guwardiya kaya hindi sila nakalabas! Iniabot po ni waitess Timmy ang bill pero pilit nilang itinatanggi dahil napagutusan lang daw po sila ni Ms. Eunice!"

"Sinong tumanggi?"

"Si Mr. Jeremy po!"

"Then ... ?"

"Tapos po dinala ko po sila sa office nyo po Sir Mel para kausapin tinawagan ko rin po si Sir AJ at sinabi nyang huwag daw po ako maniwala sa dahilan nila, singilin ko daw po sila at pag hindi po sila nagbayad ipapulis ko po sila dahil wala daw pong kinalalaman si Ms. Eunice s kanila! Yun po ang utos ni Sir AJ!"

'So si AJ pala ang nagpakulong kay Jeremy!'

Nagkatinginan si Kate at Mel.

'Kaya pala nagmamadaling umalis si AJ, marahil ay nagpunta ito ng presinto para sampahan ng kaso si Jeremy!'

Pareho sila ng iniisip at sa tingin nila yun din ang iniisip ni Eunice.

"So Elaine, ayan narinig mo na ang nangyari! Naniniwala ka na ba na wala talagang kinalalaman si Eunice sa pinagsasabi ng kuya mo?

Sa tingin mo ba Elaine, tama pa rin ang pinag gagawa ng kuya mo? Alam mo ba kung gaano kadami ang inorder nya? Yung LAHAT ng nasa menu!"

Sabay abot ng bill ni Jeremy.

"Ngayon, sa tingin mo ganun ba katanga si Eunice para umorder ng ganun karami e pang isang baranggay na yung mga inorder nya tapos silang dalawa lang ang kakain?"

Nanlaki ang mga mata ni Elaine at ni Elsa ng makita ang bill at kung gaano kahaba ito.

"Jusko, ano bang pumapasok sa isip ni Jeremy, bakit nya ginawa ito?"

Usal ni Elsa ng mabasa ang mga menu.

"Hindi pa po ba obvious Tita Elsa, gustong gumanti ni Jeremy kay Eunice kaya sinadya nya yan!"