Pagmulat ng mata ni Jaime, nasa isang silid sya na hindi pamilyar sa kanya maliban sa pamilyar na mukha na nasa frame.
Ang picture ni Edmund 25 years ago.
'Anong ginagawa ko dito sa bahay ni Edmund?'
Pilit nyang inaalala ang nangyari sa kanya kagabi pero wala syang maalala, hindi nya alam kung paano sya napunta sa lugar na ito, dumadagdag pa ang sakit ng ulo na nadarama nya dala ng hangover.
Tiningnan nya ang orasan na nakasabit sa pader.
"Ala dos?"
Medyo madilim sa loob dahil sa nakasaradong blinds pero maaninag na sa nga sumisingit na liwanag ang taas ng araw.
Pinilit nyang bumangon subalit sumikdo ang sakit ng ulo nya.
"Ahhhhhh!"
Biglang bumukas ang pinto.
"Gising ka na! Good!"
May dala itong tubig at gamot para sa hangover nya.
"Eto, pinabibigay ng Tiya Belen mo! May ginawa rin syang soup para sa hangover mo!"
"Papa? Asan ako?"
"Andito ka sa old mansion sa silid ni Edmund!"
Hindi pa sya kailanman nakapasok sa silid ni Edmund nung binata pa sya, hanggang sa baba lang sya ng old mansion dahil takot sya kay Belen, istrikto ang pagkakakilala nya dito kaya simula pa lang ilag na sya dito.
"Paano ako napunta dito?"
"Sa sobrang kalasingan mo nakatulog ka sa CR ng bar na pinuntahan mo! Kanina ka lang nila nakita sa loob ng cubicle.
Hindi nila makontak ang family mo dahil nakalock ang cellphone mo matapos nilang kunin sa bowl kaya hinanapan ka nila ng ID at ng malaman nilang sundalo ka tumawag sila sa kampo at ang kampo ang kumontak sa akin!"
Pagkatapos magsalita ni Gene, napuno ng katahimikan ang paligid.
Hiyang hiya si Jaime sa ama kaya hindi ito makapagsalita at si Gene, walang nakakaalam ng iniisip nya habang pinagmamasdan ang anak.
Hindi nakatagal si Jaime sa pananahimik ng ama.
"Papa, kung pagagalitan nyo po ako, tatanggapin ko!"
Huminga ng malalim si Gene.
Kita sa mata nito ang lungkot at awa sa anak.
"Sabi nila ang kabiguan ng anak ay kasalanan ng magulang. Bigo akong palakihin ka ng tama! Kung nadalas lang sana ako ng paguwi nuon sana nagabayan kita ng husto!"
Isa ring sundalo ang ina ni Jaime at bata pa ito ng mamatay sa isang engkwentro at simula ng mamatay ang ina ay ginumon na ng ama ang buhay nito sa serbisyo para maibsan ang kalungkutan.
Ang kanyang Lola Fe, Ninong Anthon at Tito Joel ang nag alaga sa kanya at si Anthon ang malaking impluwensya sa kanya at masasabing na spoiled sya ng Ninong nyang ito.
"Papa, huwag nyo pong sabihin yan! Isa na po akong Brigadier General, may isa na akong star sa balikat at malapit ko ng marating ang narating nyo! Kaya hindi po kayo nabigo sa akin!"
Nakangiting sabi ni Jaime.
"Bakit anak masaya ka ba? Anong saysay ng tagumpay mo kung hindi ka masaya?"
"Papa!"
"Akala mo ba masaya ako na nakikitang unti unti mong sinisira ang buhay mo, Jaime?
Mahalaga ba talaga sa'yo ang maging heneral?
Kung alam ko lang na magkakaganyan ka sana ....
Sana nagretiro na lang ako ng mamatay ang Mama mo at inalagaan ka!
Bigo ako at binigo ko rin ang Mama mo!"
Masakit pa rin ang ulo ni Jaime pero mas masakit ang mga salitang nadidinig sa ama, tumatagos ito sa puso nya.
"Bakit nyo po nasabi yan Papa? Hindi ba't alam nyong simula pa pagkabata ay gusto ko ng maging katulad nyo? Iniidolo ko po kayo!"
"Anong saysay ng pagiging heneral ko kung bigo naman akong maalagaan ng tama ang anak ko?"
"Pero Papa ang mga achievements nyo ang mga medal nyo, hindi ba ito mahalaga sa inyo?"
"Anak, ang pagtumanda ka na ang lahat ay wala ng saysay. Ang career mo ang posisyon mo ang achievements mo, wala na itong saysay! Dahil ang tanging mahalaga na lang ay kung MASAYA KA BA?"
Hindi nakaimik si Jaime, napuno sya ng lungkot. Naalala nya ang pamilya nyang hindi nya kasama ngayon dahil galit sa kanya pero mas lalo syang nalungkot ng makita nyang umiiyak pala ang Papa nya.
"Bigo ako .... bigo ako ... !"
Sambit nito habang umiiyak.
Hindi makayanan ni Jaime na makita ang ama na mahina at sinisisi ang sarili sa kapalpakan nya.
Maya maya nagulat na lang si Jaime ng makitang hawak na nito ang dibdib nya at tila nahihirapang huminga.
"Papa ..... Papa!"
"Tiya Belen, Tiya Belen, ang Papa!"
Sigaw nito sa may pinto.
Nagmamadaling nagtungo si Belen sa silid at tiningnan ang nangyayari.
"Anong nangyari? Bakit?"
Nagulat si Belen ng makita ang asawa na halos nakahiga na sahig na sa sahig at inaalalayan ni Jaime.
Agad itong lumapit sa asawa.
"Gene, Gene, Giliw ko gumising ka! Huwag mo akong takutin ng ganito!"
"Jaime tumawag ka ng ambulansya dali!"
"Tiya isugod na lang po natin sya!"
"Tumawag ka ng ambulansya sa at sabihin mong ako ang nagpatawag!"
Singhal ni Belen kay Jaime.
Pagaari ng mga Perdigoñez ang pinaka malaking private hospital sa bansa kaya nagulat na lang si Jaime sa loob ng limang minuto may chopper na agad syang nadinig sa likod ng bahay.
"Madam, andito na po sila!"
Sabi ng mayordoma ng mansyon.
Mabilis ang kilos ng mga ito at agad na naisakay si Gene sa helicopter kasama si Belen at Jaime.