Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 215 - Ano Pa Ba Ang Gusto Mo?

Chapter 215 - Ano Pa Ba Ang Gusto Mo?

Pagkatapos ng isang buwan, nag open na ang Water Refilling station nilang tatlo.

At dahil sa sipag nila, nag click naman ito sa mga tao kaya after a month, sa tulong ni Edmund, ipina registered na nila ito agad.

Nang magpasukan, si Kate, sa Maynila na naninirahan para malapit sa school nya. Uuwi na lang sya tuwing weekend para makasama si Melabs nya.

Mas lalo naman naging close sila Eunice at Louie. Nang magumpisa ang klase, marami sa mga kaklase nila ang nakakapansin na naging super close ang dalawa kaya hindi maiwasan ang mga chismisan.

"Sila na ba?"

"Siguro, super sweet eh!"

"Bagay naman sila e!"

Pero kapag tinatanong nila ang dalawa tumatanggi sila.

"Friends lang kami!"

"Weh, dinga!"

"May friends bang nagsusubuan?"

"Saka may friends bang super ang alalay kay girl?"

"Tumigil na nga kayo!"

Naiinis na suway ni Louie sa kanila pero nakangiti ito ng kaunti. Halatang nasisisyahan kapag tinutukso sila ni Eunice.

Maging si Mel ay tinatadtad na rin nila ng tanong.

"Hoy kayo, mga intrigero at intrigera, pwede ba maghanap nga kayo ng lovelife ng hindi puro yung dalawa ang napapansin nyo!"

Sabi ni Mel sa mga kaklase nya.

"Yabang naman nito! Bakit ikaw, may lovelife ka ba?"

"Huh! Oo naman, very colorful ang life ko hindi katulad nyo super dry!"

Pero hindi naniwala ang mga kaklase nya.

"Ikaw? magkaka lovelife?"

"Haaay naku, wala akong time sa inyo! Busy ako!"

Nakarating kay Jeremy ang tungkol kay Eunice at Louie.

Nag ngingitngit ito sa galit.

Sa tuwing nakakatanggap sya ng balita kay Eunice, maganda o hindi, lagi syang ganito. Affected.

Nag message sya agad kay Eunice.

[So, I've heard! Kaya pala hindi mo na ako pinagkaka abalahan coz' your busy with your boy - friend?]

~Jeremy

Nagulat si Eunice ng bigla syang nakatanggap ng message kay Jeremy.

Natuwa sya at sa wakas nag reply din! Excited nya itong binuksan pero... nasaktan sya ng mabasa nya ang message nito.

"Bakit ganun ang dating ng message nya? Bakit para nya akong sinusumbatan?"

Muli nyang binasa ang sulat at pilit inintindi pero ganun pa din ang dating. Masakit.

"Bakit ganun si Jeremy ko? Ano bang kasalanan ko sa kanya?"

Naluluha na sya sa sakit na nararamdaman.

[Excuse me Jeremy pero, many times akong nag message sa'yo pero never kang nag reply!]

(Inserted SS of last message)

[So don't be sarcastic, it's not my fault bakit hindi na ako nag message ulit, alam ko naman na very busy ka gaya ng lagi mong sinasabi. Marunong naman akong mahiya!]

~Eunice

Napahiya si Jeremy ng makita ang SS at sagot ni Eunice sa message nya.

Totoong sya ang nakalimot pero galit pa din sya. Hindi nya matanggap na nagpatuloy lang ng ganun ang buhay nya.

[Yeah you're right, very busy ako kaya, Congrats na lang]

~Jeremy

At umalis na ito, hindi na inantay ang sagot ni Eunice.

[Congrats saan?]

~Eunice

Nag antay sya ng sagot hanggang kinabukasan, pero wala.

And then she move on.

Pero hindi si Jeremy.

Laging masama ang loob nya sa tuwing may nababalitaan sya tungkol kay Eunice.

Hindi nya matanggap kung bakit masaya sila pero sya, miserable.

'Bakit parang andali nilang mag go on with their life? Bakit parang nakalimutan na nila ako?'

*****

Sa school.

Muling kinausap ni Zandro si Louie.

"Louie, bakit ka naman ganyan? Alam mong may gusto ako kay Eunice di ba? Bakit ngayon mababalitaan kong kayo na!"

