Lunes.
Mayabang na pinakita ni Alicia ang mga picture ni Eunice na palihim nyang kinunan, sa mga classmates na naunang pumasok.
Paulit ulit nitong kinukwento ang mga narinig nyang usapan ni Eunice at ng lalaking kasama nito na tinatawag nyang "Daddy".
"Yan ang ka date ni tabachoy! Tingnan nyo ang itsura, gwapo diba, at mukhang rich! Yun nga lang parang matanda na yung guy!
Nakakahiya sya di ba, desperada, kahit matanda papatulan! Ngayon nyo sabihin kung hindi talaga malandi yang Eunice na yan!"
Sabay ismid na tila may kasiguraduhan ang mga pinagsasabi nya.
"Alicia, baka totoong Daddy nya yan? Tinanong mo ba?"
"Bakit naman ako magtatanong, hindi ba obvious naman, tingnan mo! May mag ama ba na ganyan kung kumilos, napaka sweet sa isa't isa, nagsusubuan pa?!"
"Anong masama dyan, Alicia? Sinusubuan din ako ng Daddy ko minsan!"
Sabi ng katabi ni Alicia
Hindi ito naintindihan ni Alicia dahil ni minsan hindi ito ginawa ng ama sa kanya.
"Eto, tingnan mo kung paano pumulupot si Eunice sa lalaking yun, ganyan ka din ba?"
Pinakita nya ang picture kung saan nakahawak si Eunice sa braso ng ama. Ito yung time na kinukulit nya ang Daddy nya na ibili sya ng shoes.
"Ganyan din ako pag may hinihiling sa Daddy ko!"
Sabi ng isa pa nilang kaklase.
Pero paano ito maiintindihan ni Alicia kung ni minsan hindi siya pinapansin ng Papa nya.
"Kahit na, hindi pa rin sila magkamukha! Tingnan nyo ang katawan ng guy, may mga muscles at walang fats at kaya gwapo na parang artista pero si Eunice... nunuknukan ng tabachoy kaya ampangit nya!"
"Sino naman yang pangit na tinutukoy mo Alicia?"
Tanong ni Zandro.
Nadinig nyang si Eunice ang pinaguusapan nila pero hindi nya narinig lahat.
"Si Eunice daw, Zandro, tingnan mo!"
Sabi ng isa sa mga boys.
At pinakita nito ang mga picture.
"Sino yan, Daddy ni Eunice?"
Tanong ni Louie.
"Daddy? Tingnan mo nga! Sa katawan na lang impossibleng maging Daddy ni Eunice yan! Saka mukhang mayaman yung guy, kaya paano nyo masasabing daddy nya baka sugar daddy?"
"ALICIA!"
"Bakit hindi ba totoo! Bakit dika magisip muna, gamitin mo ang utak mo! Mayaman ba si Eunice? Alam naman nating lahat na umaasa lang sa scholarship yun!"
"Well she deserves that scholarship, no doubt about it! Pero ang hindi ko ma take ay kung idescribe mo si Eunice na parang sobrang pangit porket chubby sya!Kapangitan ba ang pagiging mataba?!"
Singhal ni Zandro.
"Bakit galit ka sa akin? Bakit kay Louie hindi ka nagagalit? Hindi ba PANDA ang tawag nya kay Eunice?!"
"Hoy Alicia, ni minsan hindi ko sinabing pangit si Eunice! Oo PANDA ang tawag ko sa kanya pero may ibang meaning yun!"
"Saka hindi mataba ang tingin ko kay Eunice, ikaw lang ang nagiisip na mataba sya! Ang sexy kaya nya ngayon!"
Paliwanag ni Louie.
Napatingin si Zandro sa kaibigan nagtatanong ang mga mata.
'May secret crush ba ito kay Eunice?'
"Hehe!"
Ngiti na lang ang naisagot ni Louie.
Hindi nya masabi kung bakit panda ang tawag nya kay Eunice.
Bakit nga ba PANDA?
Because Eunice for Louie is..
so adorable ...
and so huggable ...
and so lovable...
and so kissable..... parang PANDA.
Nangiti na lang si Louie at sa pag ngiti nito lumitaw ang dalawang malalim na dimples nito, na matagal ng gustong mahawakan at mahalikan ni Alicia pero naiinis sya dahil ni minsan hindi sya pinapansin nito.
