Sa kanilang tatlo si Eunice ang magaling makipagusap.
"Magiging isang magaling na negosyante si Eunice one day!"
Yan ang parehong nasa isip ni Nadine at Edmund kaya panay ang training nila sa kanya.
Sa age kasi ni Eunice na 18, pinahahawak na sya ni Edmund ng isang malaking project sa kompanya. Kaya nagtataka si Mel kung bakit hindi business related ang course na kinuha nito.
"Oh Beshy bakit mag isa ka lang? Asan si Ate Kate ko?"
"Dinala ni Dean Vernal sa office nya, magtetake daw ng exams. Suspended kasi sya dahil naospital daw yung Marlon."
Malungkot na sabi ni Mel.
"Huwag kang magaalala Beshy, I'm sure masaya si Ate! Hehe!"
"Well knowing your Ate Kate tyak vacation ang tingin nya sa suspension nya!"
Dugtong ni Mel.
"Si Marlon at yung tatlong ugok, pormal ng sinampahan ng complain ng lawyer na pinadala ni Daddy, kaya malamang hindi lang suspended ang makuha nun, ma expelled pa!"
"Thanks Sissy, iba ka talaga! One day you'll be powerful like your Dad!"
"No don't say that! Katamad kayang maging powerful, daming nakikialam at nakikisawsaw, mawawalan ako ng freedom humilata!"
"Hahahaha!"
***
After an hour sinundan na sila ni Kate sa tambayan nilang coffee shop.
"Ang tagal mo naman Ate Kate, kanina pa kami nagaantay!"
"Pasensya na po at ang kulit ni Dean, nakipagkwentuhan pa!"
Sagot ni Kate.
"Nagpapaka goody goody lang yun sa'yo!"
Sabi ni Eunice.
"At kasalanan mo to cousin! Dapat sa'yo sya nagpapaka goody goody hindi sa akin! Ikaw kaya ang bumulabog sa nanahimik na image natin!"
"Sorry naman, nataranta ko ng malaman kong mag pa file ng complain yun mayor na tatay nung Marlon kaya inunahan ko!"
Alam ng dalawa ang ibig sabihin ni Eunice, humingi sya ng tulong sa Daddy nya para mapigilan ang galamay ni mayor para mauna silang makapag file ng complain at para magkaroon sya ng time para makakalap ng ebidensya laban kay Marlon.
"Kate MyLabs, what's the use of her connections kung hindi nya gagamitin, kaya huwag mo ng sisihin si Sissy ang mahalaga tapos na 'to!"
"Hindi ko sya sinisisi, nanghihinayang lang, kasi gusto ko pa naman makita mukha nung hinayupak na manyak na yun habang hinuhuli ng mga pulis!"
"Hahahaha!"
"Halah, nabaliw na sya! Sa lahat ng na suspend ikaw na ata ang pinakamasayang nakilala ko!"
Sabi ni Mel.
"Anong suspended, it's vacation time! Hehe!"
"Baliw!"
Habang nagtatawanan sila, napansin nila si Jeremy sa malayo, magisa, tila may inaantay.
"Eunie si Jhay!"
Sabay nguso ni Kate sa direction ni Jeremy.
"Ngayong confirm na natin na nagaaral nga dito si Jeremy my friend, anong gagawin natin?"
Tanong ni Mel.
"What do you mean Melabs?"
"I mean, lalapitan ba natin sya? Should we say Hi? What? Hindi ko kasi alam ang gagawin ko, parang awkward eh!"
Paliwanag ni Mel.
Simula kasi ng napunta ito sa America, isang beses lang sila naka pag video chat tapos wala na silang balita. Ni hindi nila nabalitaan na umuwi na pala sya ng pinas at kung bakit nagaaral pa rin sya ngayon.
"The truth Melabs, I don't really care, he ghost us!"
"Ghost?"
"Yup, para syang multo na naglaho at ayaw magparamdam!"
"Pero ... diba magkakababata kayo ni Jeremy?"
"Yeah, but I really don't care! Wala akong pakialam kung andyan sya o wala! Hindi naman ako ang in love sa kanya, ayun oh, si Eunie!"
Napatingin sila kay Eunice na kanina pa nila kasama pero biglang nanahimik simula ng makita si Jeremy.
Parehong nilapit nila Mel at Kate ang mga mukha nila sa magka bilang side ni Eunice.
"WHAT?"
Tanong ni Eunice na nagtataka sa dalawa.
Nagtataka sya bakit nakatitig sa kanya ang mag jowa.
"Are you with us Cuz'?"
"Kanina pa kami dito Sissy, pero ikaw bakit para kang lutang dyan simula ng makita mo si Jeremy!"
"Wala, may gumugulo lang sa isip ko!"
Napansin nyang wala na si Jeremy sa kinatatayuan nito kaya bumalik na sya sa ginagawa nya pati ang dalawa.
"Sino?"
Tanong ni Mel.
"Anong sino?"
"Sino ang gumugulo sa isip mo?"
Muling tanong ni Mel
"Si Jeremy ba?"
Dugtong ni Kate.
Eunice: "????"
"Kay Jeremy ka lang nagkakaganyan Sissy!"
"Tell us my dear cousin, nagkita na ba kayo ng Jeremy mo?"
"Bakit ba ang kulit nyo?"
"Kay Jeremy ka lang apektado ng ganyan?"
"Kaya sabihin mo na, nagkita na ba kayo o hindi pa?"
"Kanina... saglit lang. Nagkabanggaan kami habang busy ako sa phone."
"Tapos anong nangyari?"
"Wala, nagpaalam agad na may gagawin sya!"
"Ganun? Busy busyhan ang drama? Kala ko pa naman ma e excite sya kasi andito ka sa same school na pinapasukan nya!"
Sabi ni Mel.
'Akala ko din!'
Sabi ng isip ni Eunice. Ito ang gumugulo sa isip nya ngayon, bakit parang stranger na sila sa isa't isa.
"By the way, I found out nga pala kung bakit sya nasa pinas na!"
Sabi ni Kate.
"WHY??"
Curious na tanong ng dalawa.
Na expelled sya sa Harvard na dinamdam ni Tita Elsa kaya na stroke sya."
"So... hindi pala sya naka graduate duon kaya sya nag aral ulit dito."
Sabi ni Eunice.
Nakaramdam sya ng awa matapos madinig nito ang dahilan.
Tila nawalan sya ng gana pagkatapos.
Napansin ito ng dalawa.
Kinalabit ni Mel si Kate.
"Alam mo sa ating tatlo yan si Sissy ang pinaka magaling at pinaka matalino pero may katangahan pag dating sa love."
Bulong nya kay Kate.
"Shhhh, 'wag ka maingay dyan, baka madinig ka! Hayaan mo muna syang mag enjoy kay Jeremy!"