Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 309 - Don't Believe Them

Chapter 309 - Don't Believe Them

TAMBAYAN

Ito ang bagong restaurant na itinayo ng mag kaibigang Mel at si AJ.

Sinubukan lang nila ito dahil napapansin nilang walang maayos na restaurant na malapit sa school nila at dahil mahilig magluto si AJ, kinulit sya ni Mel na magtayo sila ng restaurant.

At dito inilagay ni Mel at AJ ang lahat ng savings nila kaya hindi ito pwedeng basta malugi, hindi pa nila nababawi ang kanilang puhunan.

One year na kasi ito ng simulan nilang planuhin pero anim na buwan pa lang itong nag open.

Si Mel ang nag ma manage ng buong resto samantalang si AJ naman ang sa kusina.

Wala nuon si Mel sa office nya ng dalhin ng supervisor sila Jeremy at Bea sa office nito, nasa taas sya at nag me meeting sila.

May mahalaga kasi silang lakad sa isang linggo at dito nila naisipang mag meeting kaya sa office ng manager naisip ng supervisor na si Dexter dalhin ang dalawa para makausap ng maayos para hindi makagawa ng eksena sa mga customer.

"Sir, pasensya na po pero walang ibinilin si Ms. Eunice sa amin kaya hindi namin pwedeng tanggapin ang sinabi nyo. Kung gusto nyo bayaran nyo na muna tapos sasabihin namin kay Ms. Eunice na kayo ang nagbayad para sya na po ang magbabayad sa inyo!"

Sabi ng supervisor sa kanila

Napalunok si Jeremy sa kaba.

'Hindi maari ito! Hindi ako papayag na maisahan na naman ako ni Eunice!'

'Isa pa, wala akong ibabayad sa lahat ng ito!'

"Teka, bakit ko babayaran yan, hindi naman ako ang umorder nyan? Napagutusan lang ako! Saka, di ba nandyan lang naman sya, bakit hindi mo sa kanya iabot ang bill? Mahirap ba yun!"

"Sir, si Ms. Eunice po ay narito as a guest! Yung table po na inupuan nyo ay naka reserve para lang po sa kanya kaya wala pong ibang pwedeng maupo duon. Madalas po kasi syang magtungo dito at pag nandito po sya ay hindi po sya pwedeng gambalain. Yan po ang utos ng mga boss namin!"

Ito ang kabilin bilinan ni AJ at Mel sa kanila.

Madalas kasi na dinadala ni Eunice ang trabaho nya at pagaaral dito sa tambayan.

At dahil sa bago pa lang ang restaurant, si Eunice na ang nagpresinta na mag aasikaso ng accounting matters ng libre basta libre din ang tambay at kain nya dito.

Na bored kasi si Eunice sa course nya sa sobrang tagal kaya nagdagdag sya ng course. Sabay nyang kinuha ang computer science at accounting at dahil marami na syang experience sa accounting, kasama na ang turo ni Nadine at Edmund, mas lalo syang na bored dahil alam na nya lahat ang tinuturo ng mga teacher nya. Kaya agad nyang tinapos ang course na ito.

Kumukha sya ng board exam sa accounting recently dahil sa pangungulit ng ama at sya pa ang nag number 1 kahit hindi nya sineryoso ito.

Kaya ngayon CPA na sya gaya ng kanyang ama at Granny Belen.

Karamihan sa mga may posisyon gaya ni Supervisor Dexter, na si Eunice ang gumagawa ng BIR matters ng restaurant.

At yung iba naman crew duon ang alam nila ay isa sya sa may ari ng restaurant kaya magalang sila sa kanya.

Pero hindi pa rin ako magbabayad nyan! Anong ibabayad ko dyan?"

Naiinis na sagot ni Jeremy.

Mukhang matatalo na naman sya ni Eunice.

'Hindi maari ito! Katatapos lang bayaran nila Papa yung bill sa exclusive na restaurant na yun, hindi pwedeng mangyari ulit ito!'

Napatingin sya sa asawang si Bea.

Pero umiling iling ito, na ang ibig sabihin ay wala syang planong tulungan ito.

"Sir, sandali lang po!"

Sabi ng Supervisor at nag text ito kay AJ.

[Sir, AJ, may problem po here! Yung customer na nakiupo sa table ni Ms. Eunice, pinababayaran kay Ms. Eunice ang lahat ng inorder nila. Utos daw po ni Ms. Eunice yun sa kanya]

~Supervisor

Naalala ni AJ ang mga nakaupo kanina sa mesa ni Eunice. Malayo pa lang ito napansin na nya ang dalawa at nagtataka sya kung bakit pinaupo ng waitress ang mga yun sa lamesa ni Eunice.

Napansin din nyang panay ang dating ng mga dish sa mesa na yun at nagdalawang mesa pa sa dami. Obvious na may pinaplano ang dalawa, kaya nagbilin agad sya kanina sa security na bantayan maigi yung dalawa at huwag na huwag paalisin ng hindi nakakabayad.

Kaya ng lumapit sya kay Eunice, hindi nya pinansin ang mga ito at inaya agad si Eunice na tumayo para maialis nya agad ito sa mga walang kwentang taong ito.

[NO! Don't believe them! Singilin mo! Pag ayaw magbayad, ipapupulis mo!]

~ AJ ~

Kinabahan ang supervisor sa sagot ng boss nyang si AJ, ramdam nyang galit ito.

'Jusko, baka mawalan ako ng trabaho sa nangyaring ito?'

Muli nyang hinarap ang dalawang mag asawa.

"Sir, I'm sorry pero sabi po ng boss ko kayo daw po ang magbayad nyan at hindi daw po si Ms. Eunice! Kung hindi nyo daw po mababayaran yan mapipilitan kaming ipapulis kayo!"

Inis na rin ang bisor. Sa dami ng inorder nila, pang isang taon na sweldo na iyon ng kawawang waitress na kanina pa umiiyak sa takot. Kawawa naman.

At malamang masermunan sila ni AJ dahil sa nangyari.

Namutla si Jeremy.

Papaano ba nya kukumbinsihin ang mga ito.

"Bea, tara na! Walang kwentang kausap ang mga ito, hindi makaintindi!"

Galit na sabi ni Jeremy na napatayo na sa inis.

Pag ganitong nako korner sya at hindi alam ang gagawin, nagagalit sya at sinisisi ang lahat maliban sa sarili nya.

He always think that he is the victim kahit sa totoo lang sya naman ang nagumpisa ng lahat, at isa ito sa kinaiinisan ng asawa nyang si Bea.

Sa isip ng supervisor at waitress...

'Grabe naman itong si Sir, kami pa ang hindi makaintindi!'