'Buti pa si Eunice, kahit lagi silang nagpipikunan ni Louie nabibigyan nya ito ng pansin pero sya.
'Ni hindi man lang nya ako matingnan, parang nandidiri sya sa akin! Bakit kaya?'
Pumasok sa classroom si Eunice at Mel at tumahimik ang lahat.
"Anong meron?
Wala na naman kayong magawa kundi pag chismisan ang kagadahan ni Sissy ko, ano?
Haaay naku magbago na nga kayo!"
Napa ismid si Alicia.
'Hmp! Akala mo kung sinong mabait may tinatago namang kalandian!'
Kasunod nilang dalawa, pumasok si Teacher Erica.
"Teacher can I ask something?"
Tanong ni Alicia.
Hindi pa ito nakakaupo.
"Tungkol saan, Alicia?"
"Teacher, pag po ba ang student ay napatunayan na gumagawa ng isang bagay na hindi maganda, yun pong immoral, ground po ba yun for expulsion?"
"Kung mapapatunayan ito, yes!"
Nakangiting lumapit si Alicia sa teacher at ipinakita nito ang mga picture.
"Kelan ito?"
Seryoso ang mukha ng teacher. Kinabahan tuloy ang mga students at naawang tumingin kay Eunice.
"Nun pong Friday, sa isang restaurant!"
Nakangiting tugon ni Alicia sabay tingin kay Eunice na may halong pangiinis.
"Alicia, go to the principal's office and give her this!"
Sa isang papel nakalagay ang message na: "need your attention. ASAP".
Masayang nagtungo si Alicia sa principal's office.
Sa pag alis ni Alicia lumakas ang bulungbulongan.
"Ehem!"
Tumahimik ang lahat.
"Class meron tayong gagawing activity! Ang tawag sa activity na ito is: SHOW ME YOUR FAMILY!"
"Eunice, you go first!"
Sumunod naman agad si Eunice, hinayaan sya ni Teacher Erica kung paano nya ipapakilala ang family nya sa pananaw nya.
Ginamit ni Eunice ang tv sa room para makita ng lahat.
Show daw kaya ginamit nya ang tv.
"Good day classmates and this is my family!"
"This is my irritating but cute younger brother Earl!
This is my ever so loving and caring but also super strict Mommy Nicole and lastly ...
This is my Superhero Dad, The best Dad and The super makulit na Daddy in the whole world, My super amazing DADDY EDMUND!"
"HUHHHH???!!!"
Nagtaka si Eunice, bakit ganito ang reaction nila.
Nangingiti naman si Teacher Erica kung paano nya idescribe ang family nya.
'Sayang hindi ko na irecord!'
*****
Samantala, sa napakalayong lugar.
Sa America, may isang teenager na nagmamaktol.
"Nakakainis naman, bakit ba hindi man lang nya sinasagot ang mga message ko! Hindi ba nya alam na kanina pa ako nagaantay!"
"Ano bang napakahalagang bagay ang ginagawa nya ngayon?"
Napatingin si Jeremy sa clock.
9:30 pm
"Oonga pala morning nga pala dun! Marahil nasa school sya nakikinig sa teacher."
"Bakit kasi magkaiba pa ang oras namin e!"
Pagmamaktol nito.
Hanggang ngayon kasi hindi pa sya sanay sa buhay sa amerika feeling nya nasa pinas pa sya.
Nung una, panay pa ang tawag nya kay Eunice, pero nung malaman nya kung gaano kamahal ang long distance call, message na lang at video chat.
Pero nitong huli, ng magsimula ang school nila Eunice, hindi na sila nag vi video chat puro message na lang.
"Pero andaya naman nya, ni "HA" ni "HO" di man lang sumagot! Kanina pa kayang 5 pm yung message ko, dapat nabasa na nya yun!"
Walang nagawa si Jeremy kundi titigan ang cellphone nya nagdadasal na mag message sya.
At ng 12: 20 am madaling araw, tumunog nga ito.
Tarantang binuksan nito ang CP nya.
"OK?!"
Anong OK? Ang haba ng message ko tapos okey lang isasagot nya! Hmp!"