Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 197 - Ayoko Na Sa Kanya

Chapter 197 - Ayoko Na Sa Kanya

Masayang masaya si Carl ng umuwi ng bahay. Malayo pa ito tinatawag na nya ang pangalan ng asawa.

"Carla! Carla! Mahal!"

"A..no bha.. bhakhit ang inghay mo?"

Naiiritang tanong ni Carla.

Nakakapagsalita na ito ng maayos kahit na mabagal at maayos na rin ang lakad nya at pangangatawan kahit medyo may kabagalan.

"Mahal, tingnan mo! Wala na akong utang! Nabayaran ko na lahat!"

Masayang pinakita ni Carl ang pinirmahan nilang kasunduan ni Diego na wala na itong pagkakautang sa kanya.

"Sa..an kha ... khumuha ... ng pam..ba..yad?"

"Pinautang ako ni Rico! Humingi sya ng tulong sa boss nya para mabayaran ko na ang lahat ng pagkakautang ko!"

"Paa..no ...mho ... ma..ba..ba ya..ran ...yan?"

"Mag tatrabaho ako ng maigi! Para mabayaran ko agad! Hindi naman ako binigyan ng deadline ng boss nya at wala ding interes! Ang sabi lang nito, kailangan on time lang ako magbayad!"

Masayang balita nya.

Pero nagtataka sya bakit imbis na masaya, malungkot pa rin ang asawa.

"Bakit Mahal, diba magandang balita ito? Dapat tayong magsaya! Malapit ng makauwi dito ang mga anak natin!"

"Wa..la ...a..kong ... ti..wa..la ... sa..yo. ...Ba..ka .... i..pa..ha..mak ... mho ... u..lit ... si..la!"

"Hindi mo ba ako mapapatawad? Matagal ko ng pinagsisihan ang ginawa ko!"

Masama ang loob ni Carl.

"Paa..no? ...Hang..ghang ... nga..yon ... ta..kot .... pa..din ....si ... Ti..na ... sa...yo!"

Nanlumo si Carl. Akala nya matatapos na itong problema nya pagnabayaran na nya si Diego, hindi nya inaasahan na ganito pala kalalim ang dinulot nyang sakit sa pamilya nya.

*****

Sa bahay ni Nicole.

Kinakausap ni Mel ang mga kapatid nya.

"Tina, Ian, hindi nyo ba na mimiss ang bahay natin?"

"Na mi miss pero ayaw kong makita si Papa!"

Sabi ni Tina.

"Ikaw, Ian?"

Nami miss ko na si Mama! Gusto ko ng umuwi."

Kita ni Mel ang pangungulila nito sa ina, kaya siguro ito nadadalas na naabutan nyang nasa tindahan kausap ang ina.

"Gusto mo ng umuwi? Paano kung ipambayad na naman tayo ni Papa sa utang nya?"

Takot na takot na sabi ni Tina.

"Pero bahay natin yun Tina, at andun ang Mama natin! Saka nakakahiya na dito kila Eunice!"

Paliwanag ni Mel.

"Pero ayaw kong makita si Papa! Huhuhu!"

Walang magawa si Mel kung di tapusin na ang usapan at baka bangungutin na naman ito mamaya sa pagtulog nya.

Kanina sa tindahan, kinausap si Mel ng Papa nya para sabihin na mababayaran na nya ang lahat ng utang nya kay Diego at may plano na syang kunin sila.

Tumango lang si Mel sa ama. Alam nyang mahihirapan syang kumbinsihin ang mga kapatid nya lalo na si Tina.

"Beshy, anong iniisip mo?"

Tanong ni Eunice sa kaibigan ng makita ito sa may terrace nila.

"Si Tina. Hindi ko alam kung papaano sya tutulungan para mawala ang takot nya!"

"Baka kailangan mag sorry ang Papa mo sa kanya!"

Nangiti si Mel.

"Ang galing mo talaga Sissy!"

At plinano ng dalawa kung papano magkakausap ang magama. Hindi nila alam na nadinig pala sila ni Ian at sinabi ito sa ate Tina nya.

"Ganun? Akala ba ni Kuya Mel mapapaalis nya ako dito? Hindi ko na gustong umalis dito! Ayoko na syang maging Papa, ayoko na sa kanya!"

Simula ng matira sila dito sa bahay ni Eunice, hinangaan na nya at inidolo si Edmund. Nakita nya kung gaano ito ka close sa mga anak nya at minsan naisip nya:

'Sana si Tito Edmund na lang ang naging Papa ko!'

Nagustuhan nya si Edmund hindi dahil sa alam nyang mayaman ito kundi dahil sa ramdam na ramdam nya kung gaano nya kamahal ang mga anak nya dahil lagi itong may oras sa kanila.

'Bakit kasi yun pa ang naging Papa ko?!'

Madalas nitong tanong sa sarili at minsan natanong din nya ito sa ina.

'Malaki naman ang bahay ni Tito Edmund. Sana ampunin na lang nya ako!'

Sa school, akala din ng ibang classmates nya na si Edmund ang Papa nya.

Minsan kasi sinundo ni Edmund si Earl dahil may lakad nila. Nakita ni Earl si Tina kaya tinawag sya ni nito.

"Ate Tina labasan nyo na?"

Tanong ni Earl.

"Oo! Bakit andito ka pa? Si Ian?"

Tanong ni Tina.

"Kanina pa umalis si Ian, pupunta daw sa Mama nyo! Susunduin ako ni Daddy kasi may date kami!"

"Date?"

"Oo date! We used to do that! Every week may father and son date kami!"

Nahili bigla si Tina. Ngayon lang nya nadinig ang bagay na yon.

"Si Ate Eunice ba at Daddy mo may father and daughter date din?"

"Oo! Every Friday ang date nila!"

Hindi na nakapagsalita si Tina.

Gusto nya rin ng father and daughter date.

"Ate Tina, pauwi ka na ba? Buti pa sabay ka na sa amin, idadaan ka namin sa gate ni Daddy!"

Nangiti si Tina. Syempre gusto nya. Palalagpasin ba nya ang pagkakataon na masakay sya sa kotse ni Edmund.

Kaya pagdating ni Edmund isinakay sya nito at ibinaba sa gate ng exclusive subdivision nila.

Pero kinabukasan, may isang classmate si Tina na lumapit sa kanya.

"Huy Tina! Ikaw ha, bakit di mo naman kinukwento na guwapo pala ng Papa mo at mukhang super rich. Nakita ko yung car na gamit nya nung sinundo ka kahapon, ANG GANDA!"

Nangingiti lang si Tina sa maling akala ng classmate nya. Nasisiyahan kasi syang marinig na Papa nya si Edmund.

Kaya hindi nito kinorek ang sinabi ng classmate nya kahit na nadinig nyang ikinuwento nito ang maling akala nito sa iba.