Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 250 - Ang Galing!

Chapter 250 - Ang Galing!

Araw ng oral at written exam. Handa na ang lahat.

May kaba pero konti lang.

Maganda nga ang ginawa nilang pag gu group review nagkaron sila ng confidence sa pagsasalita at pagpapaliwanag dahil prinaktis din sila ni Eunice dito.

Natuwa naman ang mga teacher sa kinalabasan ng exams.

"They came prepared! Hehe!"

At kahit na sabihin pang matalino si Patricia at valedictorian sya nung highschool, marami pa din syang naging mali. Mas mahirap kasi ang exam nila dahil kinuha ang iba sa bagong lesson nila ngayon.

"Mabuti na lang na review din natin hanggang yung last lesson." Nakahinga ng malalim ang mga nauna at natapos na.

Si Eunice ang panghuli sa mag eexam pero bago sya pumasok sa examination room, tumayo si Prof. Alex.

"Co teachers, alam kong pagod na tayo kaya may suggestion ako imbis na isa isa natin ang pagsagot nya sa written exam, pagsabay sabayin na lang natin!"

Nagkatinginan lang sila pero bakit nga naman hindi, wala naman rules na nagsasabing bawal ito.

At dahil pagod na nga ang lahat, pumayag na sila.

Ang hindi nila alam, may dahilan si Prof. Alex Lucas. Gusto nya kasing subukan ang galing ni Eunice.

Susubukan nyang ipressure ang bata at gusto nyang malaman kung ano ang gagawin nito pag nasa matinding pressure.

Pag pasok ni Eunice, magalang itong bumati sa mga teachers nya at saka naupo.

Wala itong dala maliban sa ball pen na hawak nya.

Bago iabot sa kanya ni Prof. Alex ang exam papers, nagbigay ito ng instruction.

"Ms. PerdigoΓ±ez, you have 15 minutes to answer these questions!"

Nagulat ang mga co teachers ni Prof. Alex pero walang nagsalita, nagkatinginan lang sila.

'Marahil ay punishment ito ni Prof. Alex sa bata dahil sa pag cheat nya kaya yun ang sinabi nya!'

Nang madinig kasi nila ang balita, maliban kay Prof. Alex Lucas, halos lahat ng mga naging teacher nya nagdududa kay Eunice dahil sa nanggaling kay Prof. Tobby Roldan ang balita.

Mas pinaniwalaan nila ang sinabi ng kasamahan nilang professor kesa kay Eunice kahit na, maganda naman ang mga grades ni Eunice.

At Ito ang ikinagagalit ni Prof. Alex.

'Lintek na mga teacher ito, hinuhusgahan na kaagad ang bata!'

Pare pareho ang nasa isip ng mga co teachers ni Prof. Alex.

'Gusto nyang parusahan ang bata kaya 15 minutes lang ang binigay nyang time.'

Dapat kasi 20 to 25 minutes lang ang itatagal ng isang bata sa loob pero eto gusto nyang tapusin in 15 minutes?

'Makakaya kaya ni Eunice na tapusin yan? Imposible!'

Mas lalo tuloy silang naniwala sa sinabi ni Prof. Roldan na totoong nag cheat nga si Eunice.

Pero mas nagulat sila sa sinagot ng bata.

"Yes Sir!"

'Pumayag sya?!'

'Nasisiraan na ba sya?'

Tila nabuhay ang dugo ng mga teachers.

'Magandang show ito!'

Nakangiti ang lahat.

"Okey Eunice, you may begin!"

Sabay sa pagbaba ng papers ang pagpindot ng timer.

Pinanood nila ang bilis ng kamay ni Eunice. Nakatutok ang lahat at nagulat na lang sila ng tapos na agad sya sa pagsagot.

'Three minutes?!'

"Your done? Hindi mo man lang ba rereviewhin ang sagot mo?"

"Prof. Mar inaaksaya mo ang 15 minutes ng bata, may hidden agenda ka ba?"

Tanong ni Prof. Alex sa kanya.

Tila napahiya si Prof. Mar kaya kinuha na nito ang papel ni Eunice.

"Sorry, okey let's start! Explain your answer!"

Simple at straight and direct ang explanation ni Eunice sa bawat sagot nya kaya natapos nya ang lahat sa loob ng 7.5 minutes.

Math ang last subject at nasa white board ito.

Agad nitong sinagutan ang Math problem pero nagtataka ang ibang mga teacher kung bakit hindi pinopause ni Prof. Alex ang timer gaya ng ginagawa nya sa iba.

Ipinatong nya lang ito sa mesa nya kaya nagulat sila.

Tatlong lang ang question sa board na kailangan nyang sagutan pero ambilis ng kamay ni Eunice.

Nangiti ng kaunti si Prof. Alex.

'Nakakatuwa pagmasdan ang bawat galaw ng mga kamay nya.'

Pero natapos agad sagutan ni Eunice ang tatlong tanong sa isang minuto, nabitin tuloy si Prof. Alex.

"Explain!"

Hinimay himay ni Eunice ang bawat sagot nya kaya madali nilang naintindihan, pati mga teacher nyang walang ka hilig hilig sa Math at madalas ay sinusumpa ang subject na ito ay may natutunan sa explanation ni Eunice.

Iisa lang ang nasabi nila.

'Ang galing!'

Pinalabas agad ni Prof. Alex si Eunice upang makausap na nya ang mga co teachers nya.

"Siguro naman sa nakita nyo ngayon, hindi nyo na pagdududahan ang bata!"

"Teka Prof. Alex, hindi kami nagdududa, ikaw ang nagdududa!"

"At wala akong hidden agenda!"

Nanggigil na sabat ni Prof. Mar.

"Talaga hindi kayo nagduda, ever?"

Napahiya ang lahat.

"Sinadya kong ipressure si Eunice para maintindihan nyo at makita nyo mismo na hindi totoo ang nasagap nyong balita.

Never akong nagduda sa kanya, bakit? dahil maganda ang pinapakitang performance ng bata sa klase ko at yun ang pinagbasehan ko, hindi ang malisyosong isip ng iba!"

"Teka Prof. Alex huwag ka naman ganyan, nagtataka lang naman si Prof. Tobby bakit ganun ang naging resulta!"

"Nagtataka? Hahaha!"

Hindi sya nagtataka, nilalason nya ang isip nyo! Bakit kilala ba nya si Eunice? Hindi naman nya estudyante ang bata kaya anong basehan nya na pagdudahan nya ang ito?"

At kayo! Yes You, all of YOU!"

"Your worst than him! Mga teacher tayo kaya hindi tama na maging bias tayo!"

Napahiya ang lahat.