Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 253 - Leak

Chapter 253 - Leak

"Are you telling me na may nag leak sa kanila ng questions sa exam?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Prof. Tobby sa pamangkin nya na lumusob sa office nya.

"Yes Uncle! Imposible kasi e!"

Maging sya man ay hindi rin makapaniwala sa ikinuwento ng pamangkin kaya paulit ulit nya itong tinatanong.

"At sino naman ang pinanghihinalaan nyong gagawa nun, si Eunice? Imposible!"

Kasama sya sa mga professor na nag witness ng ilagay sa safety box ang mga questionnaire nung isang araw at nasa office ito ng Dean.

"Hindi po uncle! Gaya po ng sinabi nyo mahirap syang makuha dahil nasa safety sya at masyadong mahirap ang security plus hindi sya basta basta mabubuksan ng isa lang ang susi at ang isang susi ay kayo ang may hawak!"

"Tama! Kaya papaano sya magleleak?"

"Hindi naman po kailangan buksan yung safety box, pwede naman magaling kila Mam at Sir!"

Sambit ni Tena.

Sumeryoso ang mukha ni Prof. Tobby.

"Are you telling me na pinaghihinalaan nyo mismo ang mga teachers nyo na sila mismo ang nag leak ng mga questions?"

"Hindi po ako sure pero .... uncle imposible eh, hindi ko matanggap na magagawa nya yun ng ganun kabilis lalo na sa Math!"

Nagmamaktol na sabi nya.

"Saka po Sir, lahat sila parang alam na kasama yung new lessons maliban sa amin!"

"Pero Patricia, mga teacher nyo ang pinagbibintangan nyo?! Nadidinig nyo ba ang sarili nyo?!"

"We know po kaya nga po kami lumalapit sa inyo eh, kasi feeling namin pinagkaisahan nila kami!Kaya please Uncle Tobby, tulungan nyo po kami!"

"Pero pamangkin, matinding paratang ito, hindi pwede ang haka haka lang! Wala tayong ebidensya!"

"Eto po Sir!"

Ipinakita ni Eva ang test paper ni Eunice na may overall score nito.

'100%?!'

Binuklat nya isa isa ang test paper at binasa.

"Pare pareho ba kayo ng questions?"

"Yes Uncle!"

"At pang ilan si Eunice sa nagtake?"

"Sya po ang last!"

"So may possibility nga na may nag leak ng mga questions, pwedeng ipasa sa kanya via SMS!"

"Yes po Uncle!"

Nangiti si Patricia, mukhang nakukumbinsi na nya ang uncle nya.

"Okey, iwan nyo na sa akin ito at ako ng bahala! Pupunta ako kay Dean ngayon para ilapit itong problem nyo. Magsiuwi na kayo, gabi na!"

Dumiretso sa agad sa Dean's office si Tobby.

"Dean Sir, andito po si Prof. Tobby Roldan, gusto daw po kayong makausap!"

"Sabihin mo mag antay at may kausap pa ako!"

Sagot ni Dean na nadinig din ni Tobby dahil naka speaker ang phone.

"Okey po Dean Vernal!"

"Prof. Tobby, magintay muna daw po kayo at may kausap pa si Dean!"

Pakiramdam ni Tobby nagdadahilan lang si Dean. May mas hahalaga pa ba sa pakay nya?

"Gaano ba kahalaga ang kausap nya at hindi nya pwedeng iwan, Secretary Lyn?"

"Prof. Tobby, si Chairwoman po ang kausap ni Dean ngayon, yung may ari po ng university! Sure po ako na napakahalaga ng pinaguusapan nila!"

"Saka si Dean Vernal, ayaw nya na naiistorbo sya kapag kausap nya si Chairwoman hindi po kayo pwedeng pumasok hangga't hindi pa sila tapos magusap!

Kaya kung ako sa inyo, maupo na lang kayo at magantay!"

Walang nagawa si Tobby kundi maupo.

After 30 minutes, inip na sya.

Tumayo si Tobby at nilapitan si Secretary Lyn.

"Matagal pa ba? Tanungin mo nga ulit!"

"Prof. Kung naiinip ka, pwede ka naman bumalik bukas!"

