Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 199 - Mas Kaaya Aya Syang Tingnan

Chapter 199 - Mas Kaaya Aya Syang Tingnan

Kinabukasan.

"Eunice, gusto kitang makausap!"

Harang ni Alicia sa kanya bago ito pumasok sa classroom nila.

Matagal tagal na rin na nanahimik si Alicia kaya nagulat sila ni Mel ng bigla syang harangin nito.

Tungkol ba saan Alicia?"

"Pwede ba, tigilan mo ang kalandian mo sa mga boys!"

Deretsahang Sabi nito.

Napatigil si Eunice at tiningnan ng matalim si Alicia.

"Teka lang Alicia! Ang sama naman ng tabas ng dila mo! For your information, may Jeremy na si Sissy ko kaya anong pinagsasabi mo nilalandi nya ang mga boys!"

"Hindi pa ba paglalandi ang ginagawa nya? Hindi nyo ba nakikita, halos parang mga asong nauulol kung tingnan nya yang si tabachoy na yan!"

Lalong tumalim ang tingin ni Eunice kay Alicia at pakiramdam tuloy nya nasasakal sya sa mga titig ni Eunice.

"Bakit Ms. Bitter, kasalanan ba ni Sissy ko kung mapang akit ang ganda nya? Naiinggit ka na naman ba dahil kahit na may pagka chubby ang Sissy ko natatabunan ng ganda nya ang nakakaumay mong face! Bakit hindi mo kasi subukang ngumiti baka sakaling mapansin ka din ng mga boys!"

Pagtatanggol ni Mel sa bestfriend nya.

"Hindi ako naiinggit sa kanya!"

"Pwes kung hindi ka naiinggit malamang isa sa mga boys e crush mo, pero hindi ka pinapansin dahil natatabunan ka ng kagandahan ni Eunice!"

Namula si Alicia. Totoo ang sinabi nya may crush sya sa isa sa mga boys pero deadma sya.

"Tara na Besh! Ayaw kong mag aksaya ng panahon sa mga taong sarado ang utak!"

Aya ni Eunice at lumakad na ito at nilagpasan si Alicia.

"Aba't...."

Gigil na gigil si Alicia sa pagtalikod ni Eunice sa kanya.

"Hoy Eunice, hindi pa ako tapos magsalita!"

Pero tuluyan na syang iniwan ng dalawa.

Parehong mainit ang ulo ng dalawa ng pumasok sa classroom nila.

"Hi Mel, Eunice....."

Salubong ni Zandro sa kanila.

Makikitang sabay sabay nag angat ng mukha ang lahat ng boys ng madinig na si Eunice ang dumating.

Napatigil ang dalawa.

'Totoo nga! para silang mga asong ulol kung makatingin.'

"Hoy KAYO! Huwag nyo ngang tingnan ng ganyan si Eunice!"

Saway ni Mel.

"Bakit Mel, may problema ba?"

Tanong ni Zandro.

"Oonga! Bakit ang sungit mo dyan? Bawal na bang tumingin sa kanya ngayon?"

Reklamo ni Louie sabay tingin kay Eunice mula ulo hanggang paa na may halong pangiinis.

"E, kasi po, may humarang kay Sissy ko sa labas at sinabing nilalandi nya daw kayong mga boys kaya ganyan kayo makatingin sa kanya!"

"Kelan? Kelan kayo nilandi ng Sissy ko?! Ni hindi nga yan tumutingin ng matagal sa inyo tapos sasabihin nilalandi nya kayo!"

"Sino? Sinong nagsabi nun?!"

Iritang tanong ni Zandro

Pati si Louie ay nairita rin ng madinig yun, at yung ibang mga boys medyo napahiya sa sinabi ni Mel.

Papasok nun si Alicia ng madinig nya ang tanong ni Zandro.

"Ayan si Alicia, bakit hindi sya ang tanungin nyo?"

Namula si Alicia ng makita si Zandro at Louie na nakakatitig sa kanya. Galit.

Si Eunice na sadyang naiinis ay tumalikod at umalis. Hindi nya kayang kontrolin ang sarili nya baka masapak pa nya si Alicia.

"O ayan Alicia, nasaway ko na sila! Sa susunod kasi kung kulang ka sa pansin huwag mong paginitan si Eunice, hindi nya kasalanan kung walang pumapansin sa'yo! At hindi rin kasalanan ng Sissy ko kung mas kaaya ayang syang tingnan kesa sa'yo!"

Sabi ni Mel sa kanya sabay upo sa chair nya. Gusto nyang sundan si Eunice pero mas minabuti nyang huwag na dahil ayaw nyang umabsent sa klase.

Nilapitan ni Zandro si Alicia.

"Bakit hindi mo kaya subukan tingnan ang sarili mo sa salamin, Alicia? Baka sakaling malaman mo ang dahilan kung bakit ayaw kang lapitan naming mga boys?"

"Oonga! Sino sa palagay mo ang magkakagusto sa'yo e, tumatagos ang sama ng ugali mo sa face mo!"

Sarkastikong sabi ni Louie.

"Oonga! Masyado kang reklamador, lahat na lang hinahanapan mo ng mali maliban sa'yo!"

Sabi ng isang kaklase nila.

"Pag may hindi magandang nangyayari sayo lagi mong sinisisi sa iba pero hindi mo makita ang mali sa sarili mo!"

Iritang sabi ng isa pa nilang kaklase.

Mangiyak ngiyak si Alicia.

Napahiya sya.

Gusto nyang tumakbo sa labas pero dumating na ang teacher nila.

"Go back to your seat, Alicia!"

Namumula ang buong mukha sa pagkapahiya si Alicia.

*****

Sa bahay ni Nicole.

Nagulat sya ng maabutan nya sa kusina si Issay nagluluto.

"Nanay Issay ano pong ginagawa nyo dito?"

"Nagluluto! Hindi mo ba nakikita?"

Sagot ni Issay na hindi nililingon ang anakanakan nya.

"Nanay Issay hindi po yun ang ibig kong sabihin!"

Lagi naman itong nagluluto sa kusina nya, ang pinagtataka ni Nicole ay bakit lagi syang andito na hindi naman nya ginagawa nitong mga nagdaang mga araw.

"Naintindihan ko, gusto mong malaman kung bakit ko pinakikialaman ang kusina mo!"

Nakita nya kasi kung gaano kalinis ang kusina nya ngayon.

Wala naman itong binago mas pinaganda lang nya.

'Grabe talaga ang lakas ng pakiramdam ni Nanay!'

"Pasensya ka na anak at wala akong magawa. Si Jaime na kasi ang nagaalaga sa kapatid mo!"

"Saka ... may inoobserbahan kasi ako!"

Sabay nguso ni Issay kay Tina.

Nalilito si Nicole.

"Magingat ka sa isang yun!"