Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 243 - Magsitigil Kayo

Chapter 243 - Magsitigil Kayo

BLAG!

Nagulat ang lahat sa pabalibag na pagbukas ng pinto.

"Itigil nyo 'to!"

"Dean Vernal?!"

Gulat si Prof. Lorde sa biglang pagdating ng Dean.

Sa loob ng 8 years na nag office si Prof. Lorde dito, ito ang unang beses na pinuntahan sya ni Dean Vernal.

At mukhang galit sya pero hindi ito napansin ni Prof. Lorde

Hindi maintindihan ni Prof. Lorde ang gagawin. Natataranta sya.

'Anong gagawin ko, anong sasabihin ko?'

"Dean Vernal, nadalaw po kayo. May ipaglilingkod po ba ako?"

Buong galang na bati nito.

Tumingin muna si Dean Vernal kay Mel.

"Itigil mo na yan bata!"

Utos nya kay Mel.

"Yes po, Dean! Magpapaalam lang po ako!"

Tumalima agad si Mel, kinuha agad nito ang tablet nya na nakapatong sa bag nya.

"Thank you sa panonood mga dear viewers! Pasensya na but I have to go! This is Melabs ni Kate, good day to all!"

At pinatay na nya ang live broadcast na ikinadismaya ng buong university.

"Haaay andaya naman!"

"Sayang, hindi natin alam ang ending!"

Malalaman din natin yun, huwag kayong magaalala!"

"Malamang si Prof. Lorde ang masuspindi!"

"Malamang nga! Hahahaha!"

Back sa office ni Prof. Lorde.

"T-T-Teka ...A-Anong ibig sabihin nyan?"

Kinakabahan tanong ni Prof. Lorde ng makita nya ang ginawa ni Mel.

"Ibig sabihin, nadinig at nakita ng buong university ang pagiging bias mo!"

Hindi si Mel ang sumagot kundi si Dean Vernal.

"Ha? Paano?"

"Naka LIVE sya! Kanina pa! Hindi mo alam?!"

Kinabahan din ang tatlong ugok sa likod.

"Sinadya nyo 'to!"

Galit na galit na turo nya sa dalawa.

"Hahahaha! Nakakatawa ka Sir! Kayo po ang ayaw makinig sa akin, remember? Kaya bakit nyo po kami sinisisi?"

"Bakit hindi ninyo sinabi! Lalo ka na! Bakit wala ka man lang binanggit dyan?!"

"Dahil Sir, kailangan namin protektahan ang sarili namin sa mga unfair at bias na teacher na kagaya nyo!

Sagot ni Mel.

Sa kanilang tatlo, si Mel ang maingat at kalkulado ang kilos dahil sa kanilang tatlo sya lang ang walang malakas na background.

"Ni hindi nyo man lang kami tinanong kung ano ang buong nangyari tapos isususpindi nyo kami!"

Galit na sabi ni Mel.

"Tama na 'to! Igalang nyo naman ako!"

Singhal ni Dean Vernal sa lahat.

"Pasensya na po Dean sa ginawa kong pag la live broadcast. Hindi ko po sinasadya yun dahil naka live na po ako bago ako hinarang ng grupo na yan at pinagbantaan!"

"Pero sana inoff mo bago ka pumasok sa office ko! Kaya hindi ako naniniwala na hindi ninyo sinadya ito!"

Bulyaw ni Prof. Lorde. Galit na talaga sya.

Well may point sya dun, bakit nga ba hindi nya pinatay ang live broadcast nya?

Dahil sa simula pa lang may duda na sila ni Kate kay Prof. Lorde.

"Gaya nga po ng sabi ko Sir, for protection!"

Sagot ni Mel.

"Magsitigil na kayo! Nangyari na kaya itigil nyo na ang bangayan!"

Iritado na si Dean.

"Ms. Santiago, nanakit ka ng estudyante at naospital pa, mali ang ginawa mo! Nasa rules and regulations ng University na dapat kang masuspindi! Pero dahil sa reason mo, I won't consider that as bullying! Naniniwala ako na ipinagtanggol mo lang ang sarili mo! Tama ka, bilang babae, may karapatan kang ipagtanggol ang sarili mo lalo na sa nga lalaking mapagsamantala!"

Pero kailangan mo pa din maparusahan sa ginawa mo! Naintindihan mo ba ako Ms. Santiago?"

"Yes po Sir!"

"At kayong tatlo, isama nyo na rin leader nyong si Marlon, kayo ang nagsimula nito kaya kasama kayo sa maparusahan!"

"Pero Dean, wala naman po kaming ginagawa eh!"

"Sigurado ka na wala kayong ginagawa eh ang dudumi ng isip nyo?!"

Hindi na nakaimik pa ang tatlo. Pero hindi sila tatahimik lang pagkatapos nito lalo na si Marlon.

"Simula bukas, kayong tatlo kasama si Marlon at si Kate ay suspended ng limang araw!"

"Pero Dean, 3 days from now, prelim na po! Baka maapektuhan ang pagaaral ng mga bata. Hindi po ba pwedeng pagka tapos na lang ng exam?"

Suggestion ni Prof. Lorde.

"Prof. Lorde, naisip mo ba yan ng bigyan mo ng suspension si Ms. Santiago? Napaghahalataan ang pagiging bias mo!"

Dismayadong usal ni Dean.

Natahimik si Prof. Lorde.

"Kung may problema kayo sa exams ninyo, bakit hindi ninyo kunin ng advance?"

'Well that's a good idea!'

Nakangiting sabi ni Kate sa sarili pero hindi ang tatlong barkada ni Marlon.

'At ikaw naman Mr. de Guzman, ayokong mababanggit mo ang mga nangyari dito sa vlog mo, maliwanag!"

"Opo Sir!"

Pagkatapos nito ay binalingan naman nya si Prof. Lorde.

"And for you Prof. Lorde, wala akong pakialam kung sino man ang padrino mo pero simula sa araw na ito huwag ka munang pumasok!"

"Teka po muna Dean, ano pong ibig nyong sabihin?"

"Alam na ng mga nasa taas ang nangyari at may emergency meeting sila bukas. Isa sa pag memeetingan nila ay kung papayagan pa ba nila na magpatuloy ka pa ba na manatili dito sa university o hindi!"

"Pero Dean, bakit naman ganun, bakit....?"

Hindi sya makapaniwala.

Hindi nya matanggap, na may posibilidad na mawala na ang lahat sa kanya sa isang iglap.

"Kasalanan mo lahat 'to, kasalanan mo!"

Galit na sabi nya kay Mel.

"Bakit ka magagalit kay Mr. de Guzman? Dahil sa live broadcast ng batang yan naglabasan na ang mga babeng binastos at pinagsamantalahan ng mga yan na pinagtatanggol mo!

It is your choice not Mel or Kate and not me but YOU! At dahil sa choice mong yan, sinira mo ang magandang reputasyon ng school ano sa palagay mo ang iisipin ng mga nasa taas ngayong nakarating na sa kanila ang kalokohan mo?"

Nagkatinginan si Kate at Mel at a na lihim na nangiti.

'Mukhang busy si Eunice sa labas. Malamang sya ang kumumbinsi sa mga biktima ng mga ugok na 'to! Hehehe!'