Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 268 - Sino Sya?

Chapter 268 - Sino Sya?

"Jeremy!"

Napalingon si Jeremy ng may tumawag sa kanya. Buong akala nya ay bumalik si Eunice.

Kagagaling lang ni Eunice dito dahil pinapupunta nya, nabalitaan nya kasing na accelerate ito at gusto nyang sorpresahin.

Dito nya naisipan sa bakanteng room para masolo nya si Eunice. Mahirap kasi kapag sa tambayan ni Eunice na coffee shop, andun sila Mel at Kate.

Sobrang natuwa si Eunice sa effort ni Jeremy kaya ng humiling ito na sya ang maghahatid sa kanya pauwi, pumayag si Eunice.

Masayang masaya si Jeremy at sa wakas napapayag na rin nya si Eunice, gusto nyang ibalik ang dati, ang naiwan nilang nakaraan.

Nakaalis na si Eunice at nililigpit na nya ang mga ginamit nya ng may tumawag sa kanya.

Nangiti ito.

Pero nagulat sya ng makitang iba ang nakatayo sa may pinto.

'Sino sya, at bakit nya ako kilala?'

"Hi Jeremy, naistorbo ba kita?"

Lumapit ito kay Jeremy ng buong ngiti.

Kung ang dating Jeremy sya malamang nilayasan na nya ang babaeng ito pero iba na sya ngayon, hindi na sya suplado dahil prospect client ang tingin nya sa lahat ng masalubong nya kaya kahit ayaw nyang ngumiti, napilitan sya.

"Hi!"

Pilit inaalala ni Jeremy ang babaeng nasa harap nya.

'Sino nga ba ito? Naging client ko ba ito o magiging client pa lang?'

"Uhm, ano nga palang name mo, Miss?"

"Ay oonga pala, I forgot! Hehe!

I'm Patricia, but you can call me Trisha for short!"

Buong ngiti nitong sabi.

"Ahh, Patricia, pasensya na makalat, hindi pa kasi ako tapos magligpit ng kalat, may kailangan ka ba sa akin? Need ko kasing tapusin ito agad, for the next bell!"

"Oh, ganun ba? Gusto mo ba ng help?"

No, no, no! Kaya ko na 'to, konti na lang naman eh! Nagmamadali lang ako dahil baka maabutan ako ng mga students na padating! Bakit ka nga ulit nandito?"

Muling tanong ni Jeremy sa dumating na hindi nya kilala.

"Eh, kasi gusto sana kitang yayain kumain sana!"

Nahihiyang sabi ni Patricia.

"Ganun ba? Kumain na kasi ako eh! Kakatapos ko lang!"

Nakita ni Patricia ang mga baunan na nasa isang tabi.

'Kawawa naman sya, nagbabaon lang ng lunch!'

'Nagititipid siguro sya!'

Ang hindi alam ni Patricia, para sa dalawa ang baon ni Jeremy, magkasalo sila ng lunch ni Eunice at pinaluto nya sa Nanay Elsa nya ang baon nya.

First time nya itong ginawa dahil gusto nyang magpa impress kay Eunice, kaya kahit nagtataka si Elsa, hindi sya nagtanong.

"Kung ganun, pwede bang kahit mag coffee na lang tayo dun sa coffee shop sa labasan!"

Hirit muli ni Patricia.

"Sorry Patricia pero may classes pa kasi ako, lunch break lang ang free ko!"

'Huh? Grabe naman itong taong ito, ang sipag!'

"Well kungdi pwede, mamya kaya after ng classes mo, pwede na ba?"

Hirit pang muli ni Patricia.

"Di rin pwede Miss, kasi after class kailangan ako ng sister ko! Wala kasing maghahatid sa kanya pauwi!"

"Di pa rin pwede...."

Malungkot na sabi ni Patricia.

"Oo Miss, and after kong maihatid ang sister ko sa house didiretso naman ako sa part time job ko, kaya pasensya na talaga!"

Paliwanag ni Jeremy.

'Wow, grabe pala ang sobrang sipag nya! Lalo tuloy akong naiinlove sa lalaking 'to!'

Ang hindi napansin ni Patricia nagdadahilan lang si Jeremy. Totoo naman lahat ng sinabi nya pero may time pa naman syang pagbigyan si Patricia kung gugustuhin nya pero ayaw nya.

Ayaw na ayaw ni Jeremy sa babaeng halatang may gusto sa kanya tapos parang namimilipit kapag nakikita sya.

Hindi katulad ni Eunice na kahit alam nyang inlove sa kanya, hindi nya nakikitaan ng ganun. At hindi rin sya easy to get di gaya ng iba. Nachachallenge tuloy sya.

"Paano Miss, tapos na ako, need ko pang pumunta sa locker ko ilalagay ko pa ito bago ako abutan ng bell!"

Nakangiting sabi ni Jeremy sabay taas ng baunan nya.

'Haaangkyut nyang ngumiti, eeeiiii!'

"Pwede ba akong sumabay kahit papuntang locker mo lang?"

Pangungulit ni Patricia.

"S-Sige!"

Wala ng nagawa si Jeremy kungdi pumayag, malelate na sya!

Tuwang tuwa at kilig na kilig si Patricia. Kinikilig ito habang naglalakad sila.

Pagkatapos ng huling klase nya, nagmamadaling nagtungo si Jeremy sa labasan malapit sa tambayan, para abangan si Eunice.

[Hello Eunice, dito na me, wer na you?]

~Jeremy

Nangiti si Eunice ng makita ang text ni Jeremy.

Alam nyang hindi ito papasok ng coffee shop dahil alam nyang andun ang magjowa.

Nagkatinginan na lang sila Mel at Kate ng makita ang reaction ni Eunice.

'Sino kaya ang nag text, si AJ o si Jeremy?'

Pareho nilang nasa isip.

Alam nilang sabay silang kumain ng lunch si Jeremy at Eunice kanina.

Napansin ni Eunice ang mga tingin ng dalawa sa kanya.

"Uhm, pasensya na andyan na ang sundo ko, si Jeremy!"

Paliwanag ni Eunice.

Hindi na nagulat sila Mel at Kate na si Jeremy ang maghahatid sa kanya.

'Mukhang bumigay na rin si Eunice!'

Pareho ulit nilang naisip.

Kahit hindi sila magsalita at tinginan lang, nagkakaintindihan na ang mag jowa.

Kaso, naintindihan din ni Eunice ang mga tingin nilang iyon.

"Guys alam kong against kayo sa paglapit ni Jeremy sa akin. I know your concern, na baka saktan na naman nya ako at ulitin ulit ang ginawa nya pero mahal ko sya eh, at gusto ko syang bigyan ng second chance!

Pero huwag kayong magalala hindi na ako tulad ng dati, mas mahal ko na ang sarili ko kesa sa mas mahal ko sya! Saka alam ko naman na hindi nyo ako basta basta pababayaan! So please ....!"

Nagkatinginan na lang ang mag jowa, walang silang salita mahagilap para sabihin kay Eunice.

Tumango na lang sila at hinayaan si Eunice sa gusto nya.

"Kawawa naman si AJ Buddy Dude ko!"

"Hayaan na muna natin si Eunice, matatauhan din yan!"

Lumipas ang mga araw at buwan at napadalas na ang paghatid pati pagsundo ni Jeremy kay Eunice.

Mukhang nagiging seryoso na ito.

At nagulat na lang ang mag jowa ng isang araw may inannounce si Eunice sa kanila.

"Ate Kate, Beshy Mel, KAMI NA! SINAGOT KO NA SI JEREMY!"