Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 228 - Is That Kate Shirt?

Chapter 228 - Is That Kate Shirt?

Samantala.

Nasa isang meeting si Jaime ng makatanggap sya ng message mula sa tauhan nya na nasa bahay si Mel, dinadalaw si Kate.

Agad nitong binuksan ang cellphone nya at tiningnan ang surveillance ng bahay nila.

'Hmmm ... mukhang andun na naman ang unggoy na yun, inuunggoy na naman ang anak ko!'

At ng makita nya ang dalawa sa sala, kita sa mukha nito ang pagkainis na napansin din ng mga tao sa paligid nya na ka meeting nya.

'Subukan mo ulit tukain ang anak ko, subukan mo, pipilipitin ko yang leeg mo!'

Pero gaya ng dati, nagulat na naman sya ng makitang si Kate ang gustong humalik at hindi si Mel. Mabuti na lang at umiilag si Mel.

'Lintek talaga itong anak kong ito, kanino ba 'to nagmana?'

"Uhm... Sir?.... Col. Santiago?"

Natakot ang subordinate nito ng makitang nanlilisik ang mata ni Jaime ng tingnan sya.

Nairita kasi si Jaime ng maistorbo sya sa panonood.

"Sir, hindi po kasi kayo sumasagot. Itatanong ko lang po kung ano na ang susunod nating gagawin!"

Kinakabahang paliwanag ng subordinate nya.

Pilit ibinalik ni Jaime sa normal ang mukha nya saka tiningnan ang mga nagawa nila.

"Mukhang maayos na naman! Ituloy nyo na yan at kung may problema tawagan nyo na lang ako!"

At tumayo na si Jaime para umalis.

"Sir, aalis po kayo?"

"Oo, uuwi muna ako at me kailangan akong gawin sa bahay! Balitaan nyo na lang ako!"

At tuluyan na itong umalis habang ang mga subordinates nya ay hindi alam kung matutuwa o maiinis, pero nakahinga sila ng malalim pag alis ni Jaime.

Agad na sumakay ng kotse si Jaime para makaalis agad at baka may pumigil pa sa kanya.

"Kailangan kong makauwi agad at masama ang kutob ko!"

Aminado syang kinakabahan sya hindi dahil kay Mel kundi dahil sa pagiging mapusok ni Kate. Kitang kita nya kasi ng hatakin ni Kate si Mel paakyat ng hagdan.

"Jusko, tyak na sa silid ni Kate pupunta ang dalawang yun!"

Dumodoble na ang kaba nya, kung ano ano na kasi ang pumapasok sa isip nya, kaya pinaharurot nya ng mabilis ang sasakyan.

Pagdating ng bahay, dali dali syang sinalubong ng kasambahay.

"Magandang araw po Sir Jaime!"

Pero hindi sya pinansin nito.

Maging ang bunso nito na baby pa lang na nasa sala at nilalaro ni Nadine ay hindi rin sya pinansin ng tinawag sya.

"Dada! Dada!"

Habol ng bata.

"Ano na naman kayang nangyari sa tatay mo at mukhang nawiwindang na naman?"

Tanong nya sa anak.

"Mami!"

Sabay taas ng dalawang kamay.

Nagpapakarga ito at mukhang gusto na sundan nila ang Dada nya!

Kinarga nga ni Nadine ang bunso nya at sinundan ang asawang si Jaime, pero wala pa sila sa pinakamataas na baytang ng madinig nya ang galit na boses ni Jaime.

"ANONG IBIG SABIHIN NITO???!!!"

Nagulat si Nadine.

'Teka, sa silid ni Kate yun ah!'

Dali daling umakyat si Nadine, karga ang dalawang taon nyang anak patungo sa silid ni Kate.

At pagdating sa silid nakita nya si Jaime na hawak ng isang kamay nya si Mel sa leeg at ang isang kamao ay akmang susuntukin sya habang si Kate ay pinipigilan ito.

"Daddy tama na po! Huwag nyo pong saktan si Melabs ko!"

Lalong nagpintig ang tenga ni Jaime ng tawagin ni Kate na Melabs si Mel.

'Lintek na bata ito, maka Melabs wagas!'

'GRRRR!'

"JAIME TAMA NA YAN! NATATAKOT NA SA'YO ANG MGA BATA!"

Sigaw ni Nadine sa kanya.

Hindi pa rin tumalima si Jaime Kaya binaba ni Nadine ang bata sa kama at saka nito nilapitan si Jaime.

Pumagitan sya sa kanila.

"Tama na Jaime, tama na!"

Hinawakan nito ang kamay ni Jaime na nasa leeg ni Mel at pilit na tinanggal ni Nadine, habang patuloy nitong sinasabi na "Tama na".

Unti unti namang lumuwag ang pagkakahawak ni Jaime sa leeg ni Mel hanggang tuluyan na nya itong pakawalan.

Mel: (cough, cough, cough)

"Melabs, huhuhu, nasaktan ka ba?"

Tinulungan ni Kate makatayo si Mel at saka inupo sa sofa. Awang awa sya sa sinapit ni Mel.

"Okey lang Kate MyLabs"

(cough, cough)

Hindi pa hupa ang galit ni Jaime, nangigigil pa rin ito lalo't nakikita nya kung ano ang ginagawa ng anak nyang si Kate dito.

'Langya, kung tratuhin nya akala mo baby! Nakanti ko lang naman!'

"Ano bang nangyayari sa'yo Jaime, bakit ka nagkakaganyan?"

Tanong ni Nadine.

Pero hindi makasagot si Jaime, galit pa rin kasi sya. Baka ano naman magawa nya at masabi nya kaya tumahimik na lang sya.

"Bad Dada, bad!"

Sabi ng baby nya.

Ngayon lang napansin ni Jaime ang bunso nya at di sya makapaniwala ng sabihan sya nitong "Bad Dada!"

"Kita mo, pati anak mo alam na bad yang ginawa mo!"

Sabi ni Nadine.

"Sorry baby! Natakot ka ba kay Daddy? Sorry anak?"

Nilapitan nito ang anak pero tumakbo ito sa ina at kumapit sa binti nito.

"Ano ba kasing dahilan at ....."

Hindi na natapos ni Nadine ang sasabihin nito ng mapadako ang tingin nya kay Mel at Kate na magkaakap sa sofa.

"Teka! Mel is that Kate shirt?"

At nanlaki ang mata ni Nadine, hindi lang pala shirt ang mukhang suot ni Mel pati short nito suot nya.