"Pero hindi ko pwedeng ipagpabukas ito! Kailangan kong masabi sa kanya ito agad!"

"Prof. Tobby, bakit hindi mo na lang sabihin sa akin ang sadya mo at ako na ang magsasabi kay Dean!"

"Hindi! Aantayin ko na lang sya!"

Napaka halaga ng sasabihin nya, wala syang pwedeng pagkatiwalaan sa mga oras na ito.

After 30 minutes ulit, hindi pa rin sya hinaharap ni Dean Valdez.

Muli syang tumayo at lumapit kay Secretary Lyn.

"Hindi pa ba tapos si Dean? Isang oras na ako dito!"

"Prof. kung naiinip ka at hindi ka makapagantay, pwede ka ng umalis! Hindi ako sigurado kung hanggang anong oras silang maguusap ni Chairwoman!"

"Hindi na ako pwedeng magantay, papasok na ako!"

Pero naka lock ang pinto.

"Secretary Lyn, pwede bang buksan mo 'to? Kailangan kong pumasok at makausap si Dean! Mahalaga ang sasabihin ko sa kanya!"

"Prof. Roldan, hindi ikaw ang boss ko, kung hindi ang taong nasa loob at isa lang ang bilin nya sa akin, huwag akong magpapasok ng kung sino sino kaya huwag mong ipilit ang gusto mo o tatawag ako ng security!"

Tumahimik si Prof. Tobby.

Napipikon man sya dahil nakalalaki na itong kausap nya pero kailangan nyang kumalma. Marunong naman syang lumugar.

Muli syang naupo.

*****

Samantala.

Ginabi na si Eunice at iniwan na sya ng mag jowa, mukhang nag date ang dalawa.

Paglabas ng coffee shop ni Eunice, hindi nya napansin na may padating at nabangga sya at tumilapon ang hawak nyang ice coffee sa kanya.

"S-S-Sorry Miss, hindi ko sinasadya!"

"Jeremy?"

Laking gulat ni Eunice at nasa harapan nya si Jeremy.

Kung kelan nag iistart ng bumalik ang mundo nya, eto na naman si Jeremy.

"Eunice, Hi! Sorry hindi ko talaga sinasadya! Nagmamadali kasi ako, it's my fault!"

Pinunasan nito ang natapon kay Eunice.

"Nasaktan ka ba?"

Nagaalalang tanong ni Eunice.

"Hi-Hindi, okey lang ako, hindi naman mainit yung kape!"

Pero kahit hindi sya napaso, nakaramdam pa rin sya ng init sa mukha nya lalo na sa bandang pisngi at tenga.

"Sorry ulet pasensya na!"

"Okey lang! Sige mauna na ako gabi na kasi e!"

"Okey! Nice meeting you Eunice!"

"Me too!"

Pumasok na sa loob ng coffee shop si Jeremy at naupo naman si Eunice sa labas para antayin ang taxi na tinawagan nya.

Napansin ito ni Jeremy.

Paglabas ni Jeremy, inabot nya ang ice coffee na binili nya.

"For you, para dun sa natapon ko kanina!"

Nakangiti nitong sabi.

Nangiti si Eunice.

"Salamat!"

"Uhm, magisa ka lang at gabi na, may inaantay ka ba?"

"Oo yung taxi na tinawagan ko, diko sure bakit ayaw sumagot!"

"Sa old mansion ka ba tumutuloy?"

"Oo!"

"Gusto mong sumabay sa akin, ihatid na kita!"

"Huh?"

Nangiti si Jeremy sa reaction ni Eunice.

'Wala pa rin syang pinagbago!'

"Buti pa halika na ihatid na kita dun! Gabing gabi na delikado na!"

"Te-Teka!"

Kinuha nito ang gamit ni Eunice at tuloy tuloy sa kotse nya.

Walang nagawa si Eunice kundi ang sumunod.

"Sakay na!"

Napabuntung hininga na lang si Eunice at sumunod na lang na sumakay.

Wala silang dalawang kamalay malay na may nakatingin sa kanila sa malayo.

Si AJ.

Related Books

Popular novel hashtag