"Pero..."
Nagaalinlangan si Mel.
"Puro ka naman PERO eh! Diba love mo naman ako?"
"Oo love na kita..."
"So bakit andami mo pa ring pero?! Matapos mo akong halikan hindi mo ako pananagutan!Hmp!"
Mel: "????"
Nainis na si Kate.
"Wala na itong bawian, TAYO na! Mula ngayon girlfriend mo na ako!"
Sasagot pa sana si Mel pero hinalikan na sya ni Kate.
Sa LIPS.
....at wala na rin syang nagawa, bumigay na rin si Mel. Gusto nya din naman ito kahit na... natatakot sya sa Daddy ni Kate.
At sa pagkakataong ito aminado silang dalawa na mas masarap ito kesa kanina. Nageenjoy na sila. Wala ng pakialam sa paligid nila.
KRRIIING!
Nagulat silang pareho sa pagtunog ng cellphone ni Mel.
"Sino 'to?"
Hindi nya kilala ang tumawag kaya pinatay nya at hindi pinansin.
Muli silang nagpatuloy ni Kate.
KRRIIING!
KRRIIING!
KRRIIING!
Naiinis na si Kate.
"Sino bang istorbo yan? Sagutin mo na nga!"
Naiiritang sabi ni Kate.
"Hello?"
Naiiritang sinagot ni Mel ang cellphone nya. Hindi nya kilala ang tumawag at naiistorbo ang ginagawa nilang dalawa. Nabitin tuloy sila.
"Masarap ba?"
Tanong ng nasa kabilang linya.
Nagtaka si Mel sa sinabi ng kausap nya. Parang pamilyar ang boses nito.
"Sino po ito at anong ibig sabihin sa sinabi nyo?"
Napipikong tanong ni Mel.
"Ako lang naman ang TATAY ng kahalikan mo at kitang kita ko sa cellphone ko ang ginagawa mo sa anak ko unggoy ka!"
Sagot ni Jaime na nasa kabilang linya.
"S-sir! A..ano po... Kasi po...."
Natatarantang sagot ni Mel.
"Ibigay mo kay kate ang phone, gusto ko syang makausap!"
Nagulat si Kate ng iabot ni Mel ang cellphone nito sa kanya at ng makitang putlang putla ang mukha nito.
"Bakit? Sino ba yan?"
"Daddy mo!"
"HA???!!!"
"Daddy, Hi po!"
Bati ni Kate habang kumakaway sa CCTV.
Na ikinagulat ni Mel.
'Kaya pala... jusko nakita nya .... sa cellphone nya? Ibig sabihin....'
Nagsusumiksik si Mel sa tabi. Nanginginig sa takot.
"Dinala ko lang sa ospital ang Mommy mo, nakikipaghalikan ka na dyan! Hindi ka man lang nagpakipot!"
Singhal ni Jaime sa anak.
Kitang kita nya ng biglang hinalikan ni Kate si Mel pero hindi nito nakita ang unang nangyari.
Hindi sumagot si Kate. Hindi nya alam ang sasabihin nya. Baka lalong magalit ang Daddy nya kapag sumagot sya.
"Pumunta ka dito sa ospital at isama mo yang lintek na yan!
Nanganak na ang Mommy mo at hinahanap ka!"
***
Sa ospital.
Umuusok ang ilong ni Jaime sa galit ng pumasok ito ng silid ng asawa.
"Pusta ko, si Kate ang may kagagawan kaya ganyan ang mukha mo!"
Bati ni Nadine sa nakasibangot na asawa.
Kanina, inutusan lang nya ito na tawagan si Kate para pumunta dito, ngayon lukot lukot na ang mukha pagpasok. Hindi nya maiwasan mangiti.
Si Kate lang talaga ang may kakayahang lukutin ng ganito ang mukha ng asawa.
"Yung anak mo, nahuli ko sa CCTV nakikipaghalikan sa unggoy na yun!"
Pasigaw na paliwanag ni Jaime.
"Ahhh kaya pala! Bakit ka galit sa anak mo, eh ikaw itong sira ulo, masyado kang kampante! Kung hindi mo ba naman iniwan ang anak mo at isinama mo dito di sana hindi ka nagkakaganyan! Sana hindi ka naisahan ng unggoy na tinutukoy mo!"
Pangiinis ni Nadine.
Sapul si Jaime sa sinabi ng asawa.
