"I'm here!"
Biglang sulpot ni Eunice sa tambayan nila.
"Bakit ngayon ka lang cousin? Inatake ka na naman ng katamaran mo, noh? Hehe!"
Joke yun pero hindi sinakyan ni Eunice. Seryoso sya kaya nagkatinginan ang magjowa.
"Haaaaaaay!"
"Grabe ang haba ng buntung hininga ah, anyare Sissy?"
Tanong ni Mel.
"Si Jeremy kasi, nagkita kami ulit!"
"Bakit parang napapadalas ang pagkikita nyo lately, pero bakit parang kayo lang, bakit kami ni Kate hindi pa namin sya nakakasalubong ni minsan?"
Puna ni Mel.
"Baka hindi tayo ang gusto nyang makita Melabs."
"Saan naman kayo nagkita? Nagkausap ba kayo?"
Usisa ni Mel.
"Kanina, sa class ni Prof. Alex Lucas. May dinala syang papers, yung mga quizes namin, mukhang sya ang inuutusan ni Prof. na mag check."
"Tapos?"
"Tapos pagkabigay nya ng papers umalis na ito pero bago sya umalis inikot muna nya ng tingin ang buong klase na tila may hinahanap!"
"Ahhh, hinahanap ka!"
Duet ng dalawa
"Yun din ang akala ko pero pwedeng din namang si Patricia."
"Huh? Si Patricia?"
"Sya na naman!"
"Kanin ng makita nya si Jeremy ko, kinikilig sya lalo na ng tumingin si Jeremy sa direksyon namin."
"Uh ohh!"
"Ayaw ko lang mag expect, not sure kung magkakilala nga ba sila ni Patricia o hindi!"
*****
Kanina pa hindi maganda ang pakiramdam ni Patricia, naiinis ito dahil sa resulta ng prelim exams nila.
Malaki ang expectation ni Patricia na sya ang mag na number one sa klase nila at ipinamalita na nya ito sa pamilya nya lalo na sa Uncle Tobby nya na bagong Head ng Physics department, pero nagkamali sya.
Hindi nangyari ang inaasahan ni Patricia na mag number one at ang masakit nito hindi rin sya ang second, pang third lang sya at ang nag second ay si Freddie, ang seatmate ni Eunice at bagong friend nya.
Hindi sya makakapayag na magpatalo sa dalawa.
"Malamang may ginawa ang mga yun kaya sila ang nanguna. Siguro nagkopyahan sila sa exams!
Kailangan malaman ito ni Uncle!"
Pero ng makita nya si Jeremy na pumasok sa classroom kanina, tila tumigil ang lahat. Nagbago ang mood nya at gumaan ang pakiramdam nya lalo na ng makipag eye to eye si Jeremy sa kanya.
Alam nya at sure nya, na sya ang tiningnan ni Jeremy kanina. Hindi maitago ang kilig nya at lalong nanghaba ang leeg nito.
At ng matapos ang klase ni Prof Alex, tiningnan nya si Eunice at Freddie na parang nangungutya.
"Anong problema nun?"
Tanong ni Freddie kay Eunice.
Nagkibit balikat lang si Eunice.
"May sayad ata yun eh!"
Nangiti lang si Eunice hindi ito sumasagot. Wala kasi syang pakialam sa drama ni Patricia dahil ang tanging nasa isip nya at nagpapagulo ng concentration nya ay si Jeremy.
Marami syang tanong na gusto nyang itanong kay Jeremy pero bakit parang feeling nya iniiwasan sya nito?
Kaya pagdating nya sa tambayan nila, wala na sya sa mood. Tila nasira ang araw nya.
"Cousin, what's your problem ba? Bakit ganyan ka kaapektado kay Jeremy?"
"Ewan ko Ate Kate, gustong gusto ko syang kausapin pero feeling ko ayaw naman nya ako talaga akong kausapin! Naiinis na ako!"
"Eh ano naman ba ang dapat nyong pagusapan? Meron ba?"
"Yun nga eh, hindi ko alam. Hindi ko sure yung high school, naging kami ba o feeling ko lang naging kami? Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko, kung papaano mag rereact ng malaman kong may gusto si Patricia sa kanya!"
"Ayun.... nagje jelling jelling ka kay Patricia.."
Paliwanag ni Mel.
"Oo, pero hindi ko alam kung may karapatan ba akong magselos."
Nagkatinginan si Kate at Mel. Maging sila hindi rin masagot ang tanong ni Eunice.
Mababaliw na si Eunice sa kakaisip, kailangan na nilang magkausap ni Jeremy.
Kaya naman nyang tanggapin kung wala na sila eh, ang ayaw nya ay yung para syang tanga na umaasa sa pangakong hindi nya alam kung may halaga pa ba o wala na.
'Kailangan makagawa ako ng paraan para magkausap kami.'
'Sissy alam ko yang iniisip mo! Gusto mong gumawa ng paraan para mapansin ka ulit ni Jeremy mo katulad ng ginawa mo ng High School na kinantahan mo sya at nag propose ka sa kanya, tama ba ako?"
Napatungo si Eunice. Yun nga mismo ang iniisip nya katulad ng dati.
"Hindi naman kasi ... magkukusa si Jeremy."
Sagot ni Eunice.
Napataas ang kilay ni Kate.
Ito ang pagkakaiba ni Mel at Jeremy, nagkukusa si Mel at sigurado sya ngayon na mahal sya ni Mel dahil kaya nitong gawin lahat para sa kanya pero si Jeremy....
Maging sila man ni Mel hindi nila sure kung gaano ba kalaki ang pagmamahal ni Jeremy kay Eunice.
"Sissy for once, pwede ba, hayaan mo naman si Jeremy ang maunang mag approach sa'yo!"