Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 295 - Walang Mapaglagyan Ng Saya

Chapter 295 - Walang Mapaglagyan Ng Saya

Dahil nauto, este, nakumbinse ni Eunice ang Daddy nya na ibili sya ng new car, kinakailangan nyang umuwi sa bahay nila sa Little Manor para ishare sa Mommy nya ang good news. Yun ang request ng Daddy nya.

Baka awayin sya ni Nicole pag nalaman nun na ibinili nya ng bagong kotse ang anak nya.

"Hon, hindi ka ba kinakabahan, mag isang magmamaneho ang anak mo? Paano kung madisgrasya sya?"

"Kinakabahan! Pero, she's grown up at na prove naman nya na responsible na sya sa mga aksyon nya, so why not trust her? Nagusap naman kami na kapag nagkaron sya ng problem driving, hihinto sya sa pagda drive!"

Kinakabahan man walang magawa ang magasawa kungdi suportahan ang gusto ng anak.

Pero syempre, iba ang dating kay Earl.

"Andaya naman! Napaka unfair nyo po talaga Dad! Bakit po si Ate lang ang ibibili nyo? Paano naman po ako? Daddy naman favorite nyo po talaga si Ate!"

Tiningnan nya ng matalim ang anak.

'Lintek na bata ito, masyado na nga syang naiispoiled dahil mag isa lang sya dito, tapos unfair pa rin ang tingin nya!'

'Batukan ko kaya ito!'

Napansin ni Earl ang matalim na tingin ng ama, agad syang lumapit sa ina.

"Mommy, ako din po gusto ko ng bagong car, please!"

Sa edad na 17, para itong batang naglalambing sa ina. Alam nyang hindi sya matatanggihan ng ina pag ginagawa nya ito.

"Earl, kailangan ng ate mo ang car dahil sa sched nya sa work at sa school, kaya sya ibibili ng Daddy mo ng car!"

Paliwanag ni Nicole.

"Tama! Eh ikaw, saan mo gagamitin ang kotse, ipaparada mo sa mga babae para mapansin ka?"

"Hindi ko naman po kailangan magpapansin Dad, ang guwapo ko kaya!"

'Langyang bata ito ang daming confident sa katawan!'

"Anong gwapong pinagsasabi mo? Asan? Puro ka yabang! Hmp!

Magaral ka, hindi puro bulakbol ang ginagawa mo tapos kung makapagpabili ka parang may patago kang pera!"

Natatawa lang si Nicole sa inaasta ng mag ama. Magkamukhang magkamukha kasi silang mag ama at nakakatuwa silang pagmasdan.

"Earl, bakit kasi hindi mo sabihin kila Mommy at Daddy ang true reason kung bakit ka nagpapabili dyan?"

Sabi ni Eunice.

Umiling iling si Earl, pinipigilan ang ate nyang magsalita.

"Ano ba yun Earl? Sige na sabihin mo!"

Tanong ni Nicole.

"Kasi po Mom, nahihiya po si Earl paghinahatid nyo po sya sa school!"

Si Eunice ang sumagot.

"Ate naman eh! Ang daldal mo!"

"Eh kasi bakit hindi ka magsalita dyan? Ako nga hanggang maka graduate ng highschool hinahatid sundo ni Mommy hindi ako makapagreklamo! Pasalamat ka nga tinutungan pa kita dyan!"

Katwiran ni Eunice.

Hatid lang ang ginagawa ni Nicole kay Earl dahil simula ng sya na ang pumalit sa pwesto ni Ames na CEO, sa Maynila na ito nadestino.

Binatukan ni Edmund si Earl.

"Ahhh! Dad naman, bakit po ba?"

"Lokong 'to, ikinahihiya mo ba ang Mommy mo?"

"Hindi po sa ganun! Gusto ko lang po ng konting space! Tinutukso na po ako ng ibang classmates ko na Mama's boy! Nahihiya na po ako, lalo na pag nakikita nilang kinikiss ako ni Mama!"

"Aba loko 'to! Ano problema kung ikiss ka ng Mommy mo eh nanay mo yan? Gusto mo ba pati ako ikiss kita?"

"Mommy si Daddy po oh!"

At nagtago ito sa likod ng ina.

"Saka anong problema kung tawagin kang Mama's boy dyan, eh totoo naman! Makapagtago ka sa likod ng nanay mo .... "

"Tumigil na nga kayong mag ama!"

Saway ni Nicole.

"Earl, listen! Your only 17 so student license ka pa lang, hindi ka pa pwedeng mag drive ng car mag isa! Pag 18 ka na saka ka kumuha ng driver's license tapos saka na natin pagusapan ito.

In the meantime kung ayaw mong ihatid kita sa school mag bike ka, makakabuti sayo yun, magandang exercise pa!"

"Talaga po Mommy? Pinapayagan nyo na po akong pumasok na mag isa? Hindi nyo na po ako ihahatid?"

"Yes! Ngayon let's go and let's celebrate! Sasamahan nating mamili ang Ate mo ng car!"

Napakunot ang noo ni Eunice.

'Bakit ganun, car ko 'to, hindi ba pwedeng ako ang magdecide sa kung anong car ang gusto ko?'

Nilapitan nya ang Daddy para humingi ng damay habang masayang lumabas ng bahay ang maginang Nicole at Earl.

"Daddy .... "

Lambing nya sa Daddy nya.

"Halika ka na, huwag ka ng mag protesta dyan at baka matsinelas ka pa ng nanay mo!"

Bulong nito sa anak.

"Huwag kang magalala, anak ininvite ko si AJ para matulungan kang magdecide!"

Nangiti na rin si Eunice ng malamang kasama si AJ.

'At least may kakampi na ako, hindi ko maasahan itong si Daddy pagkasama si Mommy sa usapan!'

Habang masayang naghaharutan ang maganak, may isa namang nakamasid.

Si Lemuel.

Nakangiti ito habang pinagmamasdan nya ang pamilyang matagal na nyang gustong maging parte.

"Huwag kang magalala Lemuel, malapit ng matupad ang pangarap mo! Mamya mamanhikan na kami ng apo kong si Jeremy!"

Kitang kita nya ang masayang ngiti ni Eunice at ang mga halakhak nilang puno ng saya.

"Marahil ay maghahanda na sila para sa pamamanhikan namin mamya!"

Excited na si Lemuel.

Wala itong mapaglagyan ng saya habang iniisip ang mga mangyayari.

"Salamat at hindi na ako nahirapang kumbinsihin si Edmund na ipakasal ang anak nya!"

Pero ang pinagtataka nya, hindi nya makontak si Jeremy, nung isang araw pa! Kaya nag iwan na lang ito ng message sa apo.

"Marahil ay wala ring mapaglagyan ng saya si Jeremy! Abala siguro yun sa paghahanda!"