Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 296 - Ako Bang Pinaguusapan Nila?

Chapter 296 - Ako Bang Pinaguusapan Nila?

"Napakaswerte ng apo kong ito, mahal na mahal sya ni Eunice! Nasisigurado kong liligaya sya dito dahil tyak na gagawin lahat ni Eunice para sa apo ko!"

Masayang sabi ni Lemuel sa sarili.

KRRIIING!

Tumunog ang phone pero napakunot ang noo nya ng makita kung sino ang tumawag.

"Hello? Bakit ka tumawag? Diba sinabi ko sayo na huwag mo akong gagambalain sa araw na ito at may mahalaga akong gagawin?!"

Singhal ni Lemuel sa kausap.

Sa opisina ang tawag at ang kausap nya ay ang acting president ng kompanyang pagaari nya.

Sapatos ang pangunahing produkto ni Lemuel. Si Ames ang nagbigay sa kanya ng puhunan at tumulong para mapalago ang kompanyang ito.

Marami ng pinasukang negosyo itong si Lemuel at lahat iyon si Ames ang namuhunan pero nalulugi lang, kaya sa huli tinulungan na sya ni Ames para hindi na sya gambalain nito. Sya rin kasi ang napeperwisyo kapag nalulugi ang kompanya ng father nya.

At ng lumago ang kompanya ni Lemuel, si Edmund naman ang iniistorbo nito.

Lagi nyang minumungkahi na mag invest sa kompanya nya si Edmund at sa huli ay pinagbigyan nya rin ito.

Masayang masaya sya ng pumayag si Lemuel, feeling nya magka level na sila ni Edmund. Hindi nya alam na may ibang dahilan si Edmund kaya ginawa nya iyon.

"Sir Lemuel, pasensya na po sa istorbo pero kailangan nyong malaman ito! Nawawala po ang isang truck natin na naglalaman ng mga sapatos na idedeliver natin!"

"Paanong nawala?"

"Hindi po namin alam! Kasalukuyan ko na po syang pinahahanap!"

"Okey sige, ikaw munang bahalang umasikaso dyan, balitaan mo na lang ako bukas! Mahalaga sa akin ang araw na ito kaya hindi ko yan maasikaso! Ireport mo na rin ito sa mga pulis! At pwede ba, sa susunod, kahit anong mangyari, kahit na masunugan pa tayo, huwag na huwag mo akong iistorbohin ngayon! Maliwanag!"

Hindi maintindihan ng kausap kung bakit iyon ang hiniling ni Lemuel pero ano bang magagawa nya eh sumusunod lamang naman sya.

"Ano bang kamalasan ito, bakit ngayong araw pa nangyari?"

"Hindi ako pwedeng maapektuhan!"

Pinilit nyang kalimutan ang hindi magandang balita at inihanda ang sarili para sa gagawing pamamanhikan nila ni Jeremy mamya.

"Ay oonga pala si Jeremy! Kailangan kong maabisuhan ang apo ko!"

Excited nyang kinuha ang cellphone at idinayal ang numero ng apo. Pero, hindi sya sinagot.

"Bakit hindi nya sinasagot?"

Samantala.

"Jeremy ang lolo mo tumatawag!"

Sabi ni Bea kay Jeremy.

Sa galit ni Elsa sa anak kahapon pag uwi nila, kahit mahal na mahal nya ito, hinayaan na nyang magsama ang dalawa.

"Tutal magasawa na naman kayo, sige Jeremy, dalhin mo na ang mga damit mo at sumama ka na sa asawa mo!"

Tuwang tuwa naman si Jeremy. Inakap pa nito ang ina sa sobrang saya. Hindi nya napansin ang dismayadong mukha ng bago nyang asawa, nagpoprotesta kasi ang kalooban nito.

Wala tuloy syang nagawa ng kasama nyang umuwi sa condo nya si Jeremy.

"Antok pa ako Bebe, hayaan mo na lang mag ring magsasawa rin yan!"

Nainis si Bea.

Kailangan na nyang bumangon at may pasok pa sya.

'Anong plano ng lalaking ito, humilata dito sa kama ko maghapon?'

Pagbangon nya, muling nag ring ang cellphone, sinagot nya ito at inilagay sa tenga ni Jeremy na tumuloy ulit sa pagtulog.

"Hello? Hello? Jeremy?"

