Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 201 - Nagtutulogtulugan

Chapter 201 - Nagtutulogtulugan

Masayang nag de date ang mag ama sa mall. Kung meron syang gusto, may lambing nitong hinihiling sa ama.

"Daddy, gusto ko po ng bagong shoes, maliit na po yung shoes ko saka upod na kakatakbo!"

"Ambilis naman maupod nyan?"

Biro ni Edmund.

"Daddy naman, please, sige na po masakit na po kasi, saka paga na po!"

Sabay nguso ni Eunice sa paa nya.

Sa di kalayuan, nakaupo si Alicia at nadinig nya ang usapan ng mag ama.

"Si Eunice ba yun? Parang boses nya!"

Sabay lingon

Nandito sya kasama ang family nya dahil birthday ng kapatid nito at hindi nya inaasahan na narito rin si Eunice at may kasama. Isang lalaking aakalain mo ay isang modelo ang tindig. Sa ayos at kilos nito ay mahahalata mo na mayaman ang lalaki. Kahit na may kaguwapuhan ay parang ang hirap lapitan. Mukha kasing suplado.

'Sino yung kasama ni Eunice? Medyo may edad na pero mukhang mayaman! Bakit ang sweet nila? Naka pulupot pa ang mga kamay ni Eunice at nagsusubuan pa sila!'

'At ano yung pinaguusapan nilang masakit at paga?'

Nangiti si Alicia.

'Sabi ko na e, tama ako! May kalandian talaga itong tabachoy na 'to!'

Kinunan nya ng picture ng palihim ang mag ama may plano syang ipakita ito sa mga classmates nya.

'Tingnan ko lang kung ano pa ang masasabi nyo ngayon pag nakita nyo ang picture na ito! Hehe!'

*****

Linggo na ng gabi nasundo ni Nicole sila Mel. Nagaya kasing mag bonding si Jaime kaya nagtungo sila sa isang beach sa batangas at linggo na sila nakauwi. Napasarap kasi.

Inip na inip na si Tina. Kahapon pa ito inip. Nasa labas ito at excited na pagsundo ni Nicole.

Simula ng dumating itong si Tina sa bahay ay hindi na sya lumabas ng silid. Galit sya sa lahat ng tao na naroon dahil sa tingin nya mga sagabal ang mga ito sa plano nya.

Hinahatiran lang sya ng pagkain sa loob ng silid at kakainin lang sya pag nagutom.

Pagdating ni Nicole, hindi maitago ang saya ni Tina. Hindi pa humihinto ang kotse nya ay sinasalubong na sya ni Tina.

"Hello po Tita! Ready na po ako, kahapon pa po ako ready! Sabi nyo kasi susunduin nyo ako kahapon!"

May halong sumbat ang salita ni Tina na parang sinasabi nito na nangako ka tapos hindi mo tutupadin.

"Hi Tina, pasensya na kung hindi ako nakasundo, nag beach kasi kami at ngayon lang nakauwi. Hindi pa nga ako nakakapag pahinga!"

Nakangiting sabi ni Nicole pero halatang medyo nairita sa bata.

Sumibangot bigla si Tina at tila nagmamaktol ng madinig na nag beach sila at hindi sya kasama.

"Yun ba ang dahilan kaya mo kami dinala dito para di kami makasama sa beach ninyo?"

Napataas ang kilay ni Nicole.

Biglaan ang pagpunta nila ng beach at wala ito sa plano pero wala syang balak na ipaliwanag sa bata.

Dahil iyon sa pangungulit ni Jaime, malapit na kasing manganak si Nadine at gusto nitong makapag bonding ang family bago manganak ang asawa. Bawi nya ito sa mga naging atraso nya.

'Mukhang tama si Nanay Issay, kailangan maibalik na ang mga batang ito dito sa poder ng mga magulang nya sa lalong madaling panahon. Naiiga na ang manners ng batang ito!'

Nasa labas sila ng bahay at hindi pa nakakapasok dahil nga sa hinarang sya agad ni Tina.

"Ano ka ba Tina, kanina pa dumating si Tita ni hindi mo man lang pinapasok muna!"

Sabi ni Mel.

"Tita, pasensya na po kayo, pasok po!"

