Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 198 - Kunwari Ka Pa

Chapter 198 - Kunwari Ka Pa

"Zandro ano ba, nangungulit ka na naman dyan!"

Napipikon na sabi ni Louie sa best friend nya.

"Alam mo naman na ikaw lang ang mahihingan ko ng tulong tungkol kay Eunice!"

Sagot ni Zandro sa kanya.

"Yung huling beses na tinulungan kita iniwan mo akong magisa! Buti na lang hindi nya nabasa yung sulat mo! Naisip mo ba kung sakaling nabasa nya yun? Tyak iisipin ng Pandang yun na patay na patay ako sa kanya!"

Iritang irita pa rin si Louie pag naalala nya yung pangyayari yun.

"Iaabot mo lang naman iyong roses sa kanya! Nilagyan ko ng name ko para malaman nyang sa akin galing!"

Ipinakita nito ang dedication kay Louie.

Roses are red

Violets are blue,

You are pink because I love you!

Zandro

"Bro, ang corny ng dedication mo! Saka hindi naman yan yung favorite flower ni Panda!"

May kutob sya na hindi ito ang favorite flower ni Eunice dahil naalala nyang minsan nung elementary sila may nagbigay sa kanya ng rose at nadinig nya na ayaw nya ang bulaklak na ito.

"Huh? Corny ba? Ano ba ang magandang dedication? Tulungan mo naman ako, Louie! Saka alam mo ba kung ano ang favorite flower nya?"

"Aba malay ko sa favorite flower ng Pandang yun! Bakit ako ang tinatanong mo hindi sya?"

Pero may kutob syang tulip yun, dahil naalala nya na yun ang binigay ni Jeremy sa kanya.

"Paano ko tatanungin si Eunice kung ano ang favorite flower nya?"

Tanong ni Zandro sa kanya.

'Etong kaibigan kong ito matalino lang sa akin ito sa academic sa ibang bagay hindi!'

"Zandro naman ang simple lang ng sagot sa tanong mo! Lumapit ka sa kanya at tanungin mo!"

"Papaano ko nga tatanungin e inaatake ako ng kaba?!"

Naiirita na itong si Louie sa kanya.

'Grabe sya! ganito ba ang ibig sabihin ng torpe?'

"Zandro kung ayaw mong tanungin si Eunice e di tanungin mo yung mga taong close sa kanya!"

Nanggigil na sa inis si Louie.

At ng makita nitong blanko pa rin si Zandro, tinuro nito si Mel.

"Halika, samahan mo ako, lapitan natin!"

Louie: "...."

Walang nagawa si Louie dahil hinatak sya ni Zandro palapit kay Mel.

"Mel, may tatanong ako sa'yo, alam mo ba kung ano ang favorite flower ni Eunice?"

Tiningnan ni Mel si Zandro tapos si Louie ng may halong pagdududa.

"Bakit nyo tinatanong, manliligaw ba kayo sa kanya?"

"Hindi ako si Louie!"

Biglang turo ni Zandro sa kaibigan na ikinainis naman nito.

'Bakit ako na naman tinuturo mo?!'

Sabi ng mga tingin ni Louie.

"Ayan na pala si Sissy!"

"Sissy, ano daw ang favorite flower mo?"

Sigaw ni Mel sa padating na kaibigan.

"Ha? Bakit? Sinong nagtatanong?"

Gulat na tanong ni Eunice.

"Silang dalawa!"

Sabay turo ni Mel kila Zandro at Louie na parehong hindi nakapagsalita sa bilis ng pangyayari.

Tiningnan ng may pagkainis ni Eunice si Louie.

"Ano na naman ba 'to Louie?! Pagtitripan mo na naman ba ako?!

Nakakainis ka na, ha! Nakakarami ka na! Pag hindi ka pa tumigil isusumbong na kita sa Mommy ko!"

Gigil na gigil sa inis na sabi ni Eunice.

Umuusok naman ang ilong ni Louie sa galit sa kaibigan. Napahamak na naman sya dahil sa katorpehan nito.

*****

Samantala.

Pagkatapos ng pitong buwan na panunuyo ni Jaime sa mga biyenan nya, nagpaalam na ito na uuwi para alagaan ang asawa.

Delikado daw kasi ang pagbubuntis nito lalo na ngayon 7 months na sya.

Mula ng magtungo ito sa Zurgau, ay hindi pa ito bumalik sa militar bagay na kinainis ng superior nyang si Coronel Reyes.

Pagkakita ni Jaime kay Kate agad itong lumapit at humingi ng tawad sa anak.

"Baby, sorry na! I'll be a good father this time! Promise!"

Matagal na nyang napatawad ang Daddy nya. Nagkausap na sila sa phone at nag video chat na rin kaya laking gulat nito ng lumuhod ang Daddy nya at nag sorry sa kanya.

Naiiyak syang tumakbo sa Daddy nya na parang bata at inakap ito.

"Miss you Daddy!"

At para itong batang sumiksik sa ama.

"Hoy Ikaw! Damuho ka! Sinong may sabi sa 'yong bumalik ka dito? Sosorry sorry ka sa anak mo tapos sa akin Hindi! Matapos mo akong buntisin!"

Singhal ni Nadine sa asawa.

Sabay hawak nito sa vase sa tabi nya at ibinato sa asawa, na inilagan naman ni Jaime.

CRASHHHH!

"Bakit ka umilag? Ayan tuloy nabasag! Alam mo ba kung gaano kamahal yan?!"

Nanggigil sa inis si Nadine.

Ang alam ni Jaime maselan ang pagbubuntis ng asawa nya pero walang nagsabi sa kanya na may pagka warfreak ang misis nya.

"Anak, dapat ba sinalo ko yung vase?"

"Yes po Daddy!"

"Dad, buti pa you get up and kiss then hug Mommy na po! Na mimiss ka na po nyan kaya sya ganyan!"

Bulong ni Kate sa Daddy nya.

Kaya agad na tumayo si Jaime at mabilis na nagtungo sa asawa habang sinasalo ang lahat ng ihagis nito sa kanya, hanggang sa makalapit ito at inakap nya ng mahigpit si Nadine saka nito hinalikan para tumigil na sa pagsasalita.

'Haaay naku, Mommy ko talaga, kunwari pa!'

At saka ito umalis at hinanap si Mel.

"Melabs andyan na ako! Gusto ko din ng KISS!"