Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 203 - Bukas Na Lang

Chapter 203 - Bukas Na Lang

"Sis, sino yung nag message, si Jeremy my friend ba?"

Tanong ni Mel sa kaibigan.

"Oo, ni re remind lang ako na mag ingat palagi!"

"Ang sweet naman ni Jeremy my friend, akalain mong everyday na lang sinasabihan ka na magingat! Wala na ba syang masabing iba? Sana man lang magkuwento naman sya sa life nya dun!"

"Hayaan mo na, busy sya sabi nya diba? Saka madaling araw na dun kaya malamang tulog na yun!"

***

Samantala, iritang irita pa rin si Jeremy sa sagot ni Eunice.

"Hmp! Kainis! Ang tagal kong nagantay tapos OK lang isasagot nya! Anong OK? Haaaay!"

Sinagot nya ang message ni Eunice, pero sa huli, hindi rin nya sinend. Naalala nyang madaling araw na ngayon, dapat tulog na sya dahil super busy sya.

"Huwag na nga, baka isipin pa nya wala akong ginagawa kundi antayin ang message nya!"

At binura na nito ang sagot nya.

"Bukas ko na lang ng umaga sasagutin, para kunwari kababasa ko lang!"

Nahiga na ito at nagtalukbong ng kumot pero hawak pa rin ang phone, puno ng pangungulilang pinagmamasdan ang huling message ni Eunice.

***

Sa Pinas.

"Sinong busy?"

Biglang pasok ni Kate.

"Si Jeremy my friend, nag message kay Sissy!"

"Loko yang Jhay na yan, bakit ikaw lang palagi ang mini message?"

"Ate Kate saan ka ng galing?"

"Sa office ni Tita Ninang! May something na nangyari!"

"Hahahaha!"

Natawa ito ng maalala ang nangyari.

"Ano ba yun myLabs?

Pwede bang mamaya ka na tumawa magkuwento ka na muna!"

Tanong ni Mel na nacurious bigla.

"Si Alicia pinarusahan ni Ms. Rowena, ayun naka face the wall! Hahahaha! Alam nyo ba kung bakit? Kasi.... Kasi... hahahaha!"

Natatawa na rin ang dalawa hindi dahil sa kwento ni Kate kundi dahil sa itsura nito na mangiyak ngiyak na sa kakatawa.

"..... kasi sinabi ni Alicia kay Tita Ninang na sugar daddy daw ni Eunice si Ninong Edmund! HAHAHAHAHA!"

"Hahahaha!"

"Sissy, alam na ba ni Ms. Rowena na anak nya si Alicia? At si Alicia, alam na rin kaya nya na si Ms. Rowena ang tunay nyang Mama?"

Napahinto sa pagtawa si Kate.

"Huh? Sure kayo? Magkamukha nga sila, so I feel na related sila, but I didn't expect na mag nanay sila, kala ko Tita nya or something!"

"Huwag kayong maingay, baka may makarinig!"

Suway ni Eunice.

Pero huli na, dahil may nakarinig nga. Si Ms. Rowena.

'Paano nila nalaman?'

*****

Sa kabilang school, sa Ames Elementary School.

Masayang nagkukwento si Tina sa mga classmates nya at so called friends nya about her weekend.

"Hindi ko naman inaasahan ang pagpunta namin sa beach! Naglambing lang ako sa Daddy ko kaya ayun, GO kami! Hehe!"

"Haaay naku buti ka pa Tina, ang saya ng weekend mo with your fam! Saan beach ba kayo nagpunta?"

"Sa batangas nga! Kasi yun ang hiniling ko sa Daddy ko! Ganun kasi talaga si Daddy Edmund lahat ng hilingin ko ibinibigay nya, kaya ayun, bigla kaming napunta sa beach!"

"Well maganda rin naman ang kinalabasan, nakapagbonding kami!"

"Wow! Ang swerte mo naman sa Daddy mo, ang gwapo na super bait pa! Ibinibigay lahat ng gusto mo!"

"Syempre, super love kaya ako ng Daddy ko!"

"May mga pics ba kayo? Patingin naman!"