"Salamat Mel. Asan ang Mama mo at Papa mo?"

"Andun po sa kusina naghahanda po ng makakain!"

At sinamahan nyang pumasok si Nicole tapos ay tiningnan ng matalim ang kapatid.

Habang si Tina naman ay nainis din sa ginawa ng kuya nya.

'Hmp! Bakit ba kelangan pa nyang dalhin si Tita sa loob? Imbis na paalis na kami magtatagal pa tuloy!'

Kaya sa inis nya ay nagkusa na itong pumasok sa loob ng sasakyan at doon nagantay.

"Salamat ng marami sa'yo Ms. Nicole. Sana isang araw ay makabawi din ako sa kabutihan mo sa magiina ko!"

Buong kababaan loob na sabi ni Carl.

'Mabait naman pala itong si Carl.'

Masayang nakipag kwentuhan si Nicole sa mag asawa. Sinadya nya yun dahil alam nyang nasa loob na ng kotse si Tina at malamang inip na ito.

Maya maya na inip na ito, bumaba at pumasok sa loob ng bahay.

"Ano ba? Hindi pa ba tapos ang kwentuhan nyo?"

Inip na tanong nito pero nasa mga magulang nya ang mga mata na parang sinisisi nya ang mga ito dahil naaantala ang pagalis ni Nicole.

"TINA!"

"Hmp!"

At padabog itong bumalik ng kotse.

"Phag...pa..sen..sya..han....mo..na ... ka..ha...pon.... pa... ka... si ... sya... na...i... inip..."

"Ano Ian ready ka na bang umalis, asan ang school bag mo?"

Tanong ni Nicole sa bata.

Pero si imbis na sumagot si Ian hinarap nito ang ina at nagmamakaawa ang mga mata.

"Mama, ayaw ko na po dun. Dito na lang po ako sa inyo!"

Nakasiksik ito sa ina at naka akap.

Hindi alam ni Carla kung aamuin ba ang anak o susuwayin.

Napangiti naman si Nicole, inaasahan na nya ito.

"Ian, kung ayaw mo ng bumalik, wala naman problem! Hindi naman ako galit, saka dito naman talaga ang bahay mo! Sige mabuti pa nga dito ka na lang sa Mama mo para sumaya sya!"

"YEHEY!!!"

"Pe..ro... si.. Ti...na...?"

"Ikaw Mel?"

Nalilito si Mel. Mas gusto na rin nya dito sa bahay nila pero ang tigas ng ulo ng kapatid nyang babae.

'Ang sarap sabunutan ng malditang yun!'

"Tita, gusto ko na rin pong umuwi pero ..... hindi ko po pwedeng pabayaan si Tina!"

"Napakabait ng anak nyong ito! Laging inuuna ang iba bago ang sarili nya!"

Walang kamalay malay si Tina na sya ang pinaguusapan sa loob. Nanatili itong sumiksik sa sasakyan kahit na mainit.

"Mahirap na baka maiwan pa ako!

Sa susunod hinding hindi na ako makakapayag na ibalik nila ako dito! Gagawa ako ng paraan para hindi na muling makabalik dito!"

Maya maya binuksan na ni Nicole ang driver's seat.

"Tina aalis na tayo magpaalam ka na sa Mama at Papa mo!"

Utos ni Nicole kay Tina pag pasok nito sa kotse.

Pero hindi tumugon si Tina, pumikit ito at nagtulugtulugan.

Kita na sa mukha ni Nicole ang pagkapikon.

"Teka po Tita gigisingin ko!"

Sabi ni Mel na hiyang hiya sa inaasal ng kapatid.

"Tina, Tina, magpaalam ka muna kila Papa at Mama bago tayo umuwi!"

Pero wala pa rin, pinagpatuloy pa rin nito ang pagpapanggap nyang tulog.

Kaya ang ginawa ni Nicole ay tinawag si Carl.

"Carl, buhatin mo nga ang anak mo para makapagpaalam sa Mama nya ng maayos! Nagtutulugtulugan eh!"

Nagulat si Tina ng madinig ang sinabi ni Nicole.

'Paano nya nalaman na nagtutulugtulugan lang ako?'

Related Books

Popular novel hashtag