Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 212 - Stop Pretending

Chapter 212 - Stop Pretending

Alam ni Eunice na kanina pa nakasunod sa kanila ang ama at wala syang magagawa dito.

"Huwag kang magaalala sa Daddy ko hindi yan kumakain ng tao!"

"Ms. Panda girl, ganyan din ba ang Daddy mo kay Jeremy at kay Mel?"

"Kay Jeremy, OO, pero kay Mel, HINDI!"

Hindi na muling nagtanong si Louie tungkol kay Edmund, inenjoy na lang nya ang moment with Eunice habang naglalakad sila sa hardin.

"Ehem!"

Nagulat ang dalawa ng makita nila nasa likod na pala nila si Edmund.

"Dad, bakit po?"

"Eunice, malapit ng mag gabi, pauwiin mo na ang bisita mo at maaga tayo aalis?"

Sabi ni Edmund.

Tumalikod na ito at iniwan ang dalawa na hindi na inantay ang sagot.

"Aalis pala kayo?"

"Oo, pupunta kami sa Uncle ko, birthday nya kasi, saka reunion ng family!"

Saka lang may naalala si Louie. Hindi nya kabisado ang paguwi at hindi nya sigurado kung kasya pa ang pamasahe nya.

'Anong gagawin ko? Alangan naman makitulog ako dito sa bahay nila Eunice? Nakakahiya namang sumama sa pupuntahan nila!'

"Louie, bakit, anong problema?"

Tanong ni Eunice ng mapansin nitong parang may gusto syang sabihin.

"Uhm... wala naman... Saan ba ang punta nyo, malayo ba dito yun?"

"Oo, sa kabilang bayan, mga 2 hours din ang byahe, kaya kailangan maaga kami!"

"Ganun ba, mukhang kailangan ko na palang umuwi!"

'Pero paano ako uuwi?'

'Akala ko pa naman pwede akong makitulog dito, kahit sa guard house pwede na!'

Kinakabahan na si Louie, hindi nya kabisado ang lugar na ito. Natatakot syang baka maligaw sya o baka mapano pa sya kapag lumakad ng magisa, pero di nya masabi kay Eunice.

"Louie, okey ka lang ba? Para kasing may gumugulo sa'yo! May gusto ka bang sabihin!"

Tanong ni Eunice habang naglalakad sila pabalik sa golf cart na sinakyan nila kanina.

"Uhm, kasi Ms. Panda, Eunice...."

Napakamot sa ulo si Louie.

"Kasi... kasi ano eh..."

Nakarating na sila sa golf cart pero hindi pa rin masabi ni Louie ang gusto nyang sabihin.

"Pwede ba Louie sabihin mo na at baka bumalik pa dito si Daddy!"

"Eunice, pwede ba akong.... mangutang?"

Eunice: "....."

Akala nya nagbibiro si Louie.

Tiningnan nya ito na may pagdududa.

Medyo napahiya si Louie sa reaction ni Eunice.

"Oh, seryoso ka? Akala ko nagbibiro ka lang!"

Tanong ni Eunice.

Napahiya man, kinapalan na nya ang mukha nya at baka sa kalye sya matulog.

Pinautang naman sya ni Eunice pero pagdating sa mansyon tinanong sya ni Nicole kung saan sya tumutuloy.

"Ano? Sa Zamora ka galing? Ang layo naman! Paano ka nakarating dito?"

"Sumakay po!"

Gustong batukan ni Nicole si Louie sa pagka pilosopo nito pero pinigilan nya. Siguro ay hindi nito naintindihan ang tanong nya.

"Buti pa ihatid ka na namin at baka kung ano pa ang mangyari sa yong bata ka!"

Kaya kahit na nagpoprotesta ang kalooban ni Edmund, wala syang nagawa.

Habang nakaupo at nagaantay sa sofa, nilapitan sya ni Earl.

"Kuya Louie, nanliligaw ka ba sa Ate ko?"

"Ha? a... e.... bakit mo naman natanong?"

"Coz your calling her Panda!"

Louie: "???"

"I know how adorable and amazing my Ate is! So stop pretending!"

Louie: "...."

*****

Sa San Miguel.

Matagal ng alam ni Mel na may pusong babae sya, pero iisa lang ang may alam nito. Si Eunice at ngayon si Kate.

Kahit na ang iba ay may hinala sa pagkatao nya, hindi nya ito binibigyang pansin.

Kaya minsan hindi maiwasan ni Carl, ang Papa ni Mel na magduda sa anak. Kinakabahan ito lalo na pag kumekendeng si Mel.

"Bakit pinayagan mong umalis yung anak mo? Baka hindi rin papasukin yun sa Little Manor?"

Nagaalalang tanong ni Carl.

"Iba naman si Mel, iba sya kay Tina! Best friend nya si Eunice at mabait sila Nicole sa kanya! Saka sa bahay ni Jaime pupunta yun, dadalawin yung anak nyang si Kate!"

"Close din yung anak ni Jaime kay Mel?"

"Oo! Bakit ba andami mong tanong?"

Nakukulitang tanong ni Carla sa asawa.

"Napapansin ko kasi, bakit puro babae ang ka close ni Mel, bakla ba ang anak mo?"

Napataas ang kilay ni Carla. May pakiramdam din syang baka nga pusong babae ito, pero walang syang pakialam. Anak nya si Mel. Period!

