Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 277 - Anong Pakialam Ko Sa Kanila

Chapter 277 - Anong Pakialam Ko Sa Kanila

Lingid sa kaalaman ng magkapatid, nadinig ni Jaime ang sinabi ng asawa.

'Hindi nya pinagsisihan na ako ang napangasawa nya?'

Nangiti ito. Hindi nya inaasahan na madidinig ito sa asawa nya pagkatapos ng mga nangyari sa pagsasama nila.

Maya maya may naramdaman nyang may namumuong luha sa mga mata nya.

Ano man ang dahilan ng asawa nya, sapat na na marinig nyang hindi nya pinagsisihan ang pagpapakasal dito.

Pero pingilan ni Jaime na tumulo ang luha nya, agad nya itong pinunasan.

'Ano ka ba Jaime kalalaki mong tao umiiyak ka dyan! Umayos ka nga, baka may makakita sa'yo!'

Suway nito sa sarili.

Agad syang tumayo ng tuwid, inayos ang sarili at humanap ng ibang daan paakyat sa silid nya.

Kailangan nyang makabalik ng ospital dahil ang kulit ng madrasta nya, ayaw syang tigilan!

DING!

[Jaime, asan ka na? Bakit ang tagal mo? Sabi mo magpapalit ka lang ng damit! Bilisan mo nga at hinahanap ka na ng Papa mo!]

~Tiya Belen

"Arrgghh!"

Nanggigigil sa inis si Jaime ng mabasa ang text ni Belen.

'Akala ba nya malapit lang sa ospital Aeng bahay ko? Hello? Malayo sa Maynila ang bahay ko?'

Pero kahit gigil sya hindi nya masagot ito, at ala rin naman syang magawa, susunod din naman sya.

Sa ospital.

"Nay bakit nyo po ba kinukulit si Kuya Jaime, andito naman po kami ni kambal? Kami na lang po ang magbabantay ke Tatay!"

Sabi ni Alison.

"Hoy, kayong dalawa, pareho kayong pasaway! Sinabi ko na sa'yo na huwag kayong pupunta dito sa ospital! Nakalimutan mo na ba Alison na kapapanganak mo pa lang? Bakit mo pinababayaan ang apo ko? Tapos isinama mo pa itong kakambal mo e kabuwanan na nyan!"

"Nay naman, payagan nyo na po kami, please! Tatay naman po namin sya!"

"Naku, naku, naku! Makakalbo ako sa inyo! Pasaway na na nga itong tatay nyo pasaway din kayo!"

"Giliw..."

Tawag ni Gene kay Belen.

"Kasalanan mo 'to Eugenio! Masyado mong iniispoiled yang mga batang yan! Kausapin mo yang dalawang yan ha, at gusto ko wala na sila pagbalik ko!"

Sabay alis ni Belen.

"Tay may masakit po ba sa inyo? Huwag po kayong magaalala aalagaan po namin kayo!"

Kahit na hirap magsalita at hirap syang kumilos kinausap nya pa rin ang kambal.

Sumensyas si Gene sa kambal na lumapit para madinig ng dalawa ang sasabihin nya.

"Kayong dalawa, masyado kayong pasaway.... hindi nyo ba naintindihan ang gustong mangyari ng nanay nyo? Gusto nya akong masolo!"

"Tay huwag na po kayong magsalita, baka makasama pa sa inyo!"

"Paano ako hindi magsasalita, mga lintek kayong mga bata kayo! Intindihin nyo naman ako, gusto kong masolo ang nanay nyo! Ngayon lang ako nilalablab ng giliw ko, kaya pwede ba magsilayas kayo at iniistorbo nyo kami!"

Hindi alam ng dalawa kung matatawa o maiinis sa pinagsasabi ng tatay nila.

Pagbalik ni Belen ng silid wala na ang kambal nya.

Sinalubong ni Gene ng matamis na ngiti ang asawa.

"Anong nginingiti mo dyan?"

"Wala na sila Giliw ko, napaalis ko na! Pa kiss naman!"

Sabay tulis ng nguso nya.

Pinadilatan sya ng mata ni Belen.

"Tsigina, Giliw ko, tsup, tsup na me!"

"Tsup tsup ka dyan! Magtsuptsup kang magisa mo! Hmp!"

Ganito sila naabutan ni Jaime.

Hindi nya tuloy alam kung papasok sya o hindi pero napansin siya ni Belen.

"Hoy Jaime, ikaw nga tsumuptsup dyan sa tatay mong matandang hukluban na!"

"....."

Iniwan silang mag ama ni Belen.

"Anong tinitingin tingin mo dyan?"

Tanong ni Gene sa anak.

"Pa, bakit po hinahayaan nyong ganyanin kayo ni Tiya Belen?"

"Mahal ko eh! Pakialam mo!"

Hindi na umimik si Jaime, ayaw nyang kontrahin ang ama.

"Alam ko kung ano ang nasa isip mo, kung bakit ako nagpapa under sa asawa ko!"

"Hindi po ba kayo nahihiya sa sasabihin ng ibang tao sa inyo, Papa? Isa po kayong heneral!"

"Ang dahilan kaya ko pinakasalan ang asawa ko ay dahil mahal na mahal ko sya, kaya anong pakialam ko sa sasabihin ng iba! Hindi naman sila ang magpapaligaya sa akin kungdi ang misis ko!"

"Ikaw Jaime, bakit mo ba pinakasalan si Nadine, para ba may maipagyabang ka sa mga tao sa paligid mo?"

"Papa, mahal ko po ang asawa ko!"

"Mahal? Sigurado ka? Ang lupit mo naman magmahal, kawawa ang mga minanahal mo, kasi patuloy mo silang sinasaktan!"

Tumahimik si Jaime, hindi na nakapagsalita.

"Hindi ko alam kung saan mo natutunan ang ugali mong ganyan! Ang babae ginagalang, nirerespeto at pinagsisilbihan! Wala kang awa sa pamilya mo, hindi ka karapatdapat na maging opisyal! Hindi bagay sa'yo na magkaroon ng star sa balikat! Ikinahihiya kita!"

*****

Samantala.

Nasira na ni Lemuel ang mood ni Jeremy, hindi na ito sumunod sa pamilya na namamasyal ngayon sa isang theme park.

Hindi na rin naman nya makakayang harapin ang ama kaya hindi na ito sumunod, nagtungo sya sa isang bar para dun magpakalunod baka sakaling mawala ang inis na nararamdaman pag lasing na sya.

Pag gising nya kinabukasan nasa isang motel na sya kasama ang isang babaeng hindi nya kilala.