Kahapon, kinulit ni Tina si Earl sa mga pics nila ng swimming. Kumuha sya ng ilang copy at inedit nya ang pics, madali naman ito basta may apps.

Pagkatapos nagselfie sya ng pics na naka bathing suit sa banyo at yun ang ginamit nya ng iedit nya ang mga pics ni Edmund kasama si Earl.

Tinanggal nya si Earl at ipinalit ang pics nya.

Hindi nya kasi maedit yung kay Eunice dahil matangkad si Eunice, mas matangkad pa ito kay Mel, kay madaling mahahalata na edit, kaya yung kay Earl ang ginamit nya.

"Eto tingnan nyo! Pero ilan lang ang kuha ko kasi masyado akong nag enjoy with Daddy ko, kaya nakalimutan kong kumuha ng maraming pic!"

('Saka mahirap mag edit ng madami kaya naka tatlo lang ang nagawa ko!')

"Wow ang pogi talaga ng Daddy mo! Saan nga ulit kayo nagpunta? Kasi parang gusto ko ring ayain si Papa this weekend, tutal tapos na naman ang exams!"

Nangiti na lang na sinagot ni Tina ang mga tanong nila habang lihim syang natutuwa dahil hindi dila nagduda sa mga pics.

Pero hindi lahat natutuwa kay Tina, meron din naiinis sa lagi nitong bukang bibig na super rich and pogi ang Daddy.

At ang mga ito ay ang dating classmates ni Tina sa section 3 na nakakaalam ng tunay na pagkatao ni Tina. Nagulat sila ng biglang naging section 1 si Tina, e hindi naman sya ang number 1 sa class nila.

Sinadya ito ni Ames. Nang bigyan nya ng scholarship si Tina, kailangan syang makapag focus sa pagaaral para tumaas ang grades nya kaya nilagay nya ito sa section 1. Gusto nyang makita ang kakayahan ni Tina.

Pero hindi iniexpect ni Ames na hindi pala sa pagaaral mag fo focus si Tina kundi sa nasa paligid nya. Karamihan kasi ng nasa section 1 rich kid but not spoiled and mga scholars kaya naka focus lahat sa pagaaral.

Hindi kasi sya makasabay sa usapan ng mga classmates nya na rich kid but not spoiled. Feeling OP sya, palagi.

Tapos ang mga scholars naman super serious, hindi nakikipagusap, nasa libro lahat ang mata. Kaya dumidistansya sya sa mga ito.

"Hmp! Nakakainis kung umasta yang Tina na yan! Lagi na lang bukambibig yung Daddy nyang mayaman!"

"Oonga kala mo kung sino, bigla lang yumaman ganun na kung umasta!"

"Sa tingin mo bakit sila biglang yumaman at napunta duon sa Little Manor subdivision na yun? Ang lalaki kaya ng bahay dun sabi ng kuya ko!"

"Baka nanalo sa lotto ang Daddy nya!"

"Baka nga! Kita mo ba ang mga pics nya, sa bahay nila ngayon? Sobrang laki at sobrang lawak ng garden, parang malaki pa sa school natin at may indoor swimming pool pa!"

"Sigurado ka ba na duon sya nakatira ngayon?"

"OO! Nung isang araw nakita namin sya papasok ng gate nung subdivision at hindi man lang sya sinita ng guard!"

"E, bakit ganun, naglalakad lang sya pauwi? Wala man lang service o sundo?"

"Hinahatid naman sya sa morning at minsan nakita ko din syang sinusundo!"

"Pero sabi nya, kung minsan daw naiinip sya sa pagaantay sa sundo nya kaya minsan naglalakad na lang sya pauwi ng magisa!"

Sa di kalayuan, hindi nila napansin na may mga tengang kanina pa nakikinig sa usapan nila.

"Pare, meron na tayong bagong project Hehe! Mukhang tiba tiba tayo nito, pag nagkataon!"

Kinabukasan, sinimulan na nilang subaybayan yung estudyanteng tinutukoy nilang Tina.

"Totoo nga sa exclusive subdivision na ito sya nakatira!"

"At magisa lang sya! Walang bodyguards!"

Kailangan na nating maplano kung paano natin kikidnapin ang batang yan! Maghanda na kayo!"

Related Books

Popular novel hashtag