Tiningnan mabuti ni Nadine ang suot ni Mel na T-shirt.
'Kundi ako nagkakamali, yan ang personalize shirt na niregalo ni Jaime kay Kate nung pasko ....'
"Teka Mel, is that Kate shirt?"
Opo Tita!"
Magalang na sagot ni Mel.
Pagkasagot ni Mel, tumuon naman ang pansin ni Nadine sa short nito.
'OMG! Pati short sure akong kay Kate din! Ako ang bumili ng short nyang yan!'
Tiningnan ni Kate ang mga mata ng magulang nya. Nagtataka sya sa kakaibang tingin ng mga ito kay Mel at sa kanya.
'Ano bang problema sa suot ni Mel?'
'OMG! Nakalimutan ko, si Daddy nga pala ang nagregalo sa akin ng shirt na yan!'
'Pero bakit ganyang sila makatingin?'
'Bakit parang.... OMG ... it's not....'
"Mom, Dad, wait! It's not what you think it is! WAIT!"
"We can explain!"
Bulalas ni Kate.
"Okey Kate, explain or else you gonna get the belt at sisiguraduhin kong hindi ka makakaupo ng isang buwan!"
Sagot ng nanay nya.
Napalunok si Kate.
Pinalibutan ng takot ang buo nyang katawan sa sinabi ng ina. Napatingin sya kay Mel, humihingi ng saklolo.
Napansin sya ni Mel kaya nagsalita ito.
"Teka po Tita Nadine, Sir Jaime, huwag po kayo magalit kay Kate MyLabs, ako po talaga ang may kasalanan kaya suot ko po ang damit nya!"
"Oo tama ka kasalanan mo nga! Buti alam mo!"
Singhal ni Jaime.
"Sorry po!"
"Bakit ka nag so sorry Mel? Akala ko ba magpapaliwanag kayo, Kate? Naghihintay kami sa paliwanag nyo!"
'Juskolord! Papaano ko ba sasabihin sa Mommy ko at Daddy ko na naglalandian kami ni Melabs ko kaya nangyari ito?!'
"K_K_Kasi po, kanina! Uhm... kanina po kasi...."
Umpisa ni Kate pero hindi nya alam paano nya tatapusin ang sinasabi nya.
Si Mel ang nagsalita.
"K_Kasi po kanina po nabigla po kasi ako kaya na out of balance po ako!"
"Out. Of. Balance.???"
"????"
"O_Opo Tita Nadine, na out of balance po ako kaya tumapon po ang dala kong sauce ng kikiam sa damit ko kaya po ako pinaghubad ni Kate..."
Paliwanag ni Mel.
"Pinaghubad ka ni Kate???!!!"
Sabay na napatingin si Jaime at Nadine sa anak nila.
"Yes Mommy, Daddy, pinaghubad ko po sya sa banyo para malinis na rin po yung sauce sa katawan nya habang naghahanap po ako ng damit na ipasusuot sa kanya..."
"Huwag po kayong magalala, paguwi ko po lalabhan ko agad itong damit at isosoli ko po kay Kate..."
Dugotong ni Mel.
"Bakit ka naman na out of balance, Mel?"
Muling tanong ni Nadine.
'Jusko, paano ko ba sasagutin yung tanong?'
'Paano ko ba sasabihin sa kanila na kaya ako na out of balance dahil habang naghahalikan kami ni Kate kung saan saan gumagapang ang kamay nya kaya ng dumapo sa pwet ko, napakislot ako kaya ako na out of balance at kaya natapon ang dala kong sauce!?'
Nagkasalubong ang tingin nila Kate at Mel.
"N_Nabigla po kasi ako.."
Sagot ni Mel.
"At bakit ka naman nabigla? Hmmm?!"
Tanong ni Jaime.
"Ano po kasi ... kasi... "
Napansin ni Kate ang isang laruan sa sahig
"... kasi po naapakan po nya yung toys ni Baby Khim!"
At tinuro pa nya ang laruan sa sahig.
Hindi makatingin ng diretso si Kate, nagsisinungaling sya. Napatingin sa kanya si Mel, nagtatanong.
'Pero mas magandang dahilan yun kesa sabihin kong .... nilalandi kita!'
Sagot ng mga tingin nya kay Mel.
"Ehem!"
"Okey sige, tama na yan!"
Tumayo na si Nadine at kinarga si Baby Khim.
"Halika na Jaime!"
"Huh? Pero hindi pa ko tapos!"
"Huwag kang magalala magtatanda na ang dalawang yan!"
Walang nagawa si Jaime kundi sumunod sa asawa.
Pero bago sya lumabas...
"Keep this door open! I am watching you!"
At lumabas na rin ng silid si Jaime, hinabol ang asawa na pababa na ng hagdan.
"Ikaw ang may kasalanan nito!"
Iritang sabi ni Nadine.
"Ako? Bakit ako?"
"Ang dumi kasi ng isip mo, pati ako nahahawa sa'yo!"
"Kasalanan ko ba yun e sa nakita kong ..."
"Palibhasa gawain mo, kaya ayan nawiwindang ka sa anak mo! Oh eto si Baby Khim alagaan mo!"
Ibinigay ni Nadine ang bata kay Jaime at nagpunta ng kusina.
"Bad Dada, bad!"
"Baby, pag laki mo, malamang pasakitin mo rin ang ulo ko!"
Sa silid.
Nakahinga ng maluwag ang dalawa.
"Kate MyLabs, pwede ba akong humiram ng sabon.."
Sabi ni Mel.
"Bakit, maliligo ka?"
Pilyang tanong ni Kate
"Hindi. Lalabhan ko lang yun damit ko para hindi ko na ito susuutin pag uwi!"
Nahihiyang sabi ni Mel.
"Melabs okey lang na suutin mo yan pag uwi!"
"Pero galit ang Mommy at Daddy mo dahil sa sinuot ko ang damit mo! Nakakahiya sa kanila!"
"Hahahaha!"
Hagalpak ng tawa si Kate.
Nagtataka si Mel bakit sya tinatawanan ni Kate.
"Bakit anong nakakatawa?"
"Melabs akala mo ba kaya nagalit sila Mommy and Daddy ay dahil sa pinahiram kita ng damit?"
"Bakit hindi ba?"
"Nope!"
Sabay iling.
"Kung ganun bakit?"
"Think!"
Muling binalikan ni Mel sa isip nya ang nangyari kanina.
At unti unting nagliwanag sa isip nya ang lahat, ang ibig tukuyin ni Kate.
"O.M.G! Jusko...!"
"You mean .... akala nila... kaya ako ....."
"Yup! Hehe!"
"O.M.G!"
Naninikip ang dibdib ni Mel, tila kinakapos sya sa pag hinga.
'Juskolord!'
Tumayo ito.
"Oh Melabs, saan ka pupunta?"
Tanong ni Kate.
"Kailangan kong magpaliwanag! Kailangan kong sabihin na ...."
"Shhhhh .... shhhh... calm down Melabs, calm down..."