Muling nagising si Jeremy ng madinig ang boses ng lolo nya.

"Mmmm!"

"Natutulog ka pa ba?"

"Napagod po kasi ako kahapon!"

"Sige magpahinga ka, basta huwag mong kalilimutan mamya, mamanhikan tayo kila Eunice! Agahan mo ang dating dito!"

"Opo.."

At pinatay na nito ang phone at hinagis.

"Anong sabi ng Lolo mo?"

Usisa ni Bea.

"Malay ko at pakialam ko."

Antok pang sagot ni Jeremy.

"Bakit ka sumagot ng 'opo'?"

"Yun lang kasi ang magpapatahimik sa matanda!"

At tinakpan na nito ang mukha nya at muling natulog.

Dismayado si Bea.

'Juskolord, anong klaseng buhay ba itong pinasok ko?'

*****

Sa isang kilalang car dealer dinala ni Edmund ang pamilya. Naruon na si AJ ng dumating sila.

Ito ang unang beses na nakita ni Nicole si AJ at nakita nya ang kulitan ng anak nya at ng lalaking ito.

Napataas ang kilay nya ng madinig ang mga tawagan nila pati na ang mga simpleng kulitan nila.

'Hmm, he's simply good looking and I think he really likes Eunice!'

'Mukhang ito ang dahilan kaya madali nyang natanggap ang break up nila ni Jeremy!'

"Hon, anong iniisip mo?"

Tanong ni Edmund kay Nicole ng mapansin nitong pinagmamasdan ang dalawa.

"Paano nagkakilala yang dalawa, parang kampante na sila sa isa't isa?"

"Not sure, basta ang alam ko bago sya nag work sa company, magkakilala na sila!"

"Ang anak mo ba ang dahilan kaya napasok sya sa kompanya?"

"Nope! Si Nadine ang nag recommend sa akin!"

"Paano naman sya nakilala ni Ate?"

"Isa sya sa nainvite nung nagdefend si AJ ng thesis nya at naimpress sya!"

Eh, bakit hindi nya kinuha para sa kompanya nya, bakit sa'yo?"

"Because Nadine think na mas mag gogrow si AJ sa company ko and she's right!"

"Alam ba ni Ate Nadine na magkakilala yang dalawa?"

"Nope! She doesn't have any idea! Hahaha!"

"Teka, bakit ba ganyan ang mga tanong mo, parang hindi mo gusto yung tao?"

"Hindi ka ba masaya dahil masaya ang anak mo?"

Sunod sunod na tanong ni Edmund.

Hindi sa nagdududa sya, hindi lang nya kilala si AJ ng husto kaya hindi nya agad maibigay ang tiwala nya.

"Curious lang ako Hon, para kasing hindi ko na kilala yang anak mo!"

"Hon, ano ba? Huwag ka ngang magisip ng kung ano ano dyan! Napa imbestigahan ko na yang si AJ, lalo na ng malaman kong magkakilala sila ni Eunice!

Sa tingin mo ba basta basta ko na lang ipagkakatiwala ang baby ko sa kung sino sinong lalaki lang?"

May punto naman si Edmund pero gusto nyang makausap ng personal si AJ, hindi kasi sya mapalagay.

Kaya ng magkaroon ng pagkakataon, kinausap nya ito ng masinsinan.

"Iho, do you like Eunice?"

Direct ang tanong ni Nicole kaya hindi sya nakailag.

"Mam, bakit nyo po naitanong?"

Kinakabahan si AJ lalo na sa diretsahan nitong tanong namumutla tuloy sya sa kaba at pinagpapawisan pa ng butil butil.

'Jusko ano po ba ito, interogation?'

"Halata naman sa mga kilos mo, pati kung paano mo alagaan ang anak ko!"

"Mam malaki po ang respeto at paghanga ko sa anak nyo! She's an amazing woman at aaminin kong may gusto ako sa kanya pero alam ko naman po kung saan ako lulugar!"

Napa 'ooohh' na lang si Nicole sa sagot ni AJ.

'Grabe sya, tingin nya ba superhero si Eunice!'

Tiningnan nya sa di kalayuan ang anak.

'Lintek na bata ito, ang haba ng hair! Sarap tsinelasin!'

Napalingon si Eunice sa Mommy nya at kay AJ. Kinabahan sya bigla.

'Ako bang pinaguusapan nila?'