Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 216 - Chemistry

Chapter 216 - Chemistry

"Miss, pwede bang maki share ng table, wala na kasing bakante!"

"Uhm... may kasama kasi ako eh, pero hindi pa sila dumarating!"

Tiningnan ni Eunice ang paligid at napansin nya ngang puno ang coffee shop.

Aalis na sana ang lalaki pero..

"Sige, wala pa naman yung mga kasama ko e!"

"Thank you Miss!"

Pagdating ni Mel at Kate sa coffee shop, nagulat sila ng mapansing may lalaki sa harap ni Eunice na kanina pa nakatitig sa kanya pero hindi nya pinapansin dahil busy sya sa laptop nya.

Hindi tuloy nila alam kung lalapitan ba nila si Eunice o hindi.

"Mag order muna kaya tayo, Melabs! Hayaan muna nating mag moment yung guy!"

"Kate MyLabs, sa tingin mo ba kilala ni Sissy yung guy? Ang pogi nya ha!"

"So, ganun guy pala ang type mo!"

Sabi ni Kate na hindi maintindihan ni Mel kung nangiinis o nagseselos.

"Nagseselos ka ba? Ikaw lang ang MyLabs ko!"

Sabay halik kay Kate na ikinamula nito.

First time syang hinalikan ni Mel sa public at sa lips pa!

Ang hindi nya alam na kaya sya hinalikan ni Mel ay para tumigil na ito sa pagseselos.

"Ehem, Sir, Mam, tympers po muna! Pasensya na po sa istorbo pero kailangan ko po munang kunin ang order nyo!"

Tanong ng service crew na buong ngiti sa kanila.

"Hahaha!"

Tawa ng dalawa sa crew.

Pagkakuha ng order, saktong paalis ang nasa malapit na table ni Eunice.

Dun sila naupo.

Nagulat na lang si Eunice ng madinig ang tawanan ng dalawa sa kabilang table.

"Anong ginagawa nyo dyan? Kanina pa ba kayo?"

"Hmm mm, busy ka e, kaya hindi ka na namin inistorbo!"

Napataas ang kilay ni Eunice ng makita nya na nakaupo pa rin ang lalaki kanina at nakatitig sa kanya.

At nakangiti sya.

'Cute pala itong lalaking nakiupo!'

"Sissy sino sya? Date mo?"

Inilapit nila ang table nila sa table ni Eunice.

"Ha? Hin...."

Gustong magpaliwanag ni Eunice pero sumingit si Kate.

"Hi there I'm Kate! Cousin ko si Eunice and this is my Melabs!"

"Hi Kate! Hi Melabs ni Kate! My name is Aaron Jeremy but you can call me AJ for short!"

" A.J, hi! Mel na lang! Nice to meet you! Bakit nga pala kayo magkasama ng Sissy ko? Nag de date ba kayo?"

Natuwa si AJ sa kakulitan ng dalawa.

"Huy, ano bang pinagsasabi nyo! Hindi kami magkakilala! Nakikiupo lang sya!"

Nahihiyang suway ni Eunice pero hindi sya naiinis, nangingiti pa nga ito dahil sa kakulitan ng dalawa.

"Sorry guys, pasensya na! We really don't know each other, nakiupo lang talaga ako!"

Paliwanag ni AJ

"Ah, ganun ba hindi pa kayo magkakilala ng cousin ko!

Here! Eunice this is Aj, AJ this is Eunice! Ayan magkakilala na kayo! Hehe!"

"Hi Eunice, thank you nga pala for letting me seat sa table mo. Medyo busy ka kaya hindi ko magawang magpasalamat!"

"Don't mind it!"

Nahihiyang sagot ni Eunice.

"Well, since andito na ang mga kasama mo, I thing I'll better go!"

"Aalis ka na agad?"

Tanong ni Kate.

"Yeah, may hinahabol kasi akong teacher, medyo tagilid ako sa subject nya and I was hoping na pupunta sya dito kanina pero ...."

"Sorry guys, really have to go, nakasalalay dito ang grades ko e! It was nice meeting you guys!"

At nagmamadali na itong umalis.

