Ready na ang lahat.
Dinala ni Jeremy si Eunice sa isang eleganteng restaurant.
Nagulat si Eunice ng sunduin sya ni Jeremy na naka pormal, samantalang sya ay simpleng bestida lang ang suot.
Pagdating nila ng restaurant medyo nailang si Eunice.
"Parang di bagay ang suot ko! Bakit di mo sinabing dito mo ako dadalhin, sana nag handa ako? Kainis ka!"
"Surprise nga e, paano ko sasabihin! Hehe! Saka, maganda ka naman kahit anong suotin mo!"
"Ano bang okasyon? Hindi naman natin anniversary, malayo pa ang birthday mo at katatapos lang ng birthday ko? Huwag mong sabihin Valentine's day, next month pa yun!"
"Well everyday naman is Valentine's day basta kasama kita! Saka, masama bang itreat ko pamimsan minsan ang girlfriend ko sa isang mamahaling restaurant!"
"But this is so expensive, baka maiga ang wallet natin?"
"Nope, this is my treat, ako ang nag aya kaya ako ang taya!"
Medyo kinakabahan si Eunice, baka hindi makaya ni Jeremy ang bill, first class restaurant ito! Pero hindi nya pinahalata, ayaw nyang mapahiya si Jeremy. Sobrang effort pa naman ang ginawa nya.
Saka ready naman sya lagi pag kailangan ni Jeremy ng tulong sa pagbabayad ng bill.
'Buti na lang nadala ko ang credit card ko!'
Pero hindi makikitaan ng kaba si Jeremy. Marami kasi itong pera, bigay ng Lolo nya.
'Oras na! It's now or never!'
Biglang tumayo si Jeremy at lumuhod sa harap ni Eunice na kumakain ng paborito nyang dessert.
Nagulat sya sa aksyon nito.
"Eunice ..... will you marry me?"
Ang tagal nagpraktis ni Jeremy sa sasabihin nya pero .... wala syang maalala sa prinaktis nya.
Hindi nakasagot si Eunice, napatanga ito sa tanong ni Jeremy.
Nangangawit na si Jeremy sa pagkakaluhod at marami na ang nakapansin sa nangyayari pero hindi pa rin sumasagot si Eunice.
Lahat ng nasa paligid nila inaantay ang sagot ni Eunice.
Kinakabahan na si Jeremy, ayaw nyang mapahiya kaya kinuha nya ang kamay at pilit na isinuot ang sing sing.
Nagpalakpakan naman ang lahat sa napaka sweet na moment na ito.
Pinakiramdaman ni Jeremy si Eunice, patuloy lang ito sa pagkain ng dessert at ayaw syang tingnan.
'Baka masyadong nabigla, nahihiya siguro. Ang mahalaga hindi nya tinanggihan!'
Nakahinga ng maluwag si Jeremy. Nagtagumpay sya!
Hanggang sa paguwi ay walang imik si Eunice. Kahit kinakausap sya ni Jeremy ay hindi ito sumasagot kaya hinayaan na lang sya nito.
'Maybe she's overwhelmed!'
Inihatid na ni Jeremy si Eunice sa old mansion pero bago ito bumaba, hinarap nya si Jeremy.
"Jeremy, simula pa ng bata ako ikaw na ang minahal ko, magpahanggang ngayon, alam mo yan! Pero .....
..... hindi pa ako handa, I'm only 19 at alam kong hindi ka pa rin handa!"
Kinuha ni Eunice ang kamay ni Jeremy at inilagay ang singsing sa palad nito tapos ay bumaba ng sasakyan.
"Eunice, wait! Hindi mo pwedeng gawin sa akin ito, tinanggap mo na ang singsing bakit isinosoli mo?"
"No Jeremy, I didn't say YES! Nilagay mo lang yan sa kamay ko at hindi lang ako nagreact dahil ayaw kong mapahiya ka kanina!"
"Mahal kita Jeremy pero huwag mo sana akong pilitin sa bagay na hindi ko gusto!"
Tumalikod na ito at iniwan si Jeremy na hindi pa rin makapaniwala na ni reject sya ni Eunice.
Hindi na humabol pa si Jeremy. Mainit ang ulo nyang bumalik sa sasakyan at galit na galit na umalis.
Ano bang pakialam nya kung tanggapin ni Eunice ang singsing o hindi?
Mas maganda nga iyon para tumigil na si Lolo!'
Habang umaandar ang sasakyan, may tinawagan sya.
"Hello?"
Sagot ng kabilang linya.
"Libre ka ba? Pwede ba tayong magkita?"
Tanong nya sa kausap.
Uy! Si Mr. Romantic! Oo naman basta ikaw! Saan ba?"
Sa dating tagpuan!"
*****
Sa isang motel sya nagpunta ang katagpuan nya duon ay ang babaeng nakasama nya at nakilala sa bar at dinala sa isang motel.
Simula ng araw na yun, naging close na sila at laging nagkikita lalo na sa mga panahong ganito.
Sya si Bea.
"Sa itsura mo mukhang nabigo ka! Tama ba ako?"
Ipinikita nya ang kahon na may singsing.
"Sayang naman! Pano mo sasabihin sa Lolo mo? Wala ka bang planong subukan ulit?"
Tanong ni Bea.
"Gusto mo ba yang singsing? Sa'yo na!"
Simpleng sabi ni Jeremy.
Wala talaga syang interes sa singsing.
"Talaga? Ibibigay mo talaga ito sa akin?"
Kinuha nya ang kamay ni Bea at isinuot duon ang singsing.
Tuwang tuwa ang babae ng makita ang singsing sa daliri nya at kinikilig pa ito.
"Wala ng bawian ito, ha!"
"Mhmmm! Iyo na yan! Mas bagay sa kamay mo!"
Sabay halik kay Bea na sinagot naman din ni Bea ng isang mainit na halik na nauwi sa ..... alam nyo na yun!.