"Hoy tuko! Ano 'tong pinagkakalat mo daw na jowa mo si Kate?"
"Sino ka ba? Hindi naman tayo close bakit kung maka "Hoy" ka dyan wagas!"
Sagot ni Mel sa lalaking bigla na lang humarang sa daraanan nya.
"Bro, hindi ka kilala! Magpakilala ka kasi! Hehe!
Sabat ng isa sa kasama ng lalaki. Apat silang magkakasama na lumapit kay Mel at lahat sila nakangisi.
Dahan dahang nilapitan ng lalaki si Mel.
"Ako lang naman si Marlon ang totong boyfriend ni Kate."
Sabi ng lalaking nagpakilala.
"Kaya tuko, ayaw ko ng lalapit lapit ka sa girlfriend kong si Kate. Sa susunod na makita ulit kita na lumapit sa girlfriend ko, babalian kita ng buto!"
Tinuktok nya gamit ang dalawang daliri si Mel sa bandang balikat bilang warning.
"Tandaan mo 'to, girlfriend ko si Kate, akin sya, naintindihan mo ba ang sinasabi ko, tuko?"
Pero hindi na nakasagot si Mel dahil nadinig na nito ang hiyaw ng kausap.
Aaaahhh!"
"Sino ka at anong ginagawa mo sa Melabs ko?"
Tanong ni Kate kay Marlon.
Hawak hawak nito ang daliri ni Marlon na pinilipit nya.
"K-K-Kate, ako 'to s-si Marlon, classmate mo! Bitiwan mo ang kamay ko please!"
Hindi maipinta ang mukha nito dahil sa sakit.
Pero hindi binitawan ni Kate ang mga daliri nito, halos lumuhod na sya sa sakit.
"Melabs nasaktan ka ba?"
Nagaalalang tanong ni Kate, hinaplos nya ng buong lambing ang mukha ni Mel, walang pakialam sa pagiyak at pakiusap ni Marlon.
"Hindi naman masyado Kate MyLabs, medyo lang, dito oh!"
Sabay turo sa may bandang balikat nya na tinuktok kanina ni Marlon ng dalawang daliri.
"Dyan ba Melabs! Wawa naman Melabs ko, gusto mo ikiss ko?"
"Okey lang ako Kate MyLabs mamaya mo na lang ikiss, pero sino ba yan at bakit nya sinabing boyfriend ka nya?"
Kita ni Kate sa mata ni Mel na naiinis ito, tila nagseselos.
Nangiti ng lihim si Kate.
'Uy, jelling jelling si Melabs ko, kilig much!'
Pinagmasdan ni Kate si Marlon na puno ng pagkairita.
"Etong ugok na 'to, sinabing boyfriend ko sya?!"
Tiningnan nya si Marlon mula ulo hanggang paa na parang sinusukat.
"Ang kapal naman ng mukha mong sabihin na boyfriend kita! At ang lakas ng loob mo!
Huwag kang managinip ng dilat, baka bangungutin ka!"
Sabay hatak ni Kate sa dalawang daliri ni Marlon na nakapilipit kaya lalong napahiyaw ito.
"AAAAHHHH! .... AAAAHHH!"
Tama na Kate, tama na please! Nagbibiro lang ako!"
"Nagbibiro? Tinatakot mo kaya ako kanina at winarningan mo pa! Diba sabi mo huwag na huwag ko ng lalapitan si Kate dahil girlfriend mo sya at kung hindi ako huminto babalian mo ako ng buto?"
Sabat ni Mel.
"Na-Nagbibiro lang talaga ako, hindi naman seryoso yun, joke lang! Please bitiwan mo na ako Kate!"
"Tinakot mo si Melabs ko tapos sasabihin mo joke lang! Paanong babalian, ganito ba?"
Inikot ni Kate ang buong kamay ni Marlon kaya umikot din ang buong katawan nito.
Crack!
Tapos ay tinuhod nya ng malakas ang nasa pagitan ng binti nito na lalong nagpadagdag sa sakit na nararamdaman nya. Hindi na sya makatayo sa sakit at saka lang sya binitiwan ni Kate.
"Melabs!"
Inakap sya ni Kate at hinalikan ang balikat nito na kanina itinuro nya.
Nangiti naman si Mel sa ginawa ni Kate.
"Kate MyLabs, ikaw, nasaktan ka ba?"
Hinawakan nito ang kamay ni Kate na ginamit nya kay Marlon at hinalikan ng dahan dahan.
"Saan ang masakit dito ba? o dito?"
Tanong ulit ni Mel.
Kinikilig naman si Kate at hinayaan lang si Mel sa ginagawa nya.
Nagkatinginan ang tatlong kasama ni Marlon.
'Sya pa talaga ang tinatanong kung nasaktan!'
Kanina, may nadinig na crack ang tatlo kaya kinabahan sila sa lagay ni Marlon pero wala ni isa sa kanila ang lumapit para tumulong. Ayaw kasi nilang madamay.
"Anong nangyayari dito?"
Tanong ng isang lalaking dumating.
Isa sya sa member ng faculty pero di nila maalala kung sino.
"Sir, sila po ang may gawa nyan!"
Sabi ng isa sa lalaking kasama ni Marlon.
Nakangisi itong napatingin kay Kate.
'Wala kayong takot, hindi nyo kilala kung kaninong anak yang ginulpi nyo. Tiningnan ko lang kundi kayo magmakaawa pagkatapos!'
Napansin sya ni Kate at parang binabasa ang isip.
"Sir, may mga kumuha ng video pwede ninyong hiramin para makita nyo ang buong pangyayari!"
Sagot ni Kate.
Walang takot na makikita sa mata nito.
"Dalhin nyo sya sa clinic! At kayo, in my office!"
"Kate MyLabs, knows mo ba kung sino sya?"
Tanong ni Mel kay Kate habang naglalakad sila papuntang office.
"Ewan ko Melabs, pero sure ko hindi sya ang prinicipal!"
Sagot ni Kate.
"Dapat ba akong kabahan Kate MyLabs?"
"Melabs ko, mas kabahan ka sa akin kesa sa Sir sa likod natin!"
"Kate MyLabs, matagal na akong takot sa'yo, nanginginig pa!"