"HAHAHAHAHA!"
Dumadagundong ang malakas na tawa ni Carl sa kadiliman ng gabi.
Sinasabayan pa nya ng iyak ang pagtawa nya na akala mo nababaliw.
"Nawawalan na ata sa katinuan itong isang 'to!"
Naupo si Carl sa kalsada at tumawa ng tumawa habang umiiyak.
"Hoy! Huwag kang umarte dyan na parang nababaliw! Hindi mo basta basta matatakasan ang utang mo kay boss Diego!"
Tiningnan lang sya ni Carl at tumawa ulit. Wala na syang pakialam sa kung ano ang gustong gawin ng mga ito sa kanya basta hindi na nila sya mapipilit na bumalik at magsugal ulit.
Napikon ang isa sa lalaki kaya dinakma nito si Carl, hinawakan naman ni Carl ang kamay nito at kinagat.
"AAAAAHHH!"
Palahaw ng iyak ang lalaking kinagat ni Carl. Hindi nito binitiwan ang kamay nito sa pagkakakagat.
Pinagtatadyakan sya ng mga kasama nya pero hindi pa rin inalis ni Carl ang ngipin nya sa kamay ng lalaki hanggang sa matanggal na ang laman sa kamay ng lalaki.
Kinilabutan ang mga kasama nito ng makita ang duguan kamay ng kasama nila may tapyas na kagat, lalo na ng iluwa ni Carl sa kanila ang kinagat nyang laman.
Galit na galit ang lalaking kinagat kaya nilusob nito si Carl at tinadyakan ng malakas, pero wala na ulit nagtangkang humawak sa kanya.
Samantala, nasa malayo lang ang tauhan na inutusan ni Edmund na magbabantay kay Carl.
Nang makita nitong pinalibutan na si Carl tinawagan nito agad si Edmund.
Kasalukuyan nasa ospital na si Edmund at nakita nya si Reah kasama si Staff Sargent Luna.
"Officer, meron akong irereport! Yung asawa ng biktima na si Carl ay nasa sabungan ngayon at ginugulpi ng mga goons. Pwede bang paki tingnan!"
Nagdadalawang isip si Staff Sargent Luna dahil hindi pa nya nakukuha ang number ni Reah.
Pero... duty call.
"Sige Sir, puntahan ko! Sige Reah, una na ako!"
Napatingin si Edmund sa Officer tapos ay kay Reah.
Wala namang reaction si Reah ng magpaalam ito, pero iba ang pakiramdam nya sa Officer na yun.
Pagkatapos mag report ng tauhan ni Edmund, nilapitan na nito Si Carl at ang mga goons.
"ehem!"
"Ano yan? Bakit nyo pinagtulungan ang lalaking yan?"
Nagulat ang mga goons sa biglang pagsulpot nito.
Sa lugar na ito wala ni isa ang maglalakas ng loob na sitahin sila. Teretoryo ito ni Diego at mga tauhan sila ni Diego.
"Hoy Ikaw! Sino ka ba? Ang lakas ng loob mong makialam, ah!"
Gusto mo ba ng sakit ng katawan?"
"Wala kang pakialam kung ano man ang gawin namin sa lalaking ito!"
Tiningnan ng tauhan ni Edmund si Carl na may pagkadismaya, nakahandusay ito sa kalsada at saka nya ibinaling muli ang tingin sa mga goons.
"Wala rin akong pakialam kung sino kayo at kung sino ang taong ito na ginugulpi nyo. Nagtatanong lang ako!"
Hindi alam ng mga goons kung paano nila sasagutin ang lalaking kaharap nila.
'Kung wala syang pakialam, bakit sya lumapit at nagtatanong?'
"Kung wala kang pakialam, makakaalis ka na!"
Ayoko nga! Maganda ang papabas dito eh! Goons vs putol!"
"Aba't....."
'Bwisit na lalaking ito, ginawa pa kaming show!'
Ang hindi alam ng mga goons, pinapatagal lang nito ang oras hanggang sa dumating ang pulis na sinabi ni Edmund.
Nang biglang huminto ang isang patrol sa kanila.
Anong problema dito?"
Tanong ni Staff Sargent Luna sa kanila habang bumababa ng sasakyan.
Walang sumagot, nagulat ang lahat sa pagdating nya.
'Sinong malakas ang loob na tumawag ng pulis?'
Hindi sila takot sa pulis dahil may backer si Diego sa loob ng presinto. Kaya hindi sila agad umalis.
Tumingin ang Officer sa tauhan ni Edmund.
'Mukhang ito ang tinutukoy ni Sir na tauhan nya, hindi pamilyar ang mukha nya at mukhang militar ang tindig!'
"Sir Officer, huwag nyo po akong tingnan ng ganyan, nanunuod lang ako! Eto pong mga ito, pinagtulungang gulpihan itong si putol!"
"Hoy teka! Officer, kinagat ni putol na yan ang kamay ko! Tingnan mo!"
Depensa ng goons.
Ipinakita nya ang kamay nyang may langib dahil sa kagat.
"Hahahaha!"
Pumalahaw na naman ng tawa si Carl.
'Mga bwisit na mga 'to, putol talaga ang tawag sa akin!'
"Halika sumama kayo sa akin!"
Sabi ni Staff Sargent Luna.
"Teka, bakit nyo kami huhulihin?!"
Tanong ng goons
"Hindi mo ba alam na may rabbies din ang tao lalo na at nauulol kaya kailangan nyong madala sa ospital!"
Kinabahan ang lahat sa sinabi ni Officer, kaya maayos silang sumama at iniwan na si Carl.
Pag alis saka kinausap ng tauhan ni Edmund si Carl.
"Wala na sila, makakaalis ka na!"
Hindi kilala ni Carl ang lalaking ito pero nagpapasalamat sya at dumating ito. Nagkaroon sya ng pagasa.
Pinilit nyang tumayo para makauwi ng bahay at makita ang pamilya nya.
Ngunit pag dating ng bahay wala syang nadatnan. Nanlumo sya.
*****
Sa bahay na diniretso nila Edmund si Mel at ang mga kapatid nito.
"Pansamantala dito muna kayo! Bukas sasamahan ko kayo sa bahay nyo para kumuha ng mga gamit nyo. Pero sa ngayon may mga gamit dyan at damit na pwede nyong magamit!"
Sabi ni Nicole sa kanila
Dinala sila sa 2 guest room pero nahihiya si Mel kaya sinabi nitong sa isang guest room na lang silang tatlo. Ayaw din pumayag ng mga kapatid nya na magkahiwahiwalay sila.
Samantala, tumawag naman si Eunice kay Kate para ipaalam na andito si Melabs nya.