Nagising si Jeremy ng maramdaman ang malamig na tubig sa buo nyang katawan at tila nahimasmasan ito.
"Ano? Gising ka na?"
Tanong ni Ames na ikinagulat ni Jeremy.
'Pamilyar ang boses na yun, parang boses ni Tita Ames!'
Tinitigan nya ang nagsalita.
"Nanaginip ba ako? Si Tita Ames ba itong nakatayo sa harap ko?"
Pinitik ni Ames ang noo ni Jeremy.
"Aray!"
"Masakit ba?"
At inulit nito ang pitik para magising na sya ng tuluyan
"Tita Ames?"
"Tita Ames!"
"TITA AMES! Huhuhuhu!"
Tumayo ito at inakap ng mahigpit si Ames.
"WAAAAH! Tita ko! Tita Ames ko!"
Parang bata itong umatungal, hindi inaalis ang pagkakaakap sa Tita Ames nya.
"Jusko, ano bang gagawin ko sa batang ito?"
Hindi sya namroblema sa mga anak nya ng ganito kaya hindi nya alam ang gagawin nya.
Hinayaan nyang umatungal ito ng umatungal at ng napagod ay tumahan din pero hindi umalis sa pagkakaakap sa kanya.
"Jeremy okey ka na ba?"
Tumango ito.
"Pwede bang bitiwan mo na ako at basang basa na ako! Giniginaw na rin ako!"
Umiling iling ito.
Natatakot syang pag binitiwan nya ang Tita Ames nya, maglaho ito na parang bula at saka nya malalaman na panaginip lang pala ang lahat.
Napipikon na si Ames kaya binatukan na nya ang pamangkin at saka hinampas hampas para makawala na sya sa pagkaka akap nito.
"Magbihis ka na! BILIS!"
Dinala nya si Jeremy sa isang restaurant para kumain.
"Jeremy, alam ko na ang lahat ng pinag gagawa mo dito! Obviously hindi ka na pwedeng magpatuloy sa Harvard dahil lahat ng grades mo bagsak! Kaya anong plano mo ngayon?"
"Po? Ano pong ibig nyong sabihin Tita?"
Nagulat si Jeremy sa sinabi ng Tita nya.
"Teka, huwag mong sabihin sa akin na hindi mo alam na nakickout ka na sa Harvard?"
"Na kick out ako ..... sa Harvard?"
Natulala si Jeremy.
"Jusko, Jeremy! When will you grow up? Papaano mo lulusutan ito? Papaano mo ipapaliwanag ito sa Lolo mo!"
Hindi ito inaasahan ni Ames.
'Mukhang naguumpisa na syang mawala sa katinuan.'
Mas minabuti ni Ames na ipagpapabukas muna nya ang pakikipausap kay Jeremy pag wala ng alak sa sistema nito.
Saka, kailangan na nyang makausap ang Mama nitong si Elsa na walang kamalay malay sa mga pinag gagawa ng anak.
May bahay dito si Miguel, ang asawa ni Issay at hiniram muna ni Ames. Dito nya inuwi si Jeremy para makatulog ng maayos.
May hangover kasi ito.
Nang makitang natutulog na ang pamangkin, saka nya kinausap si Elsa.
"Elsa, may kasama ka ba? Kung meron pumunta ka sa lugar na walang makakaistorbo sa'yo! May mahalaga tayong paguusan, tungkol kay Jeremy!"
Kinabahan si Elsa kaya naghahanap ito na may privacy pero wala syang makita kaya nagpunta sya sa silid ng anak at nagtungo sa banyo nito at saka sya nag lock.
"Ano ba yun Ames? Pinapakaba mo ako!"
Tanong ni Elsa.
"Andito ako sa America ngayon dahil kay Jeremy! He's in trouble!"
"Huh? Anong ginagawa mo dyan? At anong nangyari sa anak ko?"
"Na kickout sya sa Harvard dahil bagsak lahat ng grades nya! Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa Papang!"
"Si Jeremy, kamusta ang anak ko?"
Nagaalalang tanong ni Elsa. Naguumpisa na syang maluha dahil sa pagaalala sa anak.
"Ayun, natulala! Mukhang ngayon lang nya nalaman na na kick out sya. Pinatulog ko muna bukas ko na kakausapin pag nasa katinuan na at wala na sya kalasingan."
"Lasing ....ang anak ko? Sigurado ka? Hindi marunong uminom ang anak ko!"
Hindi makapaniwalang bulalas ni Elsa.
"Mukhang marami kang hindi alam sa anak mo!"
"Pupunta ako dyan! Kailangan ako ng anak ko!"
"Bahala ka Elsa, pero hindi ako ang magsasabi kay Papang at baka masermunan ako nun!"
"Hindi! Ililihim ko ito sa kanya! Basta aalis ako!"
*****
"HINDI!"
Singhal ni Jeremy.
"At bakit may iba ka pa bang solusyon? Anong gusto mo, manatili dito sa America at sustentuhan ko ang mga kalokohan mo?!"
"Hoy Jeremy, wala akong planong ilubog ka sa kumunoy! Pag hinayaan kita dito para ko na rin kinusinte ang mga kalokohan mo! Kaya sa ayaw at sa gusto mo iuuwi na kita sa Pilipinas!"
Sagot ni Ames sa pamangkin.
Nagkasagutan sila ng ipilit ni Ames na kinakailangan na nyang umuwi, nainis si Jeremy kaya sinagot nito ang tiyahin.
"Basta ayaw kong umuwi! Bakit ba ang kulit nyo Tita? This is my LIFE!"
"Tinatanong kita kung anong plano mo, wala kang maisagot! Aber, ano naman ang dahilan mo at ayaw mong umuwi sa pinas?"
Hindi makaimik si Jeremy.
"Bakit wala kang maisagot! Bigyan mo ako ng magandang rason bakit ayaw mong umuwi ng pinas!"
Iritable si Jeremy, hindi alam kung paano sasagutin ang tyahin.
"Bakit po ba andami nyong tanong? Hindi ba ako pwedeng mag desisyon sa sarili ko? I'm a old enough na!"
"Old enough? Hahahaha!"
"Seryoso ka ba?"
"Jeremy, listen! Yung edad mo lang ang tumatanda ikaw, HINDI! Kung kumilos ka at magdedesisyon para kang 8 year old! Lagi ka na lang may taga ayos ng gusot mo!"
"No Tita, I'm not a child anymore, kaya ako ang magdedesisyon para sarili ko! Hindi po ako uuwi, Hindi ako pwedeng umuwi!"
"Bakit? Bakit nga hindi ka pwedeng umuwi?"
Naiinis na sya sa Tita nya. Gusto nyang umalis pero naka lock ang mga pinto, hindi sya makalabas.
Gusto nyang tumakbo, gusto nyang sumigaw.
"Dahil kay Eunice! Dahil sa Daddy ni Eunice! .....
Ayokong umuwi dahil ayaw kong malaman nila that I'm a failure.... I'm a loser!"