Walang nagawa si Tina. Gaya ng sinabi ni Issay, kahit na anong gawin nitong paglulupasay, tuloy pa rin ang paguwi nila.
Totoong kailangan umuwi ng family ni Edmund sa San Roque dahil may family reunion sila at dahil duon din nakatira si Issay, sasabay na rin sya sa paguwi. Na mimiss na nya ang asawa nya.
Kanina, matapos kausapin ni Nicole si Tina, padabog itong umakyat sa taas.
Hindi nya ito inaasahan.
"Bakit parang pinagkakaisahan nila ako?"
"Ate Tina, what's your problem, bakit ang rude mo kay Nanay Issay?"
Nakakunot ang noong sabi ni Earl.
Sumunod ito kay Eunice sa pagakyat. Hindi rin kasi nito nagustuhan ang inasal ni Tina.
"Tina, lola namin si Nanay Issay, mahal na mahal namin sya lalo na nila Mommy at Daddy kaya hindi tama na binastos mo sya!"
Sabi ni Eunice.
"Eh kasi naman sa tuwing nakikita nya ako, lagi nya akong sinisita! Nakakainis na!"
Katwiran ni Tina.
"Hindi ka sisitahin ni Nanay Issay kung wala syang maling nakikita sa'yo!"
Sagot ni Eunice
"Lahat naman kasi ng gawin ko mali sa paningin nya e!"
Napipikon na si Eunice sa mga sagot ni Tina.
"Tina, baka nakakalimutan mo, bisita ka LANG dito! Kaya diba dapat lang marunong kang lumugar?"
Mataray na sagot ni Eunice. Wala na syang pakialam kung kapatid nito ang bestfriend nya.
Naiilang si Tina sa matatalim na tingin ni Eunice pero hindi sya nakakaramdam ng hiya. Hindi nya pinagsisihan ang ginawa nya.
Umiwas sya ng tingin.
"Bakit ako lang ang dapat lumugar? Bisita lang din naman si Nanay Issay nyo dito ah!"
"She is not just a visitor! She's my Lola, my family! And what you did is bad and I don't like it!"
Galit na sambit ni Earl.
"Earl, Eunice, tama na yan! Tina ayusin mo na ang gamit mo at ipahahatid ko na kayo!"
Nakaramdam ng takot si Tina. Hindi sya makakapayag na paalisin sya dito, kailangan makagawa sya ng paraan.
"Tita, Tita please, pwede po bang bukas na lang? Gabi na po kasi!"
Pagmamakaawa ni Tina
"No Mommy! Huwag po kayong pumayag! She's so rude po at inaaway nya pa si Nanay Issay! I don't like her here na! Okey lang po si Kuya Mel to come here or Ian but her? NO!"
Sabi ni Earl.
"Earl, sorry na! Hindi ko naman sinasadya yung pagsagot ko kanina! Sige na pagbigyan mo na ako kahit hanggang bukas na lang! Please!"
"NO!"
At lumabas na ito ng silid. Galit.
"Tina, sige na magimpake ka na!"
Mahinahon sabi ni Nicole kay Tina pero hindi maitago sa mga mata nito ang pagkadismaya.
Nagmakaawa si Tina kay Nicole, pero hindi na sya pinansin nito.
Tumalikod na ito at isinama si Eunice. Pag labas ng magina sa guest room nakita nilang padating si Edmund. Nakita din sya ni Tina at agad na tumakbo palapit dito.
"Daddy Edmund, Daddy Edmund!"
Kunwaring umiiyak si Tina at tumakbo ito para akapin si Edmund.
Pero....
Hindi sya pinansin ni Edmund.
Iniwasan nya si Tina at nilapitan ang magina saka hinalikan, tapos ay pumasok na sila sa loob ng kanilang silid at iniwan na nila si Tina ng magisa.
Nagmukhang tanga si Tina sa ginawa ni Edmund.
"Hindi! Bakit ganun? Akala ko mabait sya? Bakit ako iniwasan ni Daddy Edmund?"
Nadismayang tanong ni Tina sa sarili.
"Tina, naayos mo na ba ang mga gamit mo? Bilisan mong mag ayos, uuwi na tayo!"
Tanong ni Mel na kadadating lang, hindi nito alam ang nangyari kanina. Pinauwi lang sya ni Issay ng makita sya.
"Anong uuwi? Hindi ako uuwi Kuya! Ikaw lang ang uuwi! Nagsabi ako kay Tita Nicole na bukas na lang ako uuwi dahil gabi na!"
