Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 293 - Sino Ka Ba Sa Akala Mo?

Chapter 293 - Sino Ka Ba Sa Akala Mo?

"Teka Jeremy, naguguluhan kami sayo! Akala ko ba si Eunice ang girlfriend mo, tapos ngayon bigla kang nagpakasal? Nababaliw ka na ba?"

Tanong ni Elsa

"Mama, dipo ba sinabi ko sa inyo kahapon, napilitan lang po akong maging girlfriend si Eunice. Hindi po sya ang mahal ko, si Bea po at ayaw ko po syang mawala sa akin!"

"Kaya ka nagpakasal?!"

Hindi makapaniwala si Elsa.

"Eto na lang po ang paraan para hindi ako mapilit ni Lolo na pakasalan si Eunice!

Kahapon po nag message si Lolo na maghanda na daw ako sa pamamanhikan namin kila Eunice. Wala na daw magiging problema kay Sir Edmund!"

"Eh bakit hindi mo ipinaaalam sa amin at bakit hindi ka makontak sa phone?!"

"Eh, kasi baka po tumawag si Lolo, kaya inoff ko ang phone ko!"

"Lintek kang bata ka! Bakit ba lagi kang nagdedesisyon ng pabigla bigla? Sana naman sabihan mo kami sa mga nangyayari sa'yo hindi yung basta basta ka na lang nagdedesisyon dyan! Pamilya pa ba ang turing mo sa amin?!"

Hindi na makapagpigil si Elsa sa anak at gigil na gigil ito at gusto nyang hambalusin, pinigilan lang sya ng asawa.

"Teka po, mawalang galang na po! Pero kung gusto nyo pong magaway sa ibang lugar nyo na lang po gawin! Restaurant po ito at marami na pong nakakapansin sa inyo!"

Sabi ng manager ng restaurant na lumapit sa kanila.

Medyo napahiya ang lahat ng makitang pinagtitinginan na pala sila.

"Pasensya na po!"

"Pero bago kayo umalis, pwede bang pakibayaran nyo po muna ang mga kinain nyo!"

Dugtong pa nito.

"Hindi nga kami ang kumain nyan yung isang kasama namin!"

Paliwanag ni Jeremy na naiinis na sa manager.

Kanina pa sya nagpapaliwanang pero hindi sya nito pinakikinggan.

"Pero Sir, kasama nyo po sya, sa table nyo po isinerve ang mga pagkain at kayo po ang nagpa reserve ng table na yun, di po ba?"

"Oo, pero sya lang ang umorder at kumain ng mga yan! SYA LANG!"

Pikon na sabi ni Jeremy.

Hindi nya maintindihan kung bakit kahit anong gawin nya, hindi pinakikinggan ng manager ang paliwanag nya.

"Gaya nga ng sinabi ko sa inyo kanina Sir, wala po dito ang tinutukoy nyo na kasama nyo, kayo po ang narito, kaya, kayo po ang magbayad!"

Mahinahong paliwanag ng manager.

"Jeremy, bakit ba hindi mo na lang abonohan muna ang nakain ng kasama mo tutal, mukhang kilala mo naman sya! Saka mo na lang singilin sa kanya pagkatapos!"

Suggestion ni Jericho sa anak.

"Magkano po ba Mr. Manager ang nakain nila?"

Kinuha ni Jericho ang wallet nya para sya na ang magbayad at ng makaalis na sila.

"Eto po Sir!"

Sabay abot ng manager sa chit nila Jeremy.

"Jusmiyo, Jeremy! Buong baranggay ba ang pinakain mo?!"

Nanlaki ang mga mata ni Jericho ng makita ang presyo.

Kinuha ni Elsa sa asawa ang chit.

P56,978.90

At maging sya ay nanlaki din ang mga mata.

"Sir, first class restaurant po ito kaya first class din ang price!"

"Paano ka nakapagpa reserve dito Jeremy, by membership ang first class restaurant na 'to?"

Tanong ni Ames.

"Dito po kami madalas mag date ni Eunice at kaya po nila ako nabigyan ng membership!"

"No po Sir, kaya po kayo nabigyan ng membership dahil po sa special request ni Ms. Eunice Perdigoรฑez!"

"Kung ganun kilala mo naman pala si Eunice, bakit hindi mo na lang sya tawagan para matapos na 'to?"

Sabi ni Jeremy sa Manager.

"Bakit Jeremy, bakit kailangan nyang tawagan si Eunice, ano naman ang kinalalaman niya dito?"

Kasi po Mama, siya po ang umorder at kumain lahat ng 'yan!

Pinapunta ko po sya dito para kausapin tungkol sa amin ni Bea. Naki pag break na po ako sa kanya pero .... hindi ko akalain na oorder sya ng madami! At pagkatapos nyang kumain, bigla na lang umalis! Nakakinis hindi man lang nang iwan ng pambayad!"

Naiiritang kwento ni Jeremy.

Hindi na nakapagpigil pa si Ames. Nilapitan nya ang pamangkin at saka binatukan.

Tarantado ka ba? Anong klaseng utak meron ka? Lalaki ka ba? Ikaw ang dahilan kaya nangyari ang lahat ng 'to! Kundi dahil sa kaduwagan mo at sa walang kwenta at baluktot mong mga desisyon hindi mangyayari ang lahat ng ito! Tapos ngayon ikaw pa ang may ganang magalit?

Sino ka ba sa akala mo, Jeremy?"

Galit na galit na singhal ni Ames.

Wala na syang pakialam kung madinig man ito ng lahat.

"Manager kung wala syang pambayad, bahala na kayo sa kanya! Kung gusto nyo ipakulong nyo para magtanda!"

Sabi ni Ames.

"Pero Tita Ames, hindi ko kasalanan ito, hindi naman po ako ang umorder at kumain nyan kaya bakit kailangan ako ang makulong?"

"Ano, hindi mo kasalanan? At anong ibig mong palabasin, ikaw ang biktima? Ang kapal naman ng mukha mong sabihin yan!

Baka nakakalimutan mo, hindi ginusto ni Eunice ang paglaruan nyo sya kaya pwede ba, huwag kang mag feeling victim!"

Tumalikod na ito at umalis.

"Sir, tinawagan ko na po si Ms. Eunice pero hindi ko po sya nakausap! Ang father po nya na si Sir Edmund Perdigoรฑez ang sumagot at sinabi po nyang kulang pa daw po yang kabayaran sa pagkakautang nyo! At pinasasabi din po nya na mag handa na raw po kayo dahil maniningil na sya!

Sir, magbayad na po kayo ng bill nyo o baka mapilitan kaming tumawag ng mga pulis!"

Natakot si Jeremy ng madinig ang pangalan ni Edmund lalo ng madinig na tatawag ang manager ng mga pulis.

"Papa, Mama, tulungan nyo po akong mabayaran ito, please!"

Pagmamakaawa nya sa mga magulang nya.

"Jeremy anak, hindi namin alam kung papaano ka tutulungan, alam mong wala tayong ganung kalaking halaga!"

"Bakit kasi Kuya dito mo pa naisipang magpunta, ang mahal, mahal dito?

Saka, saan ka kumukuha ng budget pag dinadala mo si Eunice dito? Huwag mong sabihing sya ang nagbabayad sa mga date nyo?"

Hindi nakaimik si Jeremy, pero halata sa mata nya na totoo ang sapantaha ng kapatid.

Related Books

Popular novel hashtag