Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 205 - Bakit Ba Kayo Nakikialam?

Chapter 205 - Bakit Ba Kayo Nakikialam?

Little Manor ang pinangalan ni Issay sa haciendang ito. Akala ng mga taga labas ay isa itong exclusive subdivision for the rich and super famous, pero ang totoo isa itong hacienda na may tatlong bahay sa loob.

Ang haciendang ito ay isa sa mga pagaaring lupain ng asawa ni Issay na si Miguel at binili naman ni Ames, ni Nicole at Nadine ang ibang parte nito.

Katunayan, ang buong probinsya ng San Miguel ay pagaari ni Miguel na minana nya sa Lolo nya.

Nang magpatayo ng bahay si Ames, sumunod ang magkapatid. Pero mas gusto nilang maging secure ang paligid kaya binili naman ni Edmund ang harapang part at pinabakuran nya ng mataas para hindi nakikita ng nasa labas.

Tapos ay pinalagyan ni Miguel ng gate na mataas at nilagyan din nya ng mga loyal na tauhan para mas secured sila, at pinangalanan ito ni Issay na "Munting Tahanan" na sa huli ay naging Little Manor.

Kaya lima lang ang may ari ng lupa sa loob ng hacienda, si Issay na binigay ng asawa nya, si Ames na pinatayuan ng bahay at binigay sa tatay nya, ang magkapatid na si Nadine at Nicole na may bahay din, at si Edmund.

Ang kay Edmund ang pinaka malaking part sa lahat dahil simula iyon sa gate ng hacienda.

May mga gym, park at iba pang amenities sa loob ng malaking compound na ito para hindi na nila kailangan lumabas. Pero very strict ang security ng Little Manor, hindi madaling makapasok ang sinuman kahit na bisita ka.

Kaya kung hindi pumayag ang may ari hindi ka pwedeng pumasok o kung may mag ban sa iyo, mas lalong hindi ka pwedeng pumasok gaya ng nangyari kay Jaime. Matagal bago sya pinayagang makapasok ulit dito.

At ang mga staff na nasa loob ay mga loyal na tauhan ni Miguel kaya wala ni isa na taga San Miguel ang nakakapasok dito at nakakaalam ng itsura ng nasa loob.

Kaya maswerte ang magkakapatid na Mel, Tina at Ian.

"Pare, tingnan mo ang mga picture nung bahay ng Tina, grabe mukhang palasyo ang laki!"

Sabi ng isang lalaki na nasa computer.

Ito ang unang beses na may naglabas ng picture ng isang bahay sa loob ng Little Manor sa internet.

"Mukhang moderno ang security sa loob ng subdivision kaya mas tama lang na sa labas natin abangan yung Tina!"

"Basta, maghanda na kayo! Kabisado na natin ang mga ginagawa nung Tina, oras na para kumilos!"

"Sisiw lang 'to mga 'pre!"

*****

"Nanay Issay, pwede pong magtanong?"

Tanong ni Eunice kay sa Lola Issay nya.

Nakasanayan na ng mga bata na tawagin syang Nanay Issay dahil ito ang nadidinig nilang tawag sa kanya.

"Ano ba yun bunsoy ko, tungkol ba sa hawak mo?"

Tanong ni Issay sa kanya ng makita ang hawak nyang ipit.

"Kasi po, hindi ko po sya maintindihan! Pagka po kaming dalawa lang ang bait nya sa akin tapos pag may ibang tao ang suplado!"

"Lalaki ang pinaguusapan natin, iha?"

"Opo, Nanay Issay, si Louie po, classmate ko! Kasi masaya kaming naguusap tapos binigay nya ito sa akin at natuwa ako at nagpasalamat, tapos .... biglang dumating si Zandro, yung isa pa pong classmate ko. Nang makita nyang padating si Zandro, bigla po akong tinulak!"

"Uy, mukhang may manliligaw na ang bunsoy ko ah!"

"Po?! Hindi po nanliligaw sa akin si Louie! Lagi nga po akong iniinis nun! Ang tawag nya nga po sa akin PANDA!"

"Ate Eunice, who's calling you that? Tell me!"

Tanong ng nakasibangot na si Earl.

"Bakit anong gagawin mo, pag nalaman mo? Sasapakin mo ba?"

"Nope! Violence is bad, sabi ni Daddy! I'll just ask the person why, kasi hindi ka nya dapat tinatawag na panda basta basta! I don't like it!"

Na touch si Eunice sa sagot ni Earl ng mga 5 seconds.

".... kasi, ako lang ang dapat tumatawag sa'yo ng ganun!"

Dugtong ni Earl.

Nabwisit si Eunice at binato sya ng throw pillow.

