Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 192 - Sa'yo Wala!

Chapter 192 - Sa'yo Wala!

Nabalitaan na ni Kate ang nangyari kay Mel kanina pang umaga. Sinabi sa kanya ni JR.

Gusto nyang pumunta at sumunod sa ospital pero hindi sya pinayagan ng Mommy nya dahil may darating daw silang bisita.

Saka alam ni Nadine na kapag pinayagan nya itong anak nyang 'to, tyak na manlulusob na naman ito at malamang ikapahamak na naman nya.

Kaya si Kate kanina pa nagmamaktol.

'Hmp! Bwisit na mga goons na yun bakit ayaw nilang tantanan si Melabs ko at ang family nya!'

'Pag nakita ko yung mga yun, pag titirisin ko! Hmp, ang sarap nilang tirisin!'

Kaya laking tuwa nya ng tinawagan sya ni Eunice.

"Insan, ano ba? Kanina ko pa inaantay ang tawag mo! Kamusta na si Melabs ko? Okey lang ba sya, ha? Pati si Tita Carla at mga kapatid ni Melabs ko, kamusta?"

Alalang alalang tanong nito.

"Hahaha! Dahan dahan Ate Kate! Huwag kang magaalala sa Melabs mo okey naman sya! Buti pa punta ka dito at may surprise ako sa'yo! Daliiiii.....bilisan mo!"

"Teka ano na naman yan? Hindi ako pwedeng umalis! Sabi ni Mommy huwag akong aalis! Ayokong mapagalitan, ang sungit sungit pa naman nun ngayon!"

"Ate, tatawid ka lang ng bahay! Hindi magagalit si Tita sa'yo, dun ka dumaan sa likod!"

"Sige ka, pag dika nagpunta dito hindi mo makikita ang surprise mo, saka may ikukwento ako sa'yo tungkol kay Beshy! Hihihihi!"

Kinikilig na sabi ni Eunice.

"Umayos ka dyan Eunie, si Melabs ko yan! Yung future ko!"

Pero binabaan lang sya ni Eunice ng phone kaya lalo itong nainis.

"Aba't....talaga naman! Iniinis talaga ako ng pandang yun! hmp!"

Kaya lumusob sya kila Eunice na umuusok ang ilong sa inis pero deep inside gusto rin naman nyang makipagkwentuhan sa pinsan nya.

Dirediretso si Kate sa taas, sa silid ni Eunice.

"Hoy, Ikaw? Bakit mo ako binabaan ng cellphone?"

"Para magpunta ka dito!"

At nginitian sya ni Eunice na tila nangiinis.

Naiiritang nilapitan ni Kate si Eunice.

'Loko 'to pinagtitripan ako!'

Ngunit pag lapit nya kay Eunice...

"Hi myLabs!"

Biglang napahinto si Kate at napalingon sa direksyon ng pinto.

Namilog ng husto ang dalawang mata nya ng makita si Mel, nakatayo sa pinto.

"Musta?"

Sabay ngiti ni Mel kay Kate.

Nataranta si Kate hindi nya alam na narito pala si Melabs nya.

Matagal tagal na rin ng huli silang magkita dahil nagtampo sya dito pero ngayon...

Miss na miss na nya talaga si Melabs nya pero hindi nya maintindihan kung bakit sya nakakaramdam ng hiya.

Tumalikod ito kay Mel dahil ramdam nyang nagiinit ang buo nyang mukha.

Namumula na pala sya.

at napatingin sya sa pinsan nyang kinikilig pa.

Tiningnan nya ito ng matalim, hindi nya tuloy namalayan ang paglapit ni Mel sa kanya.

"MyLabs, galit ka pa ba sa akin? Sorry na! Huwag ka ng magalit sa akin, miss na miss na kita eh!"

Sabi ni Mel.

Hindi alam ni Kate ang gagawin. Naiilang kasi sya. Kaya tumayo na si Eunice at lumapit sa dalawa para hindi na mailang ang Ate Kate.

"Oonga naman Ate, tigil mo na ang pagtatampo mo dahil alam ko naman kung gaano ka nagaalala sa Melabs mo!"

"Saka sa mga oras na ito kailangan nya tayo!"

"Hindi na naman ako nagtatampo! Nabigla lang ako ng makita kita!"

Paliwanag ni Kate.

"Ows, dika nagtatampo e bakit ka biglang tumalikod sa akin?"

"Bigla ka kasing sumulpot dyan! Bakit ka nga pala andito?"

"Sabi kasi ni Mommy dito muna sila habang nagpapagaling si Tita Carla!"

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Kate.

'Finally, magiging masaya na rin ang summer ko!'

*****

Nakauwi na rin si Carl sa bahay nila.

Finally!

"Carla, Mel, Tina, Ian!"

Walang sumagot. Walang tao.

Madilim ang paligid, patay ang mga ilaw at tahimik.

Kinabahan si Carl. Naalala nya ang sinabi ng lalaki kanina, nasa ospital daw ang asawa nya.

"Jusko! Huwag naman po sanang totoo!"

Pero, hindi pa sya nakakapasok sa loob ng bahay may lumapit ng kapitbahay sa kanya.

"Carl, saan ka ba nanggaling?

Walang tao dyan sa bahay nyo, baka nasa ospital!"

"Kanina may nagpunta ritong pulis at hinahanap ka! Siya daw ang nagdala sa asawa mo sa ospital!"

Pagkarinig, agad na nagtungo si Carl sa ospital pero hindi sya nakapasok. Gabi na kasi.

"Boss, umuwi muna ho kayo at bukas na lang kayo bumalik!"

"Pero yung asawa ko kailangan kong makita, pati na ang mga anak ko!"

"Pasensya na boss, tapos na ho ang oras ng dalaw! Bukas na lang ho kayo bumalik dito! Saka maligo muna kayo para madali kayong makapasok!"

Walang nagawa si Carl, umuwi syang bigong makita ang pamilya.

Punong puno sya ng hinagpis.

"Jusko, bakit nangyayari ito sa akin? Nawala na ang pinagkakakitaan ko, pero bakit pati pamilya ko? Hindi ko makakaya 'to!"

"Sira pala ang ulo mo e! Bakit sisihin mo ang Diyos sa lahat ng nangyayaring kamalasan sa buhay mo?"

Nagulat si Carl ng madinig ang tinig na yun.

"Sino ka? At ano bang pakialam mo sa akin?"

"Sa'yo WALA! Pero sa asawa at mga anak mo MERON!"

"Nasa akin ang mga anak mo dahil sa amin sya pinagkatiwala ng asawa mo!"

....at pag hindi ka pa tumino, sisiguraduhin kong hinding hindi mo na makikita pa ang magiina mo!"