Pagsisinungaling nito sa kapatid.
Samantala sa Master bedroom tinawagan ni Edmund si Jaime.
"Pare may ipapakiusap ako sa'yo! Pwede bang pakihatid ang mga bata sa bahay nila!"
Si Mel at Tina ang tinutukoy nya.
Mas makakabuting si Jaime na lang ang maghatid sa dalawa kesa si Nicole.
Agad namang pumayag si Jaime. Gusto din nya kasing makilala ang mga magulang ng kinalolokohang lalaki ng anak nya.
Akala naman ni Mel totoong pumayag si Nicole na bukas na lang sya uuwi kaya inilabas na nya ang gamit nya at nagpaalam kay Eunice at sa magasawa.
Maya maya dumating si Jaime at dumiretso sa silid at sapilitang kinuha si Tina.
Nagwawala si Tina dahil ayaw nitong pumayag na umalis, kaya kinarga sya ni Jaime pababa ng bahay at isinakay sa sasakyan nya habang tumitili at sumisigaw ito.
Sinubukan pa rin ni Tina na bumaba ng kotse pero kinuha ni Jaime ang posas nya, nilagay ang isa sa kamay ni Tina at ang isa sa handle ng sasakyan.
"Mel pasensya na pero pasaway itong kapatid mo! Aalisin ko din yan pagdating ng bahay nyo!"
Tumango lang si Mel, hindi nakapagsalita sa mga nangyayari.
Pagdating ng bahay nila Mel, nagulat sya ng makita si Carl.
"Carl, pare, ikaw ang tatay ng dalawang ito?Wow small world! Hehe!"
"Mga anak mo pala itong pinatira ng hipag ko sa bahay nila!"
"Jaime, pare, kamusta? Hipag mo pala si Ms. Nicole? Small world nga!"
"Pero pare, matanong ko lang, maganda naman itong bahay mo pero bakit kailangang tumira ng mga anak mo sa bahay ng hipag ko?"
Usisa ni Jaime.
"Mahabang kwento pare! Buti pa pumasok ka at magkwentuhan tayo!"
At masaya silang nagkwentuhan habang si Tina ay pinipilit bumalik sa sasakyan ni Jaime pero hindi ito nakabukas.
Nadinig ni Tina ang tawanan sa loob at napansin nyang parang matagal ng magkakilala si Jaime at ang Papa nya, kaya lumapit sya dito para makausap.
"Tito Jaime, pwede nyo po bang kausapin si Tita Nicole para makauwi ako bukas? Kahit sa inyo muna ako tumuloy!"
"TINA!"
Nahihiyang suway ng mga magulang nya.
"Bakit, ayaw mo ba dito kasama ang family mo?"
Tanong ni Jaime kay Tina
"Ano ba Tina, hindi ka na nahiya! Pumasok ka nga sa loob ng kwarto mo!"
Singhal ni Mel sa kapatid. Kanina pa ito nagtitimpi dito kaya hinatak nya at ipinasok sa loob.
"Pare, Misis, may sasabihin sana ako sa inyo tungkol kay Tina!"
"Mel, siguraduhin mong hindi makakalabas si yang kapatid mong si Tina sa silid nya! May kailangan kaming pagusapan ni Tito Jaime mo!"
Utos ni Carla sa anak tapos ay lumapit ito sa asawa.
"Ano ba iyon, Jaime?"
Kinakabahang tanong ni Carla.
"Ang totoo nyan may gustong manloob sa Little Manor at muntik na rin ma hack ang security nito. At ng itrace nila ang pinagmulan, sa cellphone ng anak nyong si Tina nakita.
Mukhang matagal ng nag po post si Tina sa internet ng mga pics at bawat sulok ng lugar may kuha sya, lalo na ang buong bahay ng hipag ko! Buti na lang nakita nila ito agad at naagapan!"
"Nabura na rin lahat ng pinost ng anak mo! Mukhang obsess sya sa bilas kong si Edmund! May mga edited pics pa sya!"
"At dahil dito naisipan ng may ari ng hacienda na ipa ban si Tina sa Little Manor!"
"Si..sinong may ari ng hacienda?"
"Si Miguel ang asawa ni Nanay Issay!"
Si Mel, na kanina pa nakikinig sa loob ng silid ng kapatid ay nagulat ng madinig ang sinabi ni Jaime. Tapos ay tumingin sya kay Tina.
Nakanganga ito at hindi makapaniwala. Nadinig nyang lahat ang sinabi ni Jaime at sising sisi sya ngayon dahil naging bastos sya kay Issay.