Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 223 - Si Ames

Chapter 223 - Si Ames

Hindi makapaniwala ang mga magulang ni Loyd. Lalo na ang Daddy nya, nakaka batang kapatid nya kasi yung tinutukoy ni Loyd na Jordan.

"Walanghiya talaga yang kapatid mo! Tinulungan mo na nga na makapagsimula ulit tapos...."

Nagpupuyos sa galit si Mrs. Lazaro.

"Kaya pala nagpe presinta parati ang kapatid mong ihatid si Loyd, dahil gagawin lang pala nyang taga deliver ng marijuana!"

Galit na galit na singhal ng Mommy ni Loyd sa asawa nito.

Maging ang Daddy ni Loyd ay galit din. Hindi nya akalain na gagawin ito ng kapatid nya sa kanya.

'Naging mabuti naman ako sa kanya, inunawa ko sya kahit na binalaan na ako ng pamilya ko at mga kaibigan ko! Pati ba naman anak ko gagamitin pa ni Jordan sa kawalanghiyaan!'

Sising sisi sya.

"Akala ko nagbago na sya, nakita naman natin diba?"

Katwiran ni Mr. Lazaro.

"Ewan ko sa'yo! Sinabi ko na nuon pa na huwag mong ibibigay ang buong tiwala mo sa kanya!

Sa simula pa lang wala na akong tiwala dyan sa walanghiya mong kapatid pero hindi ka nakinig!"

"Officer pakiusap, maari ko na bang makita ang anak kong si Loyd?"

"Pasensya na po Mrs. Lazaro pero kailangan po namin iturn over ang anak nyo sa DSWD, saka kailangan din kayong maimbestigahan sa kasong ito!"

"Ano? Pero kailangan ako ng anak ko at wala akong kinalalaman sa kasong ito, maniwala kayo!"

"Pasensya, pero kailangan muna namin tapusin ang imbestigasyon at kailangan din namin mahuli si Jordan. Nakatakas po kasi sya!"

Lalong nagalit si Mrs. Lazaro sa asawa nya.

"Sa oras na matapos ang imbistigasyon, lalayo muna kami ng anak ko sa'yo at sa pamilya mo! Tutal mas mahalaga naman ang kapatid mo kesa sa kaligtasan namin ng anak mo!"

"Pero anak ko rin sya! Kailangan nya rin ako, huwag mo syang ilayo sa akin!"

"Hangga't hindi nahuhuli ang kapatid mo huwag ka munang lalapit sa amin! Natatakot na ako sa pwede pang gawin ng kapatid mo!"

Samantala.

Nalaman ni Nicole ang nangyari. Agad itong tumawag kay Ames na kasalukuyang kabababa lang sa eroplano galing ng America.

"Ames may malaking problem sa Elementary!"

At ikinuwento nito agad ang detalye.

"Anak ng...."

Gigil na gigil sa galit si Ames.

"Mga bwisit na yan! Paano nagkakaroon ng ganyang transaction sa skwelahan ko?"

"Mukhang matagal na ito Ames, mas mabuti pa na paimbistigahan mo ng personal! May duda akong may kasabwat na pulis yung Jordan, nakatakas kasi agad!"

"Okey Nicole pero pwede bang ikaw na munang bahalang umasikaso dyan at may personal problem akong kailangan ayusin!"

"Naintindihan ko, how's Elsa?"

"Wala pa ring malay and I need to talk to Miguel para maiuwi sya dito sa Pinas as soon as possible!"

Hindi na inistorbo pa ni Nicole si Ames dahil alam nya kung ano ang pinagdadaanan nito ngayon.

Pagkababa ni Ames ng cellphone, tumunog ulit ito.

'Si Papang!'

"Haaay, akala ko pa naman makakapahinga ako kahit kaunti!"

"Hello, Pang!"

"Ames, alam mo ba ang kawalanghiyaan pinaggagawa ng kapatid mo?!"

Galit na tanong ni Lemuel ng madinig ang boses ng anak.

Ilang araw na nitong kinokontak si Ames pero hindi nya alam kung nasaan.

Ito ang lagi nyang kinaiinisan sa anak nyang ito. Napaka gala!

Kahit alam nyang business trip ang ginagawa ni Ames, para sa kanya gala pa rin ang tingin nya dito.

'Grabe talaga 'tong tatay ko, di man lang ako kinamusta!'

"Pang, mukhang galit po kayo. Pwede po bang kumalma muna kayo at baka tumaas ang BP nyo, mapaano pa kayo!"

"Hindi mo ba nadinig ang tanong ko, ha?! Tinatanong kita diba?"

