"Hello Uncle, ano pong nangyari bakit po kailangan mag exam kami lahat? Nadamay ang buong klase imbis na yung dalawa lang, muntik pang hindi makasama si Eunice sa exam, tapos parang ako pa ang sinisisi ng lahat!"
Nagmamaktol na sabi ni Patricia.
Para syang batang hindi nasunod ang gusto kaya nagmamaktol.
"Huwag kang magalala mahal kong pamangkin, napagalaman kong mahirap yung special exam dahil ang grupo ng mga genius gaya ni Prof. John ang magbibigay nun at nag rerequest na ako na makasama sa manunood. Sa conference lang kasi gaganapin yung special exams kaya bilang lang ang pwedeng pumasok!"
"Talaga po Uncle?"
Nawala na ang pagmamaktol nito sa sinabi ng uncle nya.
"Oo! At ng magtanong tanong ako regarding sa special exam eh ilan lang daw ang mga nakakapasa dun. Pakiramdam ko nga, mukhang yung special exams magandang term lang sa interogation, hehe!"
Paliwanag ni Tobby sa pamangkin.
Lalong nangiti si Patricia.
"Haaay naku, akala ko pa makakatakas na yung Eunice sa ginawa nya! Buti nga sa kanya!"
'At least ngayon yung Freddie na lang ang problema ko. hmp, bakit ko ba pinoproblema yung Freddie e mas di hamak naman na magaling ako dun!'
*****
Aware si Prof. John na ayaw ni Eunice at Kate na malaman ng lahat na mga geniuses sila kaya sobra ang pagka low profile nila.
Pero sa nangyayari kay Eunice mukhang kailangan na syang makasama sa grupo nila kesa ma label syang cheater and he thinks Eunice will agree.
Ang special exam na gagawin ay para makapasa si Eunice at mapasama sa Special Elite Group ng school kaya may kasama itong interview.
Mga totoong genius lang ang kasama dito at sila din lang ang magiinterview maliban kay Kate.
Si Kate ang pinaka bagong member ng group. Nag exam sya nung time na nasuspend sya.
Secret group ito kaya secret din ang mga ginagawa nila pati mga member.
Simula pa nung una, pinabantayan na ni Prof. John si Eunice kay Prof. Alex. Pero hindi makita sa bata ang pagiging aktibo nito, lagi kasing wala sa focus, hindi nakikinig sa lecture at laging nakatunganga, halatang nalipad ang isip. Pero pag tinanong mo naman nakakasagot.
Abala kasi ang isip ni Eunice naglalakbay kay Jeremy kaya laging lutang.
Gaya ngayon.
Nagbibigay ng instruction si Prof. Alex tungkol sa gaganapin nilang oral at written exam.
Mga lima lang ang question sa bawat subject maliban sa Math, tatlo lang sa Math pero kailangan ma explain kung bakit iyon ang sinagot mo at may time limit 15 minutes pero subject.
Kanina pa sya tinatawag ni Prof. Alex para bumunot ng number, iyon kasi ang napagkasunduan ng mga teacher nila.
"Eunice, ikaw na ang bubunot, kanina ka pa tinatawag ni Prof.!"
Kinabig na sya ni Freddie.
Pagkatapos ng class, kinausap sya ng mga classmates nya na pinangungunahan ni Freddie.
"Eunice huwag ka munang umalis please!"
Sumenyas si Freddie ng WAIT.
Pati mga classmates nya hindi rin tumayo, maliban kay Patricia at ang lagi nitong mga kasama.
Inantay muna nilang maka alis ang mga ito bago nagsalita ulit si Freddie.
"Eunice gusto ka lang sana namin makausap!"
"Bakit Freddie anong problema?"
Tanong ni Eunice.
"Eunice, gusto lang naman namin sanang hilingin ang tulong mo!"
Sabi ni Eleonor.
"Tungkol ba saan?"
"Kasi ... kasi ... lagi namin kayong nakikita ni Freddie na nag rereview, pwede bang tulungan mo rin kami?"
"Oo nga Eunice, ayaw namin bumagsak sa exam!"
"Nangiti si Eunice.
"Yun lang pala e, sige mag set kayo ng time at lugar kung saan tayo mag gu group review! Much better kung malayo dito sa school para madali tayong matapos!"
Sagot ni Eunice.
Nakahinga naman ng maluwag ang lahat.
"Haaay salamat pumayag ka! Thank you Eunice ha!"
"Ano ba kayo, sino pa bang magtutulungan kundi tayo tayo rin!"
"Sabi ko sa inyo mabait yang si Eunice eh!"
"Oonga! Kala kasi namin suplada ka di naman pala!"
"Uyy, di suplada yang friend ko noh! Lutang lang talaga kung minsan! Hehe!"
"Grabe ka Freddie kala ko close tayo?"
Nagbibirong tanong ni Eunice.
"Close nga tayo! Kaya nga nag imbestiga ako at nalaman ko kung sino ang may pakana ng lahat ng ito at bakit!"
May kamaganak din kasi si Freddie sa school, pinsan ng nanay nya at kinausap sya nito regarding sa nangyari nung prelim.
"SINO?"
"Si Patricia! Nagsumbong pala sya sa Uncle nyang bagong head ng physics department dahil hindi nya matanggap na pangatlo lang sya sa class!"
"Sure ka ba?"
"Oo! Kinausap kasi ako ng Tita ko tungkol dyan kaya sinabi ko ang alam ko!"
"Sabi ko na eh!"
Nagngingitngit ang lahat maliban kay Eunice na tila walang pakialam at hindi apektado sa sinabi ni Freddie.
"Eunice, hindi ka ba naiinis, lagi ka na lang pinagiinitan ni Patricia?"
"Huh?
Bakit naman ako maiinis? Wala naman akong pakialam sa kanya!"
Nagulat ang lahat.
"Hahaha! Ganyan talaga yan si Eunice, hindi nya pinagaaksayahan ng panahon ang mga taong di nya feel! Hehe!"
"Tama yan Gurl!"
"Who You ka dyan, Patricia!"