"Tama na yan, baka magkasakitan pa kayo!"

Awat ni Issay.

".... at ikaw naman bunso, Earl, bakit mo naman tinatawag na panda ang ate mo?"

Lumapit ito kay Issay at saka bumulong.

"Nanay Issay, don't tell Ate Eunice, but I love to call her panda because she's so adorable and I always want to hug her po!"

Nangiti si Issay.

"Okey sige secret lang natin yun, promise!"

Gustong magtanong ni Eunice sa secret nila pero biglang sumulpot si Tina na kanina pa sila pinanunuod sa pagkukulitan at naupo rin sa sofa at tumabi kay Eunice.

Napansin nito ang ipit na nasa tabi ng inuupan ni Eunice at kinuha nya.

"Ang ganda naman ng ipit na'to, sa'yo ba ito Ate Eunice?"

Tanong ni Tina.

"Yes, bigay ng isang friend!"

"Pwede ko bang mahiram?"

At isinuot nito sa buhok nya na hindi na inantay ang sagot ni Eunice.

"Sorry Tina pero, hindi pwede eh! Kasi baka hanapin yan sa akin ng nagbigay."

"Uhm, ganun ba?"

At inalis ito ng may halong pagkainis saka inilapag sa tabi ni Eunice na parang nagdadabog.

Nagsalubong ang kilay ni Issay ng makita ang naging asal ni Tina.

"Tina, nasaan ang Kuya mong si Mel?"

Tanong ni Nicole na kakapasok pa lang at hawak ang phone.

"Bakit po, Tita?"

Nainis si Nicole sa sagot ni Tina na patanong. Obviously hindi nito alam kung nasaan ang kapatid kaya binalingan nya si Eunice.

"Eunice nasaan ang kaibigan mo?"

Nakakunot ang ulo ng Mommy nya, alam ni Eunice na mainit ang ulo nito.

"Nasa kabila po!"

Sabay dial sa phone na hawak nya at tinawagan si Kate para kausapin si Mel.

"Tita Nicole, alam ko na po, nagpapaalam lang po ako kay Kate!"

Sagot ni Mel sa kanya.

"Good! Ako na lang ang magsasabi sa kapatid mo!"

At binaba na nito ang phone.

"Tina, iuuwi ko na kayo ng Kuya Mel mo sa bahay nyo! Kaya ayusin mo na ang mga gamit mo!"

"HA?! Pero... hindi pa naman Friday ah! Bakit po, biglaan?"

Natatarantang tanong ni Tina.

Makailang linggo na nyang tinatakasan ang pagpunta sa bahay nila tuwing biyernes at nagagawa naman nya ito. Kaya nga lang kinabukasan ng sabado ay ipinahahatid pa rin sya sa bahay nila sa isa sa mga tauhan ni Edmund.

Pero ngayon ay may bago syang plano. Magsasakit sakitan sya para hindi sya makauwi ng bahay nila.

Kaya paano nya matatanggap na pauuwiin sya ng mas maaga?

Ang hindi naintindihan ni Tina ay hindi lang ito temporary, kundi for good na.

Kailangan na nilang umuwi kaya nagpunta si Mel sa kabila para magpaalam na kay Kate.

Alam ni Nicole ang mga ginagawa ni Tina at hinahayaan lang nya ito. Ang hindi alam ni Tina ay nakaplano na ang pagbabalik nila sa bahay nila at ngayon na yun.

"Bukas, pupunta kami ng San Roque at magtatagal kami dun!"

Sagot sa kanya ni Nicole.

"Pupunta kayong San Roque? Talaga? Sama ako!"

Namimilog ang mga matang sabi ni Tina.

"Hindi pwede!"

Si Issay ang sumagot.

Naiinis si Tina dito kay Issay dahil lagi syang sinisita nito.

'Hmp! Kala mo naman sya kausap ko!'

"Tita Nicole, sige na po, isama nyo na ako!"

Pangungulit nito.

"Pasensya na Tina pero hindi talaga pwede, malayo kasi yun at hindi alam ng parents mo!"

"E, bakit dun sa Zurgau isinama nyo ako?"

"Tina kasama nun ang Mama mo, kaya nakasama namin kayo! Iba ngayon!"

"Madali naman magpaalam sa Mama kung gugustuhin nyo, pero obvious naman ayaw nyo!"

"Buti alam mo! Hindi ka talaga pwedeng sumama kahit maglupasay ka pa dyan dahil para sa angkan lang ng Perdigoñez yun at hindi ka isang Perdigoñez!"

Mataray na sagot ni Issay.

"Hmp! Bakit ba kayo nakikialam?"

Sabay talikod nito at patakbong umakyat sa silid.

"Aba't...."