Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 219 - Student Teacher

Chapter 219 - Student Teacher

"Ma, Mama please, wake up! Please be okey! Huhuhu!"

Humahagulgol si Jeremy habang nakasakay sa ambulansya.

Nag collapse ang Mama nya sa sobrang stress. Ang dami nya kasing iniisip.

Una si Ames.

Si Ames na gumastos ng lahat makapagaral lang sa America si Jeremy tapos ma kikickout lang ang anak.

Ang biyenan nya.

Tyak magagalit pag nalaman nito na kickout si Jeremy.

Ang asawa nya.

Ang mahal nyang asawa na tyak nyang masasaktan ng labis sa nangyari sa anak nilang si Jeremy.

Mahina man ang asawa nila sa paningin ng karamihan pero, alam niya kung gaano ito masasaktan kung malalaman nitong unti unting sinisira ni Jeremy ang buhay nya.

At si Jeremy.

Paano na ang future nya? Paano sya makakabawi pagkatapos nito?

Habang nirerevive ng mga duktor sa ospital si Elsa, nasa isang sulok naman si Jeremy, umiiyak. Nanginginig sa takot.

Sa pagkakataon ito kailangan na nyang kausapin ang kapatid nyang si Jericho.

"Jeric we need to talk! Nasa America ako ngayon at andito din si Elsa!"

Alam na ni Jericho ang Papa ni Jeremy na papuntang America si Elsa para sa anak pero hindi nito sinabi kung bakit. Ang pinagtataka nya bakit andun din ang kapatid nyang si Ames.

"Ate Ames? Anong ginagawa mo sa America?"

"Jeric listen, something happen to Elsa at nasa ospital kami ngayon ni Jeremy!"

"WHAT?!"

"Anong nangyari sa asawa ko?"

Hindi pa namin alam, bigla na lang siya nag collapse! Wala pa syang malay at andun sya nirerevive ng mga duktor!"

"Pupunta ko dyan!"

"Teka Jeric! America 'to hindi 'to Cubao, maghunusdili ka nga! Anong sasabihin mo sa Papang pag nagpunta ka dito? At paano ang anak mong si Elaine? Iiwan mo?"

"Pero asawa ko yan Ate, hindi ako basta pwedeng tumunganga lang!"

"Naintindihan ko Jeric, sinasabi ko lang ang mga ito para mapaghandaan mo ang dapat mong gawin, saka may isa ka pang dapat malaman, tungkol kay Jeremy!"

"Anong tungkol kay Jeremy? Yan ba ang dahilan kaya biglang nagpunta dyan si Elsa?"

"Oo! Na kickout sya sa Harvard!"

"Jusko!"

'Marahil masyadong dinamdam ng asawa ko ang nangyari sa anak ko, hindi na nakayanan kaya nag collapse!'

"Mas lalo akong kailangan pumunta dyan para sa asawa ko at sa anak ko!"

"Naintindihan ko Jeric pero huwag mo sanang kalilimutan ang isa mo pang anak! Magisip ka muna bago ka kumilos, kailangan ka rin ng anak mong si Elaine!"

Mapagmahal na ama si Jeric at malambing at mabait ito sa mga anak. Ayaw nyang palakihin ang mga anak nya tulad ng pagpapalaki ng ama nito sa kanila ng ate Ames nya.

Pagkababa ng phone, tinawagan nya agad ang airlines para bumili ng 2 ticket, para sa kanya at sa anak nyang si Elaine.

Ginawa nya ito ng hindi ipinaalam sa ama.

Hindi nya alam kung papayag si Elaine na sumama sa America pero bumili na rin sya at agad na nagtungo sa school ng anak, sa Ames Academy, para sunduin si Elaine.

"Elaine anak, may emergency tayo!"

Nagulat si Elaine ng biglang sumulpot ang Papa nya sa school, alam nyang nasa office ito.

"Bakit po Papa?"

Kinakabahan tanong ni Elaine.

"Something happen to your Mama at kailangan ko syang puntahan. I'm here to ask you kung sasama ka ba?"

"Po? Ano pong nangyari kay Mama? Syempre po sasama ako!"

"Nag collapse daw at nasa ospital! We need to go! Kailangan tayo ng Mama mo!"

"Teka po Papa kunin ko lang po ang gamit ko!"

Pagdating ng airport nagtataka si Elaine.

"Papa, bakit po tayo nasa airport?"

Dahil pupunta tayo sa America, andun ang Mama mo, pinuntahan ang kuya mo! Pagdating nya dun nag collapse daw at ...."

Hindi na nakayanan ni Jeric ang emosyon, umiyak ito.

"Huhuhu! Ang Mama mo, lagi na lang nyang inuuna tayo pero pinapabayaan naman ang sarili nya! Hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sa kanya! Hindi ko makakayanan!"

Hindi makapaniwala si Elaine.

Hindi nya maintindihan kung bakit ito nangyayari sa pamilya nya.

*****

Samantala.

Masayang nagtuturo si Eunice sa mga Grade 1 students sa Ames Elementary School. Natutuwa syang makihalubilo sa mga bata lalo na pag tinatawag syang Teacher Eunice.

"Ang cu cute naman ng mga babies ko!"

Laging sinasabi ni Eunice sa kanila pag nag gu good morning sila.

Si Teacher Claire ang teacher ng Grade 1 students. Nung una, nagtataka sya bakit binigyan sya ng assistant pero ng makita nyang si Eunice ito, nagulat sya.

"Diba high school ka pa lang?"

"Opo teacher Claire. Grade 10 po ako!"

"Bakit ka pinadala dito?"

"Gusto ko po kasing ma experience kung paano magturo, pwede po ba, Teacher Claire?"

Syempre nung una ay nayayamot si Teacher Claire dahil wala syang magawa ng sabihin sa kanyang may mag aassist sa kanya, pero ng nagtagal paupo upo na lang ito sa isang sulok at iniwan na ang lahat kay Eunice.

Wala naman reklamo si Eunice, masaya pa nga ito sa ginagawa nya at masaya rin ang mga batang tinuturuan nya, pa lang silang naglalaro.

Kaya after a month na tinuturuan nya ang mga bata, marunong na silang lahat magbasa at magsulat. Marunong na rin silang mag add.

Syempre super saya si Teacher Claire dahil ang tataas ng grades ng mga estudyante nya.

Pero hindi inaasahan ni Eunice na sa pagtuturo nyang yun magiging close sya sa mga bata dahil may madidiscover syang isang bagay na magdadala sa kanya at sa kapatid nya sa kapahamakan.

Hindi na nila inisip ang mga bagahe.