Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 297 - Tapos Na Ang Laro

Chapter 297 - Tapos Na Ang Laro

Mahilig si Eunice sa maliliit na kotse kaya ito ang pinili nya, kahit nagpoprotesta ang kapatid nyang si Earl.

"Ate naman hindi ka bagay dyan, your so big for that! Saka pambabae ang style nya pati color nya!"

Umusok ang ilong ni Eunice.

'Ano bang tingin sa akin ng kapatid kong 'to?'

Sa inis, sinipa nya sa binti si Earl na muntik ng ikadapa nito.

"Aray! Bakit ba, totoo naman ang sinabi ko! If you buy that car, hindi ka pwedeng magpasakay ng passenger kasi sakop mo pati passenger seat!"

At hinabol nya ang kapatid na tumakbo ng mabilis.

"Bwisit ka, hindi kita papahiramin! Hmp!"

Nilapitan nito si AJ para humingi ng kakampi.

"Bro AJ, hindi ba tama naman ako?"

Napataas ang kilay ni Eunice at Nicole.

'Kung maka 'Bro' sya feeling nya close na sila, eh ngayon lang sila nagkita!'

"Coffee bakit hindi mo muna subukang sumakay? Feel the car. Kailangan mong maramdaman kung komportable sayo ang loob ng car!"

'Hmmm... magaling syang magpayo.'

Sabi ni Nicole sa sarili.

Bawat kilos, galaw at pananalita ng binata ay inoobserbahang mabuti ni Nicole.

Pati kung paano sya makipagusap kay Eunice, kay Earl kay Edmund at sa kanya. Magalang. May respeto.

Sa kakaobserba nya sa binata, hindi nya namamalayang unti unti na nyang nagugustuhan ito.

'Bihirang na ngayon ang matinong lalaki, lalo na ang may malaking respeto sa babae!'

Sa huli, iyon din ang napili ni Eunice dahil hindi na ito umalis sa pagkakaupo.

Tuwang tuwa ang ahenteng nag assist sa kanila dahil binayaran ito ng cash ni Edmund. Unang benta pa naman nya ito.

Pagkatapos nilang makapamili ng kotse, namasyal muna sila tapos ay kumain. Gabi na sila nakabalik ng San Miguel.

*****

Samantala.

"Anong oras na, alas nueve y media na, bakit wala pa si Jeremy?"

Ilang beses ng pauli uli si Lemuel sa may balkonahe, kakaantay sa apo nya.

"Mabuti at wala pa sila Edmund, nakakahiya kung pagaantayin namin sila!"

Muli nyang sinilip ang bahay nila Edmund. Mula sa balkonahe nya ay tanaw nya ang gate hanggang sa front door nila Edmund.

Makailang beses na nyang dinayal ang phone ni Jeremy at maka ilang beses na rin syang nag iwan ng message pero walang sagot.

"Asan na kaya iyong batang iyon?"

Nang mapansin nya ang kotse padating.

"Kay Edmund yun ah! Andito na sila! Lintek na, wala pa si Jeremy!"

'Kahit wala ka Jeremy, sa tingin mo ba hindi ko magagawang mamanhikan na magisa?'

May mga kasunod ang kotse ni Edmund.

'Sino kaya ang mga kasama nya?'

Isa isa itong pumarada at isa isa ring bumaba ng sasakyan.

Sa unang sasakyan ay si Edmund at ang anak nitong si Earl, sa ikalawa ay si Nicole at ang ikatlo ay ....

"Si Eunice at si ..... "

Masayang masaya si Lemuel ng makita nyang bumaba ng sasakyan si Eunice sakay ng kotse ng isang lalaki.

Hindi na nya tiningnan mabuti ang itsura ng lalaki, hindi naman nya ito mamumukhaan sa sobrang layo saka, nakatalikod kasi ito at halos kasing taas ni Jeremy kaya akala nya si Jeremy si AJ.

But the truth, mas matangkad si AJ kay Jeremy, mapapansin mo ito pag magkatabi sila ni Eunice. Halos magkasingtangkad kasi si Jeremy at Eunice.

Pero sa sobrang excitement hindi na nya nakita ng tabihan ni AJ si Eunice dahil tumalikod na ito para maghanda sa pagpunta sa kabila.

"Loko yung batang yun, hindi man lang ako sinabihan na magkikita sila ni Eunice!"

Nagmamadali itong bumaba at tinawag ang mga tauhan nya.

"Magsihanda na kayo at aalis na tayo!"

Sa pangunguna ni Lemuel, nagtungo sya kila Edmund.

Masaya namang nagkukwentuhan ang lahat ng lumapit ang isang security kay Nicole.

"Mam, andyan po si Sir Lemuel, inaasahan nyo daw po ang pagdating nya! Papasukin ko po ba?"

"Huh? Wala naman kaming pinagusapan. Edmund, andyan daw si Tito Lemuel sa labas gustong pumasok, may usapan ba kayo?"

Nagtatakang tanong nya sa asawa.

"Wala! Huwag mong papapasukin, ako ang lalabas!"

Utos ni Edmund sa security.

"Dito muna kayo, may kailangan lang akong labasin!"

Pero nadidinig na sa labas ang ingay ni Lemuel na nagpupumilit pumasok, kaya sinalubong na nya ito agad.

"Edmund, bakit ba ako pinipigilan ng mga tao mo? Anong klase ba naman itong mga tauhan mo, pagsabihan mo nga! Hindi ba nila nakikita na ang dami kong dala?"

Utos ni Lemuel na kinainis ni Edmund.

"Tito Lemuel, napadalaw kayo! Pasensya na sa mga security ko pero, sa utos ko lang kasi sumusunod ang mga yan! Bakit ho ba ang dami nyong dala?"

"Wala ito Edmund, konting nakayanan ko lang para sa inyo! Hehe!"

'Konti? Bakit parang magpapakain sya ng isang baranggay sa dami ng mga tauhan nya na may kanya kanyang dalang pagkain?'

"Ano ho bang okasyon at bakit nyo ginagawa yan?"

"Bakit, hindi pa ba sinasabi ng apo kong si Jeremy? Andito kami para mamanhikan at yan ang mga dala namin! Teka mabuti pang pumasok na tayo para maumpisahan na ang usapan! Hehe!"

Buong ngiti itong sumenyas sa mga tauhan na ipasok na ang mga dala dala nila.

Pati si Lemuel ay humakbang na rin pero hinarang sya ni Edmund pati mga tauhan nya ay hinarang din ng mga security ni Edmund.

"Anong ibig sabihin nito Edmund? Bakit mo ako pinipigilang pumasok?"

Nagtatakang tanong nito, wala na ang ngiti nya.

"Bakit? Well Tito pamamahay ko kasi 'to baka nakakalimutan nyo! May karapatan akong papasukin kung sino man ang gusto ko! Pangalawa, hindi pa ba kayo tapos MAGLARO? Kasi ako TAPOS NA!"

Pagkasabi ni Edmund ng huling salita nya saktong may humintong kotse sa tapat nila.

Dali daling binuksan ng driver ang kotse at lumapit sa kanila.

"A-Ames? Anong ginagawa mo dito? Bakit ka narito?"

Gulat na tanong ni Lemuel.

"Tapos na ang laro Papa! Pagod na ako sa paglilinis ng mga kalat nyo! Hindi na po darating si Jeremy dahil nag asawa na sya at hindi si Eunice yung pinakasalan nya!"