Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 252 - Not Us To Blame

Chapter 252 - Not Us To Blame

"HA???!!!"

Nagsusumigaw ang isip ni Patricia.

Hindi nya matanggap ang sinabi ng mga teacher nya ayaw tanggapin ng isip nya.

"Imposible! Imposible!!!!"

"Yes Ms. Roldan your right it is imposible! Maybe to us but not to her!"

Tila dinaganan ng troso ang dibdib ni Patricia, hindi sya makahinga.

Ang mga nakarinig sa sinabi ni Prof. Alex ay hindi rin makapaniwala pero narito na sa harapan ang katotohanan kaya madali nilang natanggap.

"WOW!"

"Yup! Super wow!"

"Isa ka bang genius Eunice?"

"Malamang, mas magaling pa sya sa computer e!"

Lahat ay pinupuri ang galing ni Eunice. Lahat! Maliban kay Patricia at mga kasama nya.

'Genius? Anong genius ang pinagsasabi nila? Hmp!'

Kung minsan, mahirap talagang tanggapin ang katotohanan kahit nasa harap mo na marahil dahil sa ayaw maramdaman that someone is better than you.

At sa mga oras na ito ayaw munang isipin ni Patricia ang iba, kailangan muna nyang isipin at iligtas ang sarili nya sa kahihiyan.

Hindi sya makakapayag na ganito lang kababa ang score nya.

Dati pangatlo sya sa pinakamataas ang score, ngayon pangatlo sya sa pinakamababa ang score.

Muling pinagkumpulan ng lahat si Eunice at sinamantala naman ito ni Patricia para lapitan ang mga teacher nya.

"Sir, Mam, bakit po ganito ang score ko, bakit po malaki ang ibinaba?"

"Ms. Roldan, bakit kami ang tinatanong mo, diba dapat yang sarili mo ang tanungin mo kung bakit?"

"Pero Sir, ang laki po ng ibinaba, hindi ko po ito matatanggap!"

"Well, wala akong magagawa dyan! Kung hindi naging maganda ang performance mo sa exam, that's not us to blame!"

"Saka tapos na ang exam Ms. Roldan, hindi na kami makakapayag na ulitin pa ulit ito, waste of time and resources na. Bumawi ka na lang sa midterm."

"Hindi, hindi 'to pwede! Mag co complain ako!"

"It's up to you Ms. Roldan, hindi ka namin pipigilan!"

"Just want to inform you na naka video ang naganap na exam!"

"Po? Naka video?"

"Oo para pag may magsimula na naman ng tsismis, itatapal ko na sa taong yun ang video!

Gusto mo bigyan kita ng copy?"

"Pero Sir, bakit po ganun, wala po ba kaming choices man lang? Diba po mataas yung score ko sa naunang exam, pwede po bang yung na lang unang score ko sa prelim exam ang ibigay nyo sa akin instead of this?"

"Pasensya na Ms. Roldan pero...., nakalimutan mo na ba, diba ikaw mismo ang nag suggest na ibasura na lang ang score sa naganap na naunang prelim exam ninyo? At ipinush ito ng uncle mo para matupad! Remember?"

"Po?"

Tila mababaliw na si Patricia.

Naalala nyang sinuggest nya nga ito kay Prof Alex pero tumutol ang mga classmates nya sa pangambang baka mas mababa ang makuha nila pero sya...

Mapilit sya.

Super confident sya na mas mataas ang makukuha nya kaya kinulit nya ang Uncle Tobby nya para ipush ang gusto nya.

Una ay ayaw ng uncle nya para may option sya pero pinaliwanag nya sa uncle nya na ayaw nya ring magkaron ng option sila Eunice at mga kaklase nya kaya pinagpilitan nya ito.

At saka confident sya na papasa sya kaya anong kinakatakot nya?

'Bakit ko nirequest yun? Antanga ko!

"Natanggal na namin ang last score nyo sa system Ms. Roldan at nag back to zero na lahat kaya dina pwedeng ibalik pa yun, magkakaroon ng error!"

Sagot ng mga teacher nya.

Nairita ang mga ito dahil sa dami ng kundisyon na hiningi ng uncle ni Patricia tapos ngayon gusto nya ibalik?

'Nababaliw na ba ang mag uncle na ito, tingin nila wala kaming ginagawa? Kabwisit!'

Unti unti na nilang nakikita ang intensyon ng mag uncle at wala na silang planong magpauto sa mga ito.

Sabay sabay nilang sinubmit sa system ang result ng exam bago sila umuwi.

Tumayo na ang mga teachers at isa isang umalis. Naiwan si Patricia na hindi pa rin makapaniwala sa score nya.

Eighty four percent ang overall score nya ngayon kumpara sa una nyang score na 96%.

Twelve percent ang ibinaba!

Napansin sya ni Eleonor at dahang dahang lumapit at sinilip ang score ni Patricia.

"Uy Patricia, anong score mo? Patingin nga!"

Nakangiti nitong bati.

Bigla itinago ni Patricia ang score nya at saka tumakbo palabas. Sinundan naman sya ng dalawang kasama nya na si Eva at Tena.

"Anong nangyari dun?"

Tanong ng mga naiwan.

"Ayun, sa kanya bumagsak ang ginawa nya! Hehehe!"

"Bakit, nakita mo ba ang score nya?"

"Oh yes!"

Talaga? Anong score nya?"

"Mas mababa pa sa score mo!"

"ANO?!"

"Eighty four!"

"Hahahahahaha!"

Natuwa ang lahat, di hamak na mas mataas ang score nilang lahat na ni review ni Eunice kesa kay Ms. valedictorian nung highschool.

At si Patricia.

Hindi nya alam ang gagawin nya, naiiyak sya sa resulta ng exam.

'Bakit ganun, bakit na imbis na yung si Eunice ang bumaba ang score bakit naging ako?!'

'Bwisit ka Eunice, sinwerte ka lang kaya mataas ang naging score mo!'

"Patricia, Patricia!"

Humahangos na tawag ng dalawa nyang kaibigan na si Eva at Tena.

"Bakit ba iniwan mo kami?"

"Dahil ba sa score mo, bumaba ba katulad ng sa amin?"

Pinakita nilang dalawa ang mga score nila.

"Hindi lang ikaw ang bumaba kami din! Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo hindi natin kasalanan ang nangyari! Malay ba natin na mangyayari ito e wala namang pointers na binigay diba?"

Natuwa sya sa concern ng mga kaibigan nya.

"Nakakahiya kasi ayokong malaman nila ang score ko!"

"Pero Patricia, hindi ka ba nagtataka, mabilis na natapos ni Eunice ang exam tapos naka perfect score pa sya?"

"Oo nga Patricia, parang imposible lang e, parang alam na nya lahat ang sagot as in alam na nya before hand ang sagot!"

"Pffft!"

Nangiti si Patricia sa pumasok sa isip nya.

'Bakit nga kaya?'

Tumakbo si Patricia pagtungo sa office ng uncle nya kasama sila Eva at Tena para mag complain.