"Zandro, wala kaming relasyon ni Eunice! Maniwala ka!"

"Louie sinong lolokohin mo? Sobrang close kayo ngayon, parati kayong magkasama at magkausap! At minsan may nakakita sa inyo na magkasabay pauwi, tapos sasabihin mo wala kayong rekasyon?!"

"Dahil may mahalaga kaming pinaguusapan!"

Totoong mahalaga ang pinaguusapan nila dahil tungkol ito sa business.

Nagaaral kasi si Euince ng business management at gusto nya ring matuto.

Na bo bored na si Eunice sa mga subject sa school, nabasa na nya lahat ng libro nya ngayong school year kaya naisipan nyang mag aral ng iba at ito ang sinuggest ng Tita Nadine nya.

Pero hindi naniwala si Zandro. Ramdam nyang niloloko lang sya ng kaibigan.

"Huwag mo akong lokohin dahil hindi na ako naniniwala sa'yo!"

At binigyan nya ito ng suntok.

"Ano bang kinagagalit mo Zandro? Hindi mo naman girlfriend si Eunice ah! So anong problema mo?!"

"Kung ayaw mong maniwala sa akin, bahala ka!"

At umalis na ito, iniwan si Zandro.

Pero kinabukasan, nagtataka naman si Eunice bakit sya iniiwasan ni Louie.

Pati ang nasa paligid napansin din.

"Uy, tingnan nyo yung lovebirds hindi nagpapansinan!"

"Baka may LQ!"

Nadinig ni Zandro ang usap usapan at lihim syang nangiti.

'Sa wakas, magkakaroon na ako ng pagkakataon kay Eunice! Hehe!'

Pero hindi nangyari ang pagkakataon ni Zandro dahil hindi mawala ang kaba nya sa tuwing lumalapit si Eunice sa kanya.

Minsan, sa sobrang kaba sya na mismo ang lumalayo.

***

"Oh, Zandro anong ginagawa mo dyan? Sinong sinisilip mo, si Eunice?"

Tanong ni Mel kay Zandro ng mahuli nya ito sa isang sulok ng library, palihim na may sinisilip.

"Ah, Mel, ikaw pala! Wala may hinahanap lang akong libro at hindi ko lang alam kung saan ko hahanapin!"

"Bakit hindi mo puntahan si Eunice, baka alam nya. Nabasa na nya ata lahat ng libro dito!"

"Teka, asan nga pala si Louie, bakit di kayo magkasama at bakit parang iniiwasan nya kami ni Eunice? Hindi pa naman tapos 'tong pinagaaralan namin!"

"Si Louie? Anong pinagaaralan nyo ni Louie?"

"Business Management, tinuturuan kami ni Eunice sa book keeping. Need kasi sa business!"

"Business? May business na si Louie?"

"Oo, ba't dimo alam, ikaw itong bestfriend nun?"

"Pagkatapos nyang magtinda ng fishball nung summer, nag start naman sya ng ice candy business at ayun daming nabili! Tuwang tuwa ang Mama ni Louie dahil sya ang nagtitinda, may pinagkakaabalahan sya! Asan na ba si Louie? Ilang araw na nya kaming hindi sinisipot ni Eunice!"

Hindi nakasagot si Zandro. Nagiguilty sya.

Hinanap nya si Louie at kinausap.

"Louie, bakit hindi mo sinabi sa akin na nagaaral pala kayo ni Eunice ng Business?"

"Bakit mahalaga pa ba yun, hindi ka naman naniniwala sa akin!"

"Hindi mo kasi ipinaliwanag!"

"Nagsisimula pa nga lang akong magpaliwanag sinuntok mo na ako!"

Natahimik si Zandro.

"Pwede ba Zandro, lubayan mo na ako! Hindi ko na nilalapitan at kinakausap si Eunice ano pa ba ang gusto mo?"

Naguilty ng husto si Zandro. Sya nga ang dahilan kaya hindi na kinakausap ni Louie si Eunice.

'Mas pinili nya ang pagkakaibigan namin kesa sa nararamdaman nya kay Eunice.

Samantala.

Nalaman na ni Ames ang pinaggagawa ng pamangkin nya.