Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 245 - And It's A Big Oh!

Chapter 245 - And It's A Big Oh!

Simula ng magkita sila ni Eunice at Jeremy, hindi na maiwasan na muling maulit pa ang pagkikita nila na parang sinasadya na ng tadhana.

Kahit na malaki ang university na pinapasukan nila at iba't iba ang building, meron pa rin mga hindi inaasahan pangyayari na nagkakatagpo pa rin sila gaya ngayon.

Nasa kalagitnaan sila ng klase ni Prof. Alex Lucas ng may biglang kumatok.

Tok, Tok, Tok.

Nagulat ang lahat ng madinig ang katok.

Kasalukuyan pinapaliwanag ni Prof. Alex ang lessons sa araw na yun at tahimik ang lahat ng madinig ang mahinang katok.

"Pasok.."

Sagot ni Prof. Alex Lucas sa kumatok.

Sabay sabay na napatingin ang mga mata ng mga estudyante sa may pinto na dahang dahang bumubukas.

Si Jeremy.

"Sir, excuse po. Ibibigay ko lang po ito!"

"Ah, Jeremy, ikaw pala, tuloy ka. paki patong na lang sa mesa."

Lumapit sya sa mesa at maayos na inilagay ang dalang papers sa ibabaw nito.

Simula ng maging estudyante ni Prof. Alex si Jeremy, nakitaan na nya ito ng sipag at talino kaya minsan hinihingan nya ito ng tulong sa pag che check ng mga quizes ng mga freshman.

Sa dami kasi ng klase ni Prof. Alex, nahihirapan na syang mag check ng mga quizes, ang hilig pa naman nyang magbigay ng quizes.

"Salamat Jeremy."

At itinuloy na ni Prof. Alex ang discussion.

Pagkalagay ng mga papers, agad naman umalis si Jeremy pero bago sya lumabas ng pinto, iginala muna nya ang tingin na tila may hinahanap at ng makita ay saka tuluyang lumabas.

Kumabog ang dibdib ni Eunice, ramdam nyang sya ang hinahanap ng mga mata ni Jeremy bago ito lumabas.

Pero....

... yun din ang iniisip ng mga kaklase nyang babae lalo na si Patricia na nasa unahan nya sa gawing kaliwa. Kilig na kilig ito ng mapansing dinapuan sya ng tingin ni Jeremy.

"Tumingin sya, tumingin sya sa akin! eeeiiii!"

Tuwang tuwang sabi nito sa katabi.

"Sigurado ka bang sa'yo sya nakatingin?"

Tanong ng katabi nitong lalaki.

"Oo! Sure ako, kitang kita ko ng igala nya ang paningin nya at sa direksyon ko sya tumigil, sa akin sya nakatingin!"

Namumula ito sa kilig na hawak ang mga pisngi at hindi alam ang gagawin.

Hindi sya makapaniwala na sa wakas dadapuan sya ng tingin ni Jeremy na nung una pa man nyang makita ay nabihag na ang puso nya.

Napabuntung hininga na lang si Eunice ng madinig ang sinabi ni Patricia.

Masisisi ba nya si Patricia kung kiligin ito, wala pa rin kasing nagbago kay Jeremy since huli silang nagkita at five years ago na yun. Pero kahit na five years ago na yun wala pa ring nagbago sa itsura ni Jeremy, boyish look pa rin sya, parang high school student at malakas pa rin ang appeal lalo na sa mga babae.

'Sya pa rin si Jeremy, ang mahal kong si Jeremy!'

*****

"Hello Melabs ko, musta you? Na miss mo ba ako!"

Tanong ni Kate ng bigla itong sumulpot sa tambayan nila.

Sabay kiss kay Mel sa pisngi.

"Abah, look who's here! Kala ko itutuloy tuloy mo na ang bakasyon mo e! Five days lang ang binigay sa 'yong suspension, bakit ngayon ka lang pumasok?"

Singhal nya kay Kate na parang batang pinagagalitan.

"Kasi po Melabs ko natapos ko na lahat ng exams ko bago ako ma suspinde, remember? Kaya bakit pa ako papasok during exams, anong gagawin ko dito?"

'Tama nga naman, may katwiran sya!'

"Musta naman ang bakasyon MyLabs ko?"

"Ayun bitin! Tatlong araw sumakit ang pwet ko sa palo ni Mommy at after five days pa nya ako pinayagan bumalik ng Maynila! Haaay si Mommy talaga, kung minsan feeling ko nag eenjoy sya sa ginagawa nya sa akin!"

"Asus, sinisi mo pa si Tita Nadine, kunwari ka pa nageenjoy ka rin naman!"

"Anong ibig mong sabihin Melabs, masochista ako, ganun?"

"Well medyo! Hehehe! Pero kidding aside, alam kong namimiss mo ang Mommy mo kaya kung minsan gumagawa ka ng kalokohan para mapansin kanya, tama ba ako!"

"Paano mo nalaman?"

Well siguro dahil sa panganay ako kaya napapansin ko ang mga ganitong bagay sa mga kapatid ko, lalo na kay Tina, nagseselos sya sa atensyong binibigay ng parents ko kay Ian!"

"Hindi naman ako nagseselos kay Khim, na mimiss ko lang yung old time na madalas akong pinagtutulakan ni Mommy na mag gala at maging normal na teen ager na gumagawa ng kalokohan."

"Kaya ngayon naisipan mong gawin, ang maging normal na teen ager? Bakit hindi ba alam ng Mommy mo na hindi ka normal?"

"Mukhang hindi! Hahahaha!"

"Hahahaha!"

"Malapit na akong mag twenty, gusto ko lang pasakitin ang ulo nya ng konti! Hahaha!"

"Yan nga din ang sabi ni Tita Nadine. Kinausap nya ako at sabi nya bantayan daw kita at si Sissy! Saka tigilan mo na raw ang pagturo ng kalokohan kay Khim! Kaya ka napapalo e kung ano anong tinuturo mo sa bata! Pasaway ka talaga!"

"Hahahaha!"

Tawa lang ang sinagot nya kay Mel.

Mahal na mahal ni Kate ang bunso nyang kapatid pero sino pa ba ang magtuturo ng kalokohan sa mahal nyang kapatid? Dapat lang na si Ate diba?

"Maiba tayo Melabs, anong nangyari dito ng wala ako?"

"Ayun, nasintensyahan na yung apat na ugok! Expelled na sila at umuusok ang ilong ni Mayor sa galit dahil wala syang magawa kaya inilayo nya agad si Marlon dahil pinag pipyestahan ng media.

Si Prof. Lorde naman ay tuluyan ng tinanggal sa university at black listed pa ang name nya sa lahat ng school. Usap usapan din na baka mawalan sya ng lisensya. Pero hulaan mo kung sino ang pumalit sa kanya?"

"Sino?"

"Si Sir Tobby Roldan, yung uncle nung Patricia na classmate ni Sissy na hindi maka move on!"

"Oh ... and that's a big OH!"

Namilog ang mga mata ni Kate.

"Sabi nga ni Sissy ang haba daw nung leeg nung Patricia lately! Sakit daw sa bangs!"

"Hahahaha!"

"Speaking of Eunice, asan sya?"