Paglabas ni Patricia ng classroom ni Prof. Alex, dumiretso ito sa office ni Uncle Tobby nya.
Alam nyang wala duon ang uncle nya, duon sya nagtungo para magtago sa lahat. Pakiramdam kasi nya pinagtatawanan sya ng lahat.
Andun sya magisa, umiiyak. Dinamdam nya ng husto ang sinabi ni Prof. Alex sa kanya.
"Ang sakit naman nyang magsalita! Bakit ganun sya masyado nya akong dinadown? Huhuhu!"
"Hindi naman ako bobo ah!"
Pagdating ni Tobby sa office nya, nagulat sya ng makita ang pamangkin sa loob, umiiyak.
"Patricia, anong nangyari sa'yo at saka bakit andito ka at wala sa klase mo?"
"Uncle, ayaw ko na pong bumalik kay Prof. Alex, hindi ko na po kayang pumasok sa klase nya!"
"Bakit, may nangyari ba? May ginawa ba sa'yo si Prof. Alex?"
"Tungkol po kay Eunice, Uncle, Totoo po ba na naupgrade sya?"
"Haaaay!"
Napabuntung hininga si Tobby.
'Sabi ko na hindi nya matatanggap ang nangyari kay Eunice!'
Maging sya man ay hindi makapaniwala.
"Totoo Patricia! Kahapon daw naganap sa harapan ng board of directors. Sila din ang namuno sa special exam na naganap!"
Hindi alam ng mga elite group ang naganap na exam dahil nagmula ito sa mismong board of directors ng school. May presence din ng representative mula sa department of education.
Hindi man gustong tanggapin ni Patricia pero dahil nagmula sa uncle nya, wala na syang magawa kung tanggapin.
"Bakit nga pala ayaw mo ng bumalik sa class ni Prof Alex, Patricia?"
"Napahiya po kasi ako, Uncle! Sinubukan ko po syang kumbinsihin na kaya ko ring gawin ang nagawa ni Eunice kung bibigyan lang ako ng chance, pero .... nabigo po ako! Huhuhu!
Hindi ko po nagawa at ang nakakahiya pa po nasagutan sya ni Freddie! Naintindihan nya yung equation pero ako HINDI! Huhuhuhu!"
Awang awa si Tobby sa pamangkin pero kailangan na nyang magising sa katotohanan para tigilan na nya si Eunice.
"Patricia, matalino ka, pero iba si Eunice, isa syang genius, kaya kahit anong gawin mo hindi ka makakahabol sa kanya dahil mas magaling syang magisip kesa sa normal na tao!
Ang sabi nga ni Prof. John, hindi pa raw nailalabas ni Eunice ng sagad ang kaya nyang gawin kaya hindi pa nila nakikita kung hanggang saan ang galing nito!
Kaya pamangkin, huwag kang mahiya dyan! Don't be sorry for yourself, hindi mo kasalanan kung hindi ka genius!"
Pero kahit anong gawin nyang paliwanag, masama pa rin ang loob ni Patricia. Napahiya sya! Pinahiya sya ni Prof. Alex kaya hindi na sya napigil ng uncle nya ng idrop nya ang klase ni Prof Alex.
"Buti pa umuwi ka na lang Patricia! Mas makakabuti sa'yo na lumayo muna at makapagisip! Pero bukas pumasok ka! Huwag mong idrop ang buong semester at sayang ang ibinayad ng mga magulang mo! Maliwanag!"
"Uncle pwede po ba akong magshift na lang ng course?"
"Anong course?"
"Engineering po! Parang mas gusto ko na sa engineering department, ayaw ko na po dito sa science!"
Napaisip si Tobby.
"Maganda nga yan naisip mo! Sige next sem mag change ka ng course, pero tapusin mo ang semester na ito, okey!"
"Salamat po Uncle!"
Pero ang totoo kaya nya naisip na lumipat sa engineering department dahil kay Jeremy.
Mas mapapadalas nyang makita si Jeremy kung lilipat sya sa engineering department.
Si Jeremy na lang kasi ang dahilan kaya sya sumasaya sa school na ito.
Ang mga mata nya na lagi nyang nahuhuling nakatingin sa kanya, at pag tiningnan nya ay nginingitian sya.
'Bakit kasi hindi pa nya ako lapitan? Masyado syang mahiyain!'
Ang hindi alam ni Patricia, hindi talaga sya ang tinitingnan nito kungdi si Eunice. Lagi kasi syang nakaharang kay Eunice kapag nakikita ito ni Jeremy.
'Wala na akong pakialam ngayon kung mas magaling sa akin si Eunice, may Jeremy naman akong andyan lang at nagaantay sa akin!'
'Ako na lang kaya ang maunang lumapit?'
Kaya nagpaalam na ito s uncle nya at nagtungo sa engineering department, nagbabakasakaling makita si Jeremy.
Pero hindi si Jeremy ang nakita nya kungdi si Eunice.
'Anong ginagawa ni Eunice dito? Hmp, hindi naman sya ang gusto kong makita!'
Dirediretso ito, kunwari hindi nya napansin si Eunice pero ...
"Patricia? anong ginagawa mo sa engineering department?"
Napatigil si Patricia.
"Bakit bawal ba?"
"Patricia, pwede ba tayong magusap?"
"Bakit meron ba tayong dapat pagusapan?"
"Gusto ko lang naman malaman kung bakit galit ka sa akin, may ginawa ba akong masama sa'yo?"
Napaisip si Patricia.
Ano nga ba ang dahilan bakit galit na galit sya kay Eunice?
Hindi nya alam pero yung mismong presensya nya ang kinaiinisan ni Patricia.
"Ayoko sa'yo! Yun lang! Kaya pwede ba layuan mo ako!"
"Okey! Hindi naman ako mapilit na tao, kung ayaw mo sa akin, eh di 'wag!"
Mataray na sagot ni Eunice sabay alis.