Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 241 - Looks Like Trouble

Chapter 241 - Looks Like Trouble

Natanaw ni Eunice sila Mel at Kate sa malayo. Tatawagin na sana nya ang dalawa ng makita nya na isinama sila ng isang professor.

'Uh_ohh! Looks like trouble! Ano na naman kayang gulo ang pinasok ng dalawa, bakit hindi ako isinama?'

Nadinig nya ang mga usapan sa paligid and obviously yung nangyari kanina ang pinagkukumpulan nila. Nilapitan nya ang isang grupo.

"Tiningnan mo, nakuhanan ko kung paano nya binalian yung mayabang na Marlon na yun!"

"Buti nga dyan sa mayayabang na iyan, kala mo kung sino!"

"Isang babae lang pala ang magpapatumba sa kanya. Buti nga nakakita sya ng katapat!"

"Hahahaha!"

"Pare, dami ng nagpost! Nagtetrending na sya!"

"Hiyang hiya na siguro yung yabang na yun?"

"Shhhhh! Huwag kayong maingay yung babae sa likod natin kanina pa nakatingin sa atin!"

"Excuse me!"

Dahan dahan silang napalingon sa direksyon ni Eunice.

"Pwede ba akong magtanong? Yung professor na kasama kanina nung dalawang umalis, anong name nya?"

"Uhm yun? Si Prof. Lorde, head ng physics department! Bakit mo tinatanong?"

"Saan nya dadalhin yung dalawa, kanina?"

"Sinong dalawa?"

"Yung mag jowa?"

"Ahh, nadinig ko sa office nya dahil sa nangyari kanina! Bakit mo tinatanong, kilala mo ba sila?"

"Oo kilala ko sila, ano ba yung nangyari kanina?"

Tinitigan nilang mabuti si Eunice, nagtataka.

'San ba galing ito at wala syang alam e kalat na?'

"Eto ang video Miss, panoorin mo!"

Ipinakita nila ang video kay Eunice.

"Hahaha!"

Hindi mapigil ni Eunice ang matawa ng makita ang video.

"Nasa trending na yang video miss, may nag post, search mo!"

"Yeah, nakita ko na, thanks!"

*****

Sa office ni Prof. Lorde.

Pinagharap nya ang tatlong barkada ni Marlon at sila Kate at Mel.

"Freshman pa lang kayo, gulo na agad ang pinapasok nyo. Gusto nyo bang grumaduate?"

"Ikaw, anong pangalan mo?"

Tanong nya kay Kate.

"Katherine Santiago po Sir."

"Ms. Santiago, kilala mo ba kung sino yung binalian mo ng buto?"

"Sabi po nya si Marlon daw po sya Sir!"

"Hindi tama ang ginawa mo sa kanya, mula bukas suspindido ka at itong kasama mo! Saka, gusto kong humingi ka ng tawad sa kanya! Maliwanag ba?"

Napataas ang kilay ni Kate at Mel tapos ay nagkatinginan sila.

"No Sir, hindi po maliwanag! Hindi nyo ba muna aalamin Sir kung anong nangyari?"

"Boys, sino ang bumali ng kamay ni Marlon?"

"Sya po Sir, kasama nya yang tukong lalaking yan! Pinagtulungan nila si Marlon!"

Malakas ang loob ng tatlo ngayon dahil kilala ni Prof. Lorde ang pamilya ni Marlon.

Isang mayor sa Metro Manila ang father ni Marlon. Si Mayor Diego Fuentes. Mabagsik na mayor ang pagkakakilala sa kanya ng lahat at isa itong retiradong militar.

"Ngayon Ms. Santiago alin ang hindi maliwanag? Bakit itinatanggi mo ba na ikaw ang may gawa nun kay Marlon? Kitang kita ng lahat, tama ba ako?"

"Nope hindi ko itinatanggi! Ako nga ang may gawa nun kay Marlon pero hindi nyo ba man lang itatanong kung bakit?"

"Ano pa bang dapat kong malaman e alam na ng lahat at nakita ko din na ikaw ang nambully kay Marlon?"

"Nambully? Ako? Sir what happened is not bullying, pinagtanggol ko lang ang sarili ko, mali ba yun?"

"Pero hindi yun ang nakita ng dalawang mata ko Ms. Santiago!"

"So ang ibig nyong sabihin Sir, kung ano ang makita ng mga mata nyo yun na ang tama?"

"Hindi ko gusto ang pananalita mo, sinasabi mo bang bias ako?"

"Bakit hindi po ba Sir? Ni hindi nyo man lang nga inalam ang totoo pero nagdecide na kayong isuspinde kaming dalawa! Kung hindi po kayo bias bakit kami lang, bakit hindi kasama sila lalo na ang Marlon na yun!"

Napatigil si Prof. Lorde.

'Matigas ang isang ito.'

"Tumawag ang clinic at sinabing kailangan dalhin si Marlon sa ospital. Pag nalaman ng mga magulang nya ang nangyari, tyak magtatanong yun at magdedemanda yun. Kaya kung ako sa'yo tanggapin mo na ng maayos ang punishment mo!"

Paliwanag ni Prof. Lorde.

"Ganun po ba Sir? So ibig sabihin nito wala kayong planong pakinggan ang side ko dahil takot kayo sa pwedeng gawin ng tatay ni Marlon sa inyo?"

"This is for the best Ms. Santiago!"

Nakangiting sabi ni Prof. Lorde kay Kate.

"Wait Sir, I need to call my lawyer first!"

Sabi ni Kate.

"Anong lawyer? Bakit ka tatawag ng lawyer?"

Nagtatakang tanong ni Prof Lorde.

'Nagpapatawa ba 'tong batang 'to?'

"Dipo ba sabi nyo Sir, madedemanda ako, so I need a lawyer!"

Agad nitong kinuha ang cellphone nya at dumayal.

"Hello Secretary Kim..."

Sabi ni Kate.

"Hello Ate Kate, huhulaan ko, nacorner ka ano at kailangan mo ang help?"

Sagot ni Eunice.

"Uh huh! Paki contact nga ang lawyer ko, ASAP!"

"Sige kakausapin ko si Daddy, and don't worry about the evidence dahil nasa internet lahat ng nangyari! And one more thing, naka live video si Mel, kinukunan nya lahat ang nangyayari dyan!"

"HAHAHAHAHA!"

Humagalpak ng tawa si Kate, napatingin sya kay Mel at kinindatan sya nito.

Nag blush si Kate.

'Nemen e!'

Related Books

Popular novel hashtag