Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 273 - Makikialam Na Ako

Chapter 273 - Makikialam Na Ako

Nadala agad sa ospital si Gene. May aortic aneurysm sya at buti na lang naagapan agad bago ito mag rapture.

Nasa operation sya ngayon.

Tahimik si Belen at si Jaime sa labas ng operation parehong nagaalala sa nangyayari sa loob ng operating room.

Maya maya tumayo si Belen at lumapit kay Jaime.

"Sa susunod pag sinabi ko sa yong tumawag ka ng ambulansya, tumawag ka!"

Nanlilisik ang mga mata nito sa galit.

"Ilang araw ka ng iniisip ng Papa mo simula ng malaman nyang tumaas muli ang ranggo mo?

Alam mo ba kung gaano ka kamahal ng Papa mo, Jaime?

Hindi nya gustong maging heneral, matagal na nyang gustong mag retiro, nuon pang pinakasalan nya ako, pero nagpatuloy sya para sa'yo! Alam nya kung gaano kahalaga sa'yo ang posisyon nya kaya kahit hindi na sya masaya sa serbisyo, nagpatuloy sya alang alang sa'yo! Dahil gusto nyang maging isang magandang halimbawa sa'yo pero anong nangyari sa'yo?"

Hindi nakaimik si Jaime. Wala syang alam sa nangyayari sa ama. Ni minsan hindi nya ito nakitaan ng kahinaan, ngayon lang!

"Nay, ano pong nangyari kay Tatay?"

Tanong ng mga dumating. Ang kambal nila Gene at Belen na sina Abigail at Alison kasama ang mga asawa nila.

"Anong ginagawa nyo dito? Buntis ka Alison at kapapanganak mo pa lang Abigail, baka nakakalimutan nyo?!"

Sermon ni Belen sa kambal sabay tingin sa mga asawa nila napatungo, aminadong hindi nila kayang pigilan ang asawa nila.

"Nay, hindi rin po kami matatahimik kakaaisip kay Tatay!"

"Huwag na po kayong magalit Nay, gusto lang naman po namin makita si Tatay! Nagaalala po kasi kami!"

Sabi ng kambal.

"Nasa operation pa sya kaya hindi nyo pwedeng makita!"

Sagot ni Belen

"At ikaw Jaime, huwag kang aalis, dyan ka lang!"

Tumango lang si Jaime.

Ngayon lang sya kinausap ng madrasta nya ng ganito.

Maya maya meron na naman padating.

Sila Edmund.

"Tiya Belen, kamusta po? Si Uncle po kamusta?"

Tanong ni Edmund.

"Anong ginagawa nyong lahat dito?"

"Granny ano pong nangyari kay Lolo Gene bakit po sya andyan? Dipo ba malakas si Lolo, bakit po sya nagkasakit? Huhuhu!"

Humahagulgol na tanong ni Kate.

"Apo, huwag kang magalala may lahing kalabaw ang Lolo Gene mo! Walang mangyayaring masama sa kanya!"

Agad na nilapitan ni Mel si Kate at agad na inaalalayan nya ito.

Mahal na mahal nya ang Lolo Gene nya, ito ang kakampi nya at kabiruan nya sa lahat ng oras.

"Tiya, naipahanda ko na po ang VIP room natin, buti pa duon na muna kayo para makapagpahinga po kayo!"

Aya ni Edmund. Nagaalala sya sa kalagayan ng tiyahin, alam nyang pinakikita lang nitong malakas sya pero mahina na talaga ang katawan nito.

May sariling VIP room ang mga Perdigoñez dito sa ospital nila.

"HINDI! Hindi ko iiwan ang asawa ko!"

"Pero Tiya, baka po makasama sa inyo kung mananatili po kayo dito! Tara na po sa taas at duon makakahiga po kayo!"

"Sinabi ko ng HINDI! Sila ang isama mo sa taas! Abigail, Alison umakyat na kayo dun sa taas at isama mo na rin sila!"

"Pero ...."

Pinadilatan nya ng matalim si Edmund.

"Sige po isasama ko na sila sa taas, babalikan ko po kayo pagkahatid ko!"

"Huwag na Edmund, andito naman si Jaime, sya ang magbabantay sa akin!"

Tiningnan ni Edmund ng seryoso si Jaime tapos ay sinunod ang gusto ng Tiyahin.

Pagdating sa VIP room kinausap sya ni Nadine, nagaalala ito kay Belen. Mas close si Nadine kay Belen kesa kay Nicole at nagaalala ito dahil maiiwan sya kay Jaime.

"Edmund, hindi ako mapalagay, mas mabuti sigurong samahan ko si Tiya Belen..."

"Nadine, hindi mo ba naintindihan ang gusto mangyari ni Tiya Belen? Gusto nyang makausap si Jaime kaya mas makakabuting dumito ka na lang, please!"

"Teka, nasaaan si Eunice?"

***

Sa labas ng operating room.

Napapaisip si Jaime.

'Bakit nya ako pinaiwan dito?'

Alam kong galit sya sa akin dahil ako ang dahilan kaya nangyari ito sa Papa pero .... hindi ko akalain na ganito nya kamahal ang Papa!'

May naunang asawa si Belen, ang dating mayor ng San Roque. Namatay ito ng maaga.

Ito lang ang lalaking binuhusan nya ng buong pusong pagmamahal hanggang sa dumating si Gene sa buhay ni Belen.

Hindi nya aakalaing mamahalin nya rin ito gaya ng pagmamahal nya sa nauna nyang asawa.

"Jaime, alam mo ba kung ano ang ikinamatay ng Kuya kong si Luis, ang ama ni Edmund?"

Napatingin lang si Jaime at saka umiling kahit hindi sya nakikita ni Belen.

Nagsasalita ito at kinausap si Jaime ng nakatalikod sa kanya.

"Kapareho ng sa Papa mo!

May aortic aneurysm din si Kuya Luis nuon at si Edmund lang ang naiwan sa kanya. Namatay ang kapatid ko sa bisig ni Edmund at malaki ang naging epekto nun sa kanya!

Kanina, ng sabihin mong isusugod natin sa ospital ang Papa mo, alam kong hindi sya aabot!

Hindi magugustuhan ng Papa mo kung mamatay sya sa bisig mo, alam nyang magpahanggang ngayon hindi ka pa rin nakaka recover sa pagkamatay ng Lola Fe mo sampung taon na ang nakakaraan at ayaw nyang dumagdag pa sa sakit ng nararamdaman mo!"

"Alam kong ni minsan hindi kita pinakikialaman pero sa pagkakataong ito, makikialam na ako! Anuman ang mangyari sa Papa mo, para sa kanya, gagawin ko ang lahat para tumino ka at umpisahan mo na sa pagdarasal ngayon!

Dahil pag may nangyaring masama sa Papa mo baka isumpa ka na ng anak mong si Kate!"