Kahapon pa nanggigil si Nadine sa kanya simula ng may matanggap syang envelope na naglalaman ng mga pictures nya at ng kalaguyo nya.
Matagal na pala syang ginagago ng asawa, kung nalaman nya lang ng mas maaga hindi na nya muling tinanggap ang manloloko ito.
Ito rin ang dahilan kaya sya na stress ng sobra. Inaway nya ang asawa nya kaya tumaas ang bp nya at naisugod sa ospital kaya napaanak ng mas maaga.
"Bakit ganyan ka makatingin? Mali ba ako?"
Galit na tanong ni Nadine.
Kahapon pa sya nagpapaliwanag na wala na sila ng babaeng yun at ang hindi nya anak yung bata. Inalagaan nya lang ito ng mga sandaling nandun sya.
Hindi alam ni Jaime kung sino ang nagpadala pero pinaiimbestigahan na nya ito.
"Nadine, Mahal ko, maniwala ka naman! Wala akong kinalalaman sa babaeng yan! Totoong may nangyari sa amin pero dala lang yun ng init ng katawan! Saka sya ang unang lumapit sa akin hindi ako! At yung bata, hindi ko anak yun! Maniwala ka!"
"Iisa lang ang pakay ng taong nagpadala ng mga pictures na yun at yan ang sirain tayo!"
"Matagal na tayong SIRA! At alam mo yun, dahil IKAW ang may gawa nun! Ngayon kung patuloy kang magsisinungaling sa amin huwag ka ng umasa na mabuo pa tayo!
"Nadine naman! Habambuhay ko bang madidinig sa'yo ang mga kasalanan ko?! Tapos na yun!"
"Tapos na? Hindi naman yan ang issue dito e! Ke tapos na yan o hindi ang tanong, nagsisisi ka man lang ba? Hindi!"
"At huwag mong idadahilan sa akin na lalaki ka, hindi porket lalaki ka may karapatan ka nang magluko!At huwag mo ring idahilan na hindi mo kasalanan 'to dahil babae ang kusang lumalapit sa'yo! Gusto mo din yan, kunwari ka pa kaya huwag kang magdahilan!"
Walang ng maisagot si Jaime. Totoo lahat ang sinabi ng asawa nya.
"Ramdam kong umpisa pa lang ito, kaya please, patawarin mo na ako! Alang alang man lang sa mga anak natin!"
"So ibig sabihin marami ka pang naging babae? Ang kapal ng mukha mo?!"
"Hoy Jaime, kung inaakala mong hindi ko kayang gawin sa'yo ang mga kasalanan mo sa akin, nagkakamali ka!"
"Hanggang kelan ba ako hihingi ng tawad sa'yo asawa ko?"
"Hangga't hindi ka nagbabago."
*****
Samantala.
Sa San Roque.
Sakay ng golf cart, ipinasyal ni Eunice si Louie sa paligid ng mansyon.
Hindi akalain ni Louie na napakalaki pala nito, pero ang ipinagtataka nya, bakit hindi man lang binabanggit ni Eunice na mayaman sila. Kung ibang tao ito, malamang iniyabang na nya ang yaman nila.
"Eunice, bakit hindi mo sinasabi na mayaman pala kayo? Ang alam ng lahat sa school umaasa ka lang sa scholarship!"
"Wala naman akong scholarship! Education plan na nasa name ko meron!"
Sagot ni Eunice.
"Saka, hindi naman ako mayaman kundi yung tatay ko!"
"Kahit na pareho din yun! Ang pera ng tatay mo ay pera mo na din!"
"Nope! Hindi kami ganun pinalaki ng Nanay Issay ko! Sabi nya huwag daw kaming aasa sa pera ng family, dapat daw kaming matutuong kumita ng magisa para matuto daw kaming mag manage ng money!"
"Yan ba ang dahilan kaya nagtinda kayo ng fishball nung summer!"
"Yes!"
"Hindi ka nahihiya?"
"Bakit ako mahihiya? Hindi naman masama at illegal ang ginagawa ko! And it's a good experience!"
'Wow, ang galing nya!'
"Uhm, Eunice, galit ba sa akin ang Daddy mo?"
"Hahaha! Hindi, ganun lang talaga si Daddy. Bakit mo natanong, dahil ba sa masamang tingin nya kanina?"
"Uhm... kasi kanina pa sya nakasunod sa atin at parang gusto nya akong kainin ng buhay!"