'Ano ba itong napasukan ko?'
Dismayadong tanong ni Bea sa sarili.
Kanina pa sya lumayo sa kanila at naupo sa isang malapit na upuan.
Pinagmasdan nya ang lahat at pinakinggan.
'Ganito ba talaga ang pamilyang ito?'
Ngayon lang nya unti unting nakikilala si Jeremy.
'Hindi ko akalaing ganito pala sya ka weak! Kumuha ba ako ng isang alagain? Isang bato na ipupukpok ko sa sarili ko?'
Kay tagal nyang naghintay ng tamang guy para sa kanya. Ang dami nyang tinanggihan na manliligaw, mayayaman at sikat pa!
Hindi nya akalaing sa sobrang pagkapihikan nya, sa isang katulad lang ni Jeremy sya bumagsak.
'Guwapo nga nuknukan naman ng duwag!'
Tama ba ang naging desisyon ko na magpakasal agad?'
Sa huli, hindi rin matitiis ng mga magulang ang anak.
Nakiusap sila Elsa at Jericho na bigyan sila ng palugit sa pagbabayad at pansamantala ay iiwan nila ang kotse nila.
Pumirma sila ng kasunduan at
ibinigay din nila ang natitirang pera nilang 7,000 na budget sana nila sa pang araw araw na gastusin sa bahay sa loob ng isang buwan.
Pumayag naman ang manager, pero binigyan lang sila ng 5 days para bayaran lahat ang utang ni Jeremy kung hindi ipapakulong nya ito.
Kaya pauwi, sa kotse ni Bea sila lahat sumakay. Wala silang pera ni singko sa bulsa.
Sa kotse, habang nasa byahe...
"Papa, Mama, huwag po kayong magaalala, kakausapin ko po si Eunice!"
Sabi ni Jeremy.
"At ano naman ang sasabihin mo sa kanya?"
Tanong ni Jericho.
Hindi maitago ang pagka inis sa anak.
"Kailangan pong mabayaran ang kulang sa restaurant!"
"So what's your plan Kuya, singilin si Eunice? Are you crazy? Ni hindi ba pumasok sa isip mo na kung gusto ni Eunice na bayaran yun kinain nya, ginawa na nya?!"
Sinadya nya yun Kuya, sinadya nya yun to punish you for what you did to her!"
Sabi ni Elaine.
"Kung minsan naman kasi gamitin mo yang isip mo ng maayos!"
Iritang dugtong nito.
"Shut up Elaine!"
"Why should I shut up? Hanggang ngayon hindi mo pa rin nakikita ang resulta ng mga palpak mong desisyon! Ang tigas kasi ng ulo mo feeling mo kaya mo na, malakas ka na, pero ano...?"
I said, SHUT UP!"
"No Kuya you need to hear this! Nang dahil sa kaduwagan mo, ipinahamak mo pati kami! Nang dahil sa'yo wala tayong kakainin sa loob ng isang buwan! Naintindihan mo ba yun?!"
"MAGSITIGIL NA KAYO!"
Singhal ni Jericho sa mga anak sabay tingin sa asawa na nakatingin lang sa malayo at tila walang pakialam.
Tumigil na ang dalawa.
Kinakabahan na si Jericho. Kanina pang tahimik ang asawa, nakatingin lang sa bintana ng sasakyan, hindi sila pinapansin.
Minsan ng inatake si Elsa dahil kay Jeremy, mauulit ba ulit ito?
Dapat sa mga oras na ito sya ang sumusuway sa mga bata.
"Elsa, sweetheart, are you okey?"
Saka lang ibinaling nito ang tingin sa asawa.
"Hindi! How will I be okey?"
"Sweetheart, malalagpasan din natin ito, huwag kang magalala, basta sama sama tayo, remember?"
"Mama, huwag nyo na pong alalahanin ang lahat! Gagawa po ako ng paraan para masingil si Eunice!"
Tiningnan ni Elsa ang anak.
"Bakit, bakit mo sisingilin si Eunice? Anong karapatan mo? Hindi ba dapat magpasalamat ka pa nga sa kanya dahil yan lang ang ginawa nya sa'yo, huh?"
"Kelan ka ba matututong magdesisyon ng TAMA?!"
"Kelan mo ba isasaalang alang ang mga tao sa paligid mo pag nagdedesisyon ka?
At ngayon pumalpak ka sisihin mo ang lahat maliban sa'yo?"
"Mama, ano po bang kapalpakan ang nagawa ko? Alam nyo naman pong napipilitan lang ang mahalin si Eunice dahil sa utos ng Lolo, pero si Bea po talaga ang mahal ko, sana tanggapin nyo yun!"
"Mahal? Sigurado ka?
Kung talagang mahal mo sya sana nung umpisa pa lang ng relasyon nyo nakipag break ka na kay Eunice! Pero hindi mo ginawa, pinaasa mo ng pinaasa si Eunice, hinintay mo pang lumala ang sitwasyon bago mo naisipan kumilos!"
"Pero hindi ko naman po inaasahan ito, nangyari lang!"
"Nangyari lang? Last year ka pa sinabihan ng lolo mo na pakasalan mo si Eunice, tapos sasabihin mo nangyari lang? Ang haba ng panahon Jeremy, pero imbis na inayos mo ang sitwasyon, pinagsabay mo ang dalawa!
Wala ka bang respeto sa damdamin ng mga babae?"
"MAMA!!!"
Sabay tingin nito na parang winawarningan ang ina na tumigil dahil andun si Bea.
"Nakakahiya po kay Bea!"
"Bakit ayaw mong madinig nya? Maganda nga ito para malaman nya kung anong klaseng lalaki ang pinakasalan nya!"
Hindi makapagsalita si Jeremy. Naiinis ito sa Mama nya pero wala syang magawa.
"Iha, hindi kami galit sa pagpapakasal sayo ng anak ko!
Ang nakakainis lang kasi hindi nya man lang kami inimbitahan, tapos ngayon unang araw pa lang ng kasal nyo may malaki na agad KAYONG utang!"
Idiniin ni Elsa ang word na 'KAYONG'. Napansin nya kasi, kanina pa na hindi man lang ito naglabas ni singko sa pagbabayad ng chit nila.
Hindi naman nya iniexpect ang malaking halaga, pero kahit na isang daan man lang, maipakita lang nya na concern sya kay Jeremy.
Hindi makasagot si Bea. Kanina pa rin sya naiirita dahil napilitan syang isakay ang pamilya ni Jeremy at ihatid sa bahay.
Hindi nya alam na binabasa ni Elsa ang reaction nya.
"Mama mahal ko po si Bea. So please accept us!"
"Mahal? No Jeremy hindi mo mahal si Bea dahil sarili mo lang ang mahal mo! At pinakasalan mo lang sya para takasan ang mga palpak mong desisyon!"
Napalunok si Bea.
'Jusko, ang ibig bang sabi nito, parang lumalabas na iniligtas ko pa si Eunice sa isang tyak na kapahamakan?!'
'Anong gagawin ko?'
'Pwede pa bang umatras?'