"Haaay mga babae talaga ang dadrama!"
Bulalas ni Jaime.
Muli itong bumalik sa pagkain.
"Bahala sila kung ayaw nilang kumain, basta ako magpapakabusog dito! Sarap kaya ng mga handa!"
Sa kalagitnaan ng pagkain nya may dumating.
"Dad, why are you alone? Asan po sila?"
Tanong ni James, ang panganay nyang anak.
Bihira itong umuwi ng San Miguel simula ng magaral itong mag duktor lalo na ngayon na isa na itong Surgeon.
"Oh, ikaw pala James, ang pinagmamalaki kong anak na duktor! Hehe! Buti dumating ka, halika samahan mo ako!"
Gusto ni Jaime nuon na mag sundalo si James para may susunod sa yapak nya pero nabigo sya ng hindi nya ito mapilit dahil mas gusto nya ang mag duktor.
Pero kahit na hindi ito nagsundalo, masaya na rin sya dahil isa ng dalubhasang duktor na kilala ng madami ang unico iho nya.
"Asan po sila Mommy at sila Kate at Khim? May pasalubong po ako kay Khim!"
"Andun sa taas, nagdadrama!"
"Nagdadrama?"
'Mukhang may nangyari na naman!'
"Oo, pinagkakaisahan ako ng mga babae sa pamilya natin, ayaw nila akong intindihin!"
Sintemyento ni Jaime.
"Halika anak, maupo ka at samahan mo ako! Kelan mo ba ako planong bigyan ng apo, ha?"
"Bakit po Dad ano po ba ang nangyari at nasa taas sila?"
Tanong ni James.
"Wala, kinamusta ko lang naman ang kapatid mong si Kate pero minasama na nya!"
Paliwanag ni Jaime sa anak.
"Kinamusta?"
Nagtatakang tanong ni James. Hindi sya naniniwalang ganun lang yun, kaya hinayaan nyang magkwento ang ama.
"Oo kinamusta ko!"
"Pwede ko po bang malaman kung anong sinabi nyo?"
"Sabi ko kamusta sya, saka nabalitaan ko na naupgrade si Eunice at sila na ni Jeremy! Tapos sinabi kong 'what about you?"
"Sinabi nyo yun kay Kate?!"
"Oonga! Bakit ba ang kulit mo! Saka tinanong ko din sya kung bakit wala syang posisyon sa business nila! Diba dapat lang magkaron sya ng karapatan sa mga negosyong pinapasok nila? Ngayon sabihin mo, mali bang maging concern ako sa anak ko?!"
"Dad, listen! Walang hilig si Kate sa negosyo at ang part nya sa mga negosyo nila ay maliit lang! Si Mel at Eunice talaga ang magkasosyo sa negosyo at saling pusa lang si Kate kaya wala syang posisyon dahil ito ang gusto ni Kate.
At bakit po kayo naiinggit sa pagaccelerate ni Eunice e na accelerate din naman si Kate nung kumuha sya ng Psychology at ngayon naman ay Pathology!
Dad Third course na ni Kate itong forensic science and she's only 20, kaya bakit kailangan nyong itanong sa kanya yun? Hindi nyo po ba kilala si Kate? Hindi po ba kayo proud sa kanya?
Dad kung gusto nyang mag compete walang makakapigil sa kanya and she loves Eunice so much kaya natitiyak akong nasaktan sya ng husto sa sinabi nyo!
And lastly, Dad bakit ba ang laki ng bilib nyo kay Jeremy? If you compare Jeremy with Mel, Dad Mel is a better man than Jeremy, wala sa kalingkingan ni Mel yang si Jeremy!
Hindi nyo ba alam na nakickout sa Harvard si Jeremy! Ganun bang lalaki ang gusto nyo para sa kapatid ko a loser?"
Napahiya si Jaime sa sinabi ng anak. Tila sampal sa kanya ang lahat ng sinabi nito lalo na ang tungkol kay Jeremy.
'Malaki pa naman ang tiwala ko sa batang yon tapos, mahina din pala ang loob!'
'Mukhang hindi talaga ako magaling sa pag kilatis ng tao!'
"Dad, alam na namin ni Kate ang tungkol sa anak anakan nyo, yung anak ng kinakasama nyo na inampon nyo, inalagaan at binigyan ng sobrang atensyon simula pagkabata!
Yung atensyon na dapat ay kay Kate nyo ibinibigay pero hindi nyo maibigay!
Tapos ngayon sasabihin nyong concern kayo kay Kate? Dad nung bata pa po si Kate at kailangan nya ang atensyon nyo, wala po kayo dahil busy kayo sa kinakasama nyo at sa anak anakan nyo! Ni kapiranggot na atensyon hindi nyo maibigay sa kapatid ko, kaya sinong maniniwala sa inyong concern kayo kay Kate?"
Napatanga si Jaime sa anak.
'Papaano nila nalaman ang tungkol dun?'
Pero hindi pa tapos si James.
"Dad matagal ng hindi buo ang pamilya natin dahil KAYO po mismo ang sumira nito at mahirap na po itong mabuo dahil hanggang ngayon patuloy nyo pa rin po itong sinisira!
Habang si Mommy naman
ginawa ang lahat para makauwi dito sa bahay si Kate ngayon pasko para naman magkasama sama tayo!
Sana naman po bigyan nyo ng halaga ang effort ni Mommy, sana naman po bigyan nyo rin ng halaga ang pamilya nyo! Yun lang po ang hiling ko ngayong pasko!"
Tumayo na ito at umakyat sa taas.
At si Jaime na naiwan magisa sa lamesa ay nawalan na rin ng gana. Masaya pa naman sya ngayon dahil muling tumaas ang ranggo nya, isa na syang Brigadier General! May isa ng star sa balikat nya at sobrang proud sya sa sarili nya pero ....
'Mukha naman hindi mahalaga sa pamilya ko ang achievement ko!'
Nalungkot sya.
Tumayo na ito at umalis.
Nagtungo ito sa isang bar at mag isang uminom.