"Anong problema mo?"

"Wala, nagtatanong lang! Kinakabahan kasi ako, junior ko yan! Lammo na!"

"So, e ano ngayon? Totoo man yun o hindi, wala akong pakialam! Anak ko sya! Saka, kumpara mo sa'yo, mas masasabi pang tunay na lalaki yang anak mo dahil hindi sya takot sa responsibilidad, hindi kagaya mong naputol lang ang paa akala mo end of the world na!"

Napahiya si Carl. Tumahimik na lang si Carl.

Hindi man tinumbok ng asawa nya ang totoo ang ibig sabihin lang nito na kumpara kay Mel mas matapang ang anak nya sa kanya. Hindi katulad nyang duwag sa responsibilidad. Napahamak tuloy ang pamilya nya sa kaduwagan nya.

KRRIIING!

Buti na lang tumunog ang cellphone ni Carl.

"Hello?"

"Pa! Papa, si Mel po ito!"

"Bakit anak!"

"Papa, may problema po kasi ako. Pwede po ba kayong pumunta sa ospital para kausapin si Sir Jaime?"

"Sa ospital? Bakit anong nangyari?"

"E, may ginawa po kasi akong kasalanan kay Sir Jaime! Sige na po, magpunta na po kayo dun ngayon!"

Pakiusap ni Mel.

Ramdam ni Carl ang takot ng anak ng kausap nya ito kaya agad na umalis at nagtungo sa ospital.

***

Sa ospital.

Sa lobby pa lang nakita na nila Kate at Mel Si Jaime. Nagaabang.

"Mabuti at narito na kayo! Kate, umakyat ka na sa taas, kanina ka pa inaantay ng Mommy mo!"

Kausap nito kay Kate pero hindi inaalis ang tingin kay Mel.

"Good afternoon po Sir!"

Bati ni Mel.

"Let's go Melabs!"

Hinawakan nya si Mel sa kamay para isama sa taas pero pinigilan sya ni Jaime.

"Ikaw lang ang pinaaakyat ko sa taas. Dito muna si Mel, may kailangan kaming pagusapan!"

"Si..sige na Kate... MyLabs, susunod ako, promise!"

"Okey, Pero Dad please huwag nyo pong takutin si Melabs ko!"

"Hindi ko naman sya tinatakot, sabi ko maguusap lang kami. Diba Mel!"

"Opo Sir, maguusap lang tayo! Hehe! Sige Kate okey lang ako dito kasama ang Daddy mo! Akyat ka na sa taas baka inaantay ka na ni Tita!"

Ayaw man iwan ni Kate si Mel, kailangan na nyang umakyat. Nag pray na lang sya na sana dumating agad ang Papa ni Mel.

Nang mawala na sa paningin ni Jaime ang anak, agad na binitbit nito si Mel sa labas.

"Hoy unggoy ka, ang lakas ng loob mong halikan ang anak ko! Minamaliit mo ba ako, HA?!"

"Hi ...hindi po S_sir! So..so..rry po!"

Nauutal na sagot ni Mel.

"Lintek kang unggoy ka, ano bang plano mo sa anak ko? Huwag mong mabalak balak na lokohin ang anak at ibiitin kita ng patiwarik!"

Nanggigil na si Jaime sa kanya gusto na nyang suntukin si Mel, pero alam nyang pagnalaman ito ng asawa at anak nya, tyak na magagalit ang dalawang yun sa kanya.

"Hindi po Sir! Maniwala po kayo! Hindi ko po lolokohin ang anak nyo!"

"Jaime!"

Nagulat si Carl ng makita si Jaime na hawak hawak nito ang kwelyo ng anak, parang galit at gusto itong suntukin.

Nahimasmasan si Mel ng kaunti. Maiihi na sya sa takot na nararamdaman.

"Carl! Anong ginagawa mo dito?"

Tanong nya kay Carl pero hindi tinatanggal ang pagkakahawak sa kwelyo ni Mel.

"Anong ginagawa mo sa anak ko? Ano bang kasalanan nya? Pwede bang pagusapan natin, Pare!"

Saka lang napansin ni Jaime na hawak pa pala nito sa kwelyo si Mel. Namumutla sa takot.

"Carl, itong lintek na anak mo, nakipag lipstulips sa anak ko!"

"Ha? Pakiulit nga?"

Hindi makapaniwala si Carl.

"Pareng Carl naman, bingi ka ba?"

"Hindi naman pareng Jaime! Hehe!

Gusto ko lang madinig ulit ang sinabi mo!"

"Sabi ko, yang anak mo nakipag lipstulips sa anak kong si Kate!"

Mataas ang boses na inulit ni Jaime para madinig ng kaibigan.

"Talaga pare? Hahaha!"

Masayang masaya itong inakap ang anak na si Mel.

"Huy, Teka! Bakit masaya ka pa?"

"Ahh... wala pare! Huwag kang magalala pagsasabihan ko ito paguwi ng bahay. Gusto mo gugulpihin ko pa!"

Hinarap nya si Mel.

"Mel, ano pang tinatayo mo dyan, mag sorry ka sa Tito Jaime tapos ay sundan mo na si Kate at baka umiiyak na yun sa ginawa mo!"

"Opo Papa! Sorry po ulit Sir Jaime, promise hindi ko na po ulit uulitin yun sa bahay nyo! Sige po!"

At tumakbo na ito.