"Alam mo Cuz' may chemistry kayo!"

"Oonga Sissy, kinilig ako habang pinagmamasdan kayo kanina!"

"Mga baliw! Tumayo na nga kayo dyan at kanina pa tayo inaantay ni Tita!"

"Napansin kong pareho kayo ng uniform nung guy!"

Bulong ni Mel kay Kate habang papabas sila ni coffee shop.

"Yeah, napansin ko rin. Susubukan kong alamin kung anong course nya!"

Sagot nito na pabulong din.

"Hoy kayong dalawa anong pinagbubulungan nyo dyan?"

"Wala! Sabi ko let's go at baka mapagalitan na tayo ni Tita!"

Nasa Maynila sila ngayon dahil sa gusto ni Nadine na magkaroon sila ng hands on experience sa pagma manage ng negosyo. Nakikitaan kasi nya na may leadership potential ang tatlo at gusto nyang matuto sila agad hangga't maaga.

Syempre nagmamaktol na naman si Edmund dahil gusto nya na sya ang magturo kay Eunice pero naunahan sya ni Nadine.

"Talaga yang Ate mo, lagi akong inuunahan!"

Reklamo nya sa asawa.

"Honey it was Eunice choice na matuto together with his friend ang cousin, kaya huwag ka ng magtampo! Saka basic things pa lang naman ang ituturo ni Ate Nadine sa kanila! Ikaw kasi pang professional level ka! Kaya pag andun level na si Eunice, lalapit din yan sa'yo! So cool ka lang!"

Humupa naman ang tampo ni Edmund at feeling proud matapos madinig ang sinabi ni Nicole.

'Yeah tama ang asawa ko pang pro ako! Hmm!"

'Tsk, tsk, tsk! Grabe talaga 'tong asawa ko, parang si Earl!'

*****

"Bakit ngayon lang kayo?"

Tanong ni Nadine sa tatlo.

"Kanina pa dapat nag start ang meeting pero hindi ko maumpisahan dahil wala kayo!"

"Meeting? Wrong timing po ba kami, Tita?"

Tanong ni Eunice.

"Hindi, kasama kayo sa meeting! Gusto kong obserbahan nyo lahat ng bagay na makikita nyo sa meeting! Mga kilos, galaw salita etc. Isulat nyo lahat tapos ay babasahin ko mamaya!"

Nataranta ang tatlo. Hindi nila inaasahan na ganito agad ang ipagagawa ni Nadine sa kanila. Akala nila simpleng clerical work lang kaya pumayag sila.

"Bakit ano bang akala nyo sa business, papetik petik lang? Learning continuously is the key para kayo ay maging isang magaling na negosyante!"

Pagkatapos ng meeting parang gusto ng mag back out na tatlo.

*****

Samantala.

Nang malaman ni Ames ang nangyayari kay Jeremy, agad itong nagtungo sa America na hindi pinaalam sa Papa nya at sa parents ni Jeremy

Inaasahan na nya ito knowing Jeremy's attitude na takot umalis sa kanyang comfort zone.

Siguradong nagkaroon ito ng culture shock kaya hirap mag move on. Hindi nito gusto kapag nagkakaroon ng sudden changes sa paligid nya.

Ito ang dahilan kaya makailang ulit nyang tinanong si Jeremy kung gusto ba nya talagang magaaral sa America o napipilitan lang sya dahil sa ito ang gusto ng Lolo nya.

Hindi na sya magtataka kung makaramdam sya ng sobrang pressure.

At ngayon hindi nya alam ang gagawin nya kung paano nya aayusin ang gusot ng pamangkin nya.

Pagkababa ng eroplano, dumiretso agad sya sa dormitoryo. Doon nya nadatnan si Jeremy na mahimbing na natutulog, mukhang walang planong pumasok sa school.

Nalaman nya sa kadorm nito na kauuwi lang pala nito galing sa kung saan party.

Pilit nyang ginising si Jeremy at ng hindi magising ay kinaladkad nya ito sa banyo at saka itinapat sa shower.

Nagising si Jeremy sa lamig ng tubig.

"Ano? Gising ka na ba?"

Tanong ni Ames.