Samantala.
Kung nagkakaroon ng dramahan sa pamilya Santiago, nagkakaroon naman ng interogation sa pamilya Perdigoñez.
"Kayo na pala ng mokong na Jeremy na yun hindi mo man lang sinabi sa akin! Kung hindi ko pa tinanong si Mel hindi ko malalaman!"
Bulahaw ni Edmund sa anak.
Tumaas talaga ang presyon nya ng malamang boyfriend na ni Eunice si Jeremy.
Eunice: (rolled eyes)
'Asus tinanong daw nya si Beshy, eh balita ko tinakot nya!'
"Dad sorry na po medyo na busy po kasi ako, alam nyo naman pong dami kong iniisip gaya ng opening ng bago naming business na convenient store, tapos kasabay pa nun ang ginanap na seminar ng company nyo po, kaya nawaglit sa isip ko!"
Lambing ni Eunice sa ama.
Medyo nangiti naman si Edmund.
Alam nyang super busy si Eunice lately, sa studies, sa business at sa work, pero hindi yun ang nginingiti nya.
'Hmmm, mukhang hindi sya ganun kaseryoso dun sa mokong na Jeremy na yun, bakit di nya agad sinabi sa amin ng Mommy nya kung mahalaga sa kanya ang bwisit na mokong na yun?'
"Honey, tantanan mo na yang anak mo at minsan lang yang umuwi, saka pasko na!"
Hirit ni Nicole sa asawa.
"Eh, yun nga nakakainis, kundi pa pasko at hindi kukulitin hindi pa pupunta, hindi man lang maisip na dumalaw! Nagtatrabaho nga sya sa kompanya ko pero hindi ko rin napagkikita!"
Nagtatampong sabi ni Edmund.
"Si Daddy talaga kung magsalita parang dipo kayo busy! Nung isang araw pinuntahan ko po kayo sa office nyo para ayain kayong mag lunch, pero wala po kayo, nasa meeting daw ng isang sexy nyang kliyente!"
"Anong sexing kliyente?!"
Matalim ang tingin na tanong ni Nicole sa asawa.
"Teka, teka! Anong sinasabi mo dyan Eunice? Bawiin mo nga yang sinabi mo at baka maniwala sa'yo yang Mommy mo!"
Kinakabahang suway nya sa anak.
Alam ni Edmund na sinasakyan lang ni Nicole ang biro ng anak pero nagaalala pa rin sya.
"Dad, is it true? Are you cheating on Mom? Please Dad huwag nyo pong gagayahin si Tito Jaime, don't make my Mommy sad!"
At sinibangutan sya ni Earl.
'Eto na nga ba ang inaalala ko eh!'
"EUNICE !!!!"
Sigaw ni Edmund sa anak kahit magkalapit na sila.
"Hehehe! Huwag po kayong magaalala Mommy mas sexy po kayo dun saka hindi po sya girl, pa girl po sya!
Hahaha!"
"Luka luka ka talagang bata ka!"
At pinitik ni Nicole ang noo ni Eunice sa kakulitan nito.
"Ikaw talaga Eunice, gusto mo lang ilayo ang usapan kay Jeremy, kaya pati ako ipapahamak mo, tsinelasin kita dyan eh!
Kala mo matatakasan mo ako, ha, dalhin mo dito ang Jeremy na yan at ng mabalatan ko ng buhay!"
Sabi ni Edmund.
Napakagat sa labi si Eunice sa sinabi ng Daddy nya.
"Dad may naalala po ako, totoo po bang niligawan nyo nun si Lola Issay?"
Muling tanong ni Eunice.
Nasamid si Edmund sa tanong ng anak.
(cough, cough, cough)
"Saan mo naman nadinig yan?"
Singhal ni Edmund sa anak sabay tingin sa asawa.
"Oh, 'wag mo akong tingnan ng ganyan, malay ko dyan! Hindi ako ang nagkuwento sa kanya!"
Sagot ni Nicole.
'Malamang si Tiya Belen ang nagkuwento sa kanya, matawagan nga mamya at baka namimiss na ako nun!'
"You mean it's true Dad? Niligawan nyo po si Lola Issay? Dad your soooo eeewww! She treat you and loves you like a son!"
Sabat ulit ni Earl.
"Earl, bata pa ko nun, hindi ko pa alam ang true love nun! At akala ko love as a lover ang nadarama ko kay Nanay Issay but the truth is naghahanap lang pala ako ng mother figure!"
Tiningnan ni Earl ng matalim si Edmund at tumingin din si Edmund sa kanya.
"Okey Dad!"
Nakahinga ng malalim si Edmund sabay tingin kay Eunice.
'Lintek na batang ito mapapalo ko talaga ito eh! Nagiging sutil na eh! Hmp!'
Ramdam ni Eunice na napipikon na ang Daddy nya kaya tumahimik na ito at baka nga tsinelasin na sya nito.
"MERRY CHRISTMAS EVERONE!"
Bati ng mga dumating na ikinagulat nila.
'Mukhang may nangyaring hindi maganda!'
Dahil na bad trip ang pamilya Santiago sa bahay nila, lumipat ng bahay sila Nadine at isinama ang mga anak nya.
"Anyare Ate Nadine bakit kayo napasugod? At asan si Kuya Jaime?"
Bulong ni Nicole.
"Huwag mo ng itanong at baka ma badtrip pa yang mga anak ko! Bukas ko na lang ikukwento, mag celebrate muna tayo ng pasko!"
Masaya nilang sinalubong ang pasko habang si Jaime ay mag isang nakalugmok sa alak.
Sa sobrang kalasingan nito hindi na nya namalayan kung saan sya natulog.