Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 224 - Warning

Chapter 224 - Warning

Habang natutulog si Lemuel, nakasakay na ng Private jet si Elsa at ang pamilya nito pauwi ng Pinas. Kaya ng magising si Lemuel kinabukasan, malapit na sa Pilipinas ang private jet na sinakyan nila.

Pagdating ng airport ililipat ito sa private chopper para naman dalhin sa ospital. Ang chopper na yun ay pagaari naman ng ospital ng mga Perdigoñez na ginagamit sa mga rescue mission nila.

"Ames, mabuti at narito ka pa! Kailangan nating magusap!"

"Pang kamusta po ang pakiramdam nyo, may masakit ba sa inyo?"

"Pwede ba Ames, huwag mong ibahin ang usapan! Kahapon pa kita gustong makausap, tungkol sa katarantaduhan ng kapatid mo!"

"Pang, nakausap ko na po si Doc sinabi na nya sa akin ang mga gusto nyong sabihin! Kinakamusta ko po kayo dahil bilin po ni Doc obserbahan ko daw po kayo!"

"Lintek na yan! Hindi mo ba papakinggan ang sinasabi ko?! Hindi mo man lang ako hayaang magsalita!"

"Ano pa po ba ang gusto nyong sabihin, ang pagkawala ni Elsa nung isang araw na hindi ipinaalam sa inyo? Ang biglaan pagalis ni Jeric sa kompanya nyo na hindi nagpapaalam at binitbit pa ang anak nyang si Elaine? Alam ko na po lahat yun Papang!"

Inis na inis si Lemuel. Gusto pa naman nitong maglabas ng inis nya dahil hanggang ngayon galit pa rin sya sa ginawa ni Jeric na pagalis na walang paalam pero hindi man lang sya binigyan ng pagkakataon ni Ames na magkwento.

"Hmp!"

Gusto pang magsalita ni Lemuel pero hindi na nya alam ang sasabihin.

"Ano pa po bang gusto nyong sabihin Pang na hindi ko pa Alam? Sabihin nyo na po at mayroon din po akong kailangan sabihin sa inyo!"

"Hmp! Ano pa bang mas mahalagang bagay na kailangan mong sabihin? Mas mahalaga pa ba yan kesa sa ginawa ng walang utang na loob mong kapatid?!"

'Grabe talaga itong tatay ko, kala ko ba si Jeric ang paborito at masunurin nyang anak!'

"Pang, tungkol po kay Jeremy ang sasabihin ko!"

"Bakit anong nangyari sa apo ko? Sabihin mo, anong nangyari sa mahal kong apo?!"

'Hanep! si Jeremy lang ba talaga ang apo nya?'

'Tawagin pa kaya nitong mahal kong apo si Jeremy pag nalaman nya ang ginawa nito?'

"Ano Ames, sabihin mo, anong nangyari kay Jeremy?"

"Pang, huwag po kayong mabibigla pero may problema si Jeremy sa America, na kickout po sya sa Harvard!"

"ANO?!"

Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Baka nagkakamali ka lang?"

"Nakausap ko na po ang mga teachers nya pati ang Head of department!"

"Bakit daw? Bakit basta basta nila kinickout ang apo ko?!"

"Lack of interest and always absent!"

"Si Jeremy? Sigurado ba sila na si Jeremy ang tinutukoy nila?! Imposible ito! Hindi ganun ang apo ko!"

'Sabi ko na hindi sya maniniwala!'

"Pero Papang, sa maniwala kayo at sa hindi, yun po ang totoo!"

"Ames, gawan mo ito ng paraan! Kailangan maka graduate si Jeremy sa Harvard! Kailangan dun sya magtapos ng law!"

Walang alam si Lemuel na business management ang course na kinuha ni Jeremy dahil ayaw nyang mag law.

"Pang, wala na po tayong magagawa, na kickout na po sya and that's final!"

"Anong final? Hindi ako makakapayag na magtapos lang ang lahat ng ito sa wala! Kailangan gumawa ka ng paraan!

Anong silbi ng mga kaibigan mong matataas kagaya ni Miguel at mga Perdigoñez kung hindi nila matutulungan ang apo ko?!"

"PANG!!!"

Sigaw ni Ames. Hindi sya mapaniwala sa sinabi ng ama.

"Nadidinig nyo po ba ang sinasabi nyo Papang?! Ano pong kinalalaman ni Miguel at ni Edmund sa problema ni Jeremy? Hindi naman nila kasalanan ang pinagagawa ng mahal nyong apo!

At isa pa, kahit kelan hindi ko inabuso ang pagiging magkakaibigan namin! Kaya pwede po ba Pang, mahiya naman po kayo sa kanila!"

"At anong gusto mong mangyari Ames, sirain ang future ng apo ko?!"

"Pang, hindi po ako ang sumisira ng future ng apo nyo kungdi KAYO!"

"Kung hindi ninyo sya pinilit na magaral sa America hindi sya magkakaganun! Hindi kaya ni Jeremy na mawalay sa pamilya nya, ang pamilya nya ang nagbibigay sa kanya ng lakas pero... hindi nyo inintindi ang nararamdaman ng bata! Mas mahalaga pa ang ambisyon nyo kesa sa nararamdaman ng apo nyo!"

"Anong pinagsasabi mo? Bakit masama bang ihanda ko ang future ng apo ko?!"

"Pang, hindi. po.masaya.si. J.E.R.E.M.Y.!"

"Anong hindi masaya, paano mo masasabing hindi masaya si Jeremy sa desisyon ko?"

"Bakit hindi ninyo tanungin ang mahal nyong apo!"

Agad nitong kinuha ang cellphone nya at tinawagan si Jeremy pero can not be reach.

Inulit nya ulit ng ilang beses pero wala pa rin.

"Bakit Pang? Hindi po ba kayo sinasagot? Hmm!"

Hindi na sya pinansin ng ama. Hindi nya tinigilan ang pag contact kay Jeremy.

"Pang kung wala na tayong paguusapan aalis na po ako, may malaking problema sa elementary school na kailangan kong ayusin!"

Hindi sya sinagot ng ama kaya tumayo na si Ames at nagbilin na lang sa kasambahay nila duon.

*****

Sa Ames Elementary School.

Mabilis kumalat ang nangyari at dahil dito, maraming magulang ang natakot sa kaligtasan ng mga anak nila.

Pinalitan lahat nila ang security ng school at nagkaron ng inspection sa lahat, studyante man o teacher. Maging staff ay inembistigahan din.

Isa isang tiningnan ang gamit nila pati lahat ng sulok ng school.

Marami ang nabulabog sa ginawa nilang pag iinspection at karamihan duon ay ang mga guilty.

Sa gitna ng ginagawa nilang ito hindi nila namamalayan na may nangyayari pala sa loob ng CR ng mga boys.

Si Earl at si Ian, pinagtulungang gulpihin ng mga Grade 6 students ng iba't ibang section habang nakatingin at nagbabantay sa malayo ang 2 teacher.

Ang mga ito ay parte ng isang sindikato na nagpapasok ng illegal substance gaya ng marijuana dito sa Ames Elementary School.

At nalaman nila na kapatid ni Eunice si Earl kaya pinagtulungan nila itong gulpihin at nadamay lang si Ian. Ginawa nila ito bilang warning.