Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 218 - Bored

Chapter 218 - Bored

Lunes.

Inabangan ni Eunice si Louie. Gusto nya itong makausap.... ng masinsinan.

"Louie!"

"Oh, Eunice, ikaw pala! Sorry nagmamadali ako!"

Tuloy tuloy ito sa paglakad.

"Nagmamadali kang iwasan ako?

Hinarang nya ang daraanan ni Louie.

Napahinto si Louie at hinarap si Eunice.

"Alam mo na pala eh, bakit nagtatanong ka pa! Pwede ba padaanin mo na ako!"

Mataray nitong sagot na parang kasalanan ni Eunice pag naantala sya.

"Huwag kang magalala sandali lang ako, gusto ko lang ibigay ito sa'yo!"

Iniabot nya ang libro na matagal na nyang pinabili kay Eunice. Matagal na itong nabili ni Eunice pero hindi pa kinukuha ni Louie.

Hindi na nagawang kunin ito ni Louie dahil simula ng magusap sila ni Zandro, iniwasan na nya si Eunice.

Iniabot lang ito ni Eunice kay Louie ang libro tapos ay umalis na.

Naiinis na sya kay Louie dahil hindi nya maintindihan kung bakit sya nito trinatrato ng ganito.

Gusto syang pigilan ni Louie, gusto nyang magpaliwanag. Nagdurugo ang puso nya dahil batid nyang nasasaktan nya si Eunice. Hindi nya gustong saktan si Eunice.

Pero .... kailangan, para sa kaibigan nyang si Zandro.

"Tsk, tsk, tsk! Ano bang problema mo Louie? Ayan na ang chance mo pero sinisira mo! Hindi kita maintindihan!"

Sabi ni Mel.

Napansin nya ang naiinis na mukha ni Eunice pagkatapos nitong iwan si Louie.

"Bakit ba Mel, ano bang alam mo?"

"Ano? Hindi pa ba obvious na may gusto ka sa Sissy ko! Buong klase nga ang akala kayo na!"

"HA???"

Tapos ngayon iniiwasan mo sya, bakit? Dahil sa bestfriend mong si Zandro na may gusto din kay Eunice pero nuknukan ng torpe?"

"Paano mo....?"

Nataranta si Louie.

'Masyado ba akong obvious?'

Tanong ni Louie sa sarili.

Kinakabahan na sya

"Sa tingin mo ba Louie hindi alam ng Sissy kong si Eunice ang dahilan kung bakit iniiwasan mo sya? Kung yun ngang mga nasa paligid alam si Sissy Eunice pa kaya hindi ito alam."

"Anong sinasabi mo Mel? Hindi kita maintindihan!"

"Simple lang! Mas mahalaga sa'yo ang bestfriend mo kesa kay Eunice. Pero ang tanong naintindihan ba ni Zandro ang so called "sacrifice" mo? Feeling heroic ba ang ginawa mo?"

Natahimik si Louie.

"Alam mo Louie, yang feeling heroic act na yan, hindi nakakatuwa yan!

Torpe and selfish si Zandro at ikaw, nuknukan ng taas ng pride! Sa tingin nyo ba deserve nyo ang isang katulad ng bestfriend ko?

Tsk tsk tsk! Your not worthy, both of you!"

Kaya sige lang .... ipagpatuloy mo lang yang so called sacrifice mo, tutal, ikaw lang din naman ang nahihirapan dyan!"

Sabay talikod ni Mel.

Dismayado talaga sya dito kay Louie.

Tila napahiya si Louie sa sinabi ni Mel. Tama sya, useless lang ang ginawa nyang pagpaparaya nya kay Zandro.

***

Nakita ni Zandro ng kausapin ni Eunice si Louie. .. at nagselos ito.

'Baka bumalik ulit ang closeness nila. Hindi ako makakapayag! Kundi rin lang ako makaporma kay Eunice, dapat si Louie ganun din!'

'Dapat may gawin ako!'

Inipon nya ang lahat ng lakas ng loob nya para harangin si Eunice.

"H-H-Hi Eunice, pwede ba tayong magusap?"

"Pasensya na Zandro, busy ako! Bakit hindi na lang kayo ni Louie ang magusap!"

At iniwan na nito si Zandro, nagtungo sa library.

Mula nuon, hindi na sya muling pumasok ng classroom nila.

Matagal na rin syang na bobored sa itinuturo sa Grade 10 kaya minsan nag si seat-in sya sa Grade 11 at 12. At minsan nakiki exam na rin sya.

Nagawa na rin nyang ayusin at basahin ang lahat ng libro sa library nila.

At sinabi nya kay Ames na puro luma na ito at kailangan ng iupdate.

Bilang tugon, pinakuhanan sya ng special exam ni Ames para ma accelerate sya. Ganito din kasi Kate nuon, tambayan ang library.

Nakpasa naman si Eunice pero ayaw nyang magpa acelarate. Gusto nyang grumaduate with Mel saka na bo bored na rin ito sa senior year. Mas advance pa kasi ang tinuturo ng Daddy nya at Tita nya sa kanya.

Kaya para maalis ang boredom nito naisipan ni Nicole na bigyan na lang sya ng ibang pagkakaabalahan.

Pinagturo sya nito sa elementary. Syempre sa pagpoprotesta ni Earl.

Pero pumayag na rin si Earl basta grade 1 to 3 lang ang tuturuan ng ate nya.

Pag may math competition, pinadadala din sya ni Ames para mag compete.

At lahat ng ito ay ibinalita ni Ames kay Jeremy. Kaya mas lalong hindi nito gustong umuwi.

Wala syang mukhang ihaharap kay Eunice lalo na sa Daddy nito na si Edmund.

"Walanghiya ka! Nahihiya ka sa kanila pero sa pamilya mo HINDI! Bwisit ka!"

Pati si Elsa na Mama ni Jeremy ay hindi na alam ang gagawin sa katigasan ng ulo ng anak.

Umalis sya ng Pilipinas na walang sinabihan kundi ang asawa nya tapos ito ang madadatnan nyang kalagayan ng anak.

Nanikip ang dibdib ni Elsa at nawalan ito ng malay.

"MAMA!!!"