"Pang nadinig ko po ang tanong nyo, pero kailangan nyong kumalma muna! Mas mahalaga po ang kalusugan nyo kesa sa tanong nyo! Baka kung mapaano pa po kayo sa sobrang galit nyo!"

"Paano ako kakalma?! Yang bwisit na kapatid mo bigla na lang nilayasan ang kompanya ko! At pati si Elsa at Elaine hindi ko din alam kung nasaan!"

"Okey Pang, nadinig ko po lahat ng sinabi nyo. Pauwi na po akong San Miguel, dyan na po tayo magusap! Kumalma na po kayo!"

At ibinaba na nito ang cellphone.

"Aba't... isa pang bwisit itong anak ko na ito, binabaan ako ng telepono hindi pa kami tapos magusap! Walang modo, hindi ko alam kung saan nagmana! Hmp!"

Ang hindi alam ni Lemuel, kaya sya binabaan ni Ames agad ng cellphone ay para matawagan nito ang duktor niya at papuntahin sa bahay.

Kaya nagulat na lang si Lemuel ng biglang dumating ang duktor.

"Sinong nagpapunta sayo dito? Wala naman akong sakit kaya bakit ka narito?"

Singhal ni Lemuel sa duktor nya.

"Mr. Alvarez, tinawagan po ako ni Ms. Ames dahil nagaalala sya sa inyo. Galit na galit daw kayo habang kausap nyo sya, kaya pinapunta nya ako agad dito sa bahay nyo!"

Si Ames lang ang sinusunod ng duktor na 'to kaya nanahimik na lang si Lemuel at hinayaan syang tingnan nito.

***

Habang nasa byahe, kinontak naman ni Ames si Miguel para maiuwi agad si Elsa sa Pilipinas.

Si Miguel ay ang asawa ni Nanay Issay at sya rin ang mayari ng pinaka malaking airlines at shipping lines sa buong Pilipinas.

Bata pa lang magkakilala na sila ni Miguel at isa rin ito sa tumulong sa kanya nuon para magtagumpay.

Magisa nyang pinagaral ang sarili dahil ayaw ng Papang nya ng kursong gusto nya.

Gusto ng Papang nya na kumuha sya ng nursing para daw madali syang makapunta ng America.

Pero sinuway nya ang gusto ng Papang nya, kumuha sya ng education at pinagaral nya ang sarili nya. Sa kompanya ni Miguel sya unang nagtrabaho at ito ang tumulong sa kanyang makapagpatayo ng school.

"Huwag kang magalala Ames padadala ko ang private jet ko para mas mabilis ang paguwi ni Elsa at ng pamilya nya!"

"Salamat Migs!"

Pagkatapos ni Miguel si Edmund naman ang hiningan nya ng tulong para sa pagdadalhang ospital.

"Ngayon ready na ang lahat, pwede na akong umuwi para kausapin ang Papang!"

Madam, maidlip po muna kayo medyo malayo pa naman tayo! Gigisingin ko po kayo pagmalapit na!"

Sabi ng assistant ni Ames na si Philip.

'Kawawa naman itong si Madam, sya na lang parati ang nagsosolve ng problem ng family nya!'

Madilim na ng makarating sila ng Little Manor. Naroon pa rin ang duktor at matyagang nakikinig sa sentimyento ni Lemuel.

Hindi alam ni Lemuel, unti unting nilalagyan ng duktor ng pampakalma ang pagkain niya sa utos ni Ames kaya pagdating ni Ames kita ng maayos na ito at hindi na galit pero nakasibangot pa din.

Ganito palagi ang ama nya pag hindi nasusunod ang gusto.

"Pang, andito na po ako!"

"Ang tagal mo! Kanina pa kita kausap, binabaan mo pa ako ng telepono!"

"Pasensya na po Papang!"

"Doc, kamusta po ang Papang?"

"Ms. Ames, mas makakabuti kung magpapahinga na ang father nyo. Kailangan ng katawan nya yun para hindi sya gaanong matensyon!"

"Ganun ba doc! Sige mas mainam nga na magpahinga na sya para makatulog! Salamat po Doc!"

"Hindi! Kailangan kong makausap si Ames! Maguusap pa kami ni Ames! Hindi ako pwedeng matulog, Ayaw ko pang matulog!

Sabi ni Lemuel pero naghihikab na ito at halatang inaantok na.

"Halika Papang magpahinga na po kayo at bukas na po tayo magusap!"

"Hindi pwede, kailang mong malaman ang kawalanghiyaan ng kapatid mo!"

"Huwag kayong magaalala Pang kakausapin ko si Jeric!"

Hindi na umalma pa si Lemuel ng ihiga sya ni Ames sa kama. Tuluyan na itong nakatulog at kinabukasan na nagising.