"Chief, iiwan ko na 'tong lalaking ito sa inyo, paki bantayan po sanang mabuti! Naiparating na rin ho pala ito sa director nyo! Kaya pag muling nakalabas ang taong ito....."
Hindi na tinapos ni Reah ang sinasabi nya at umalis na ito.
Naintindihan na ito ni Chief Morales. Sa koneksyon ni Ames, hindi na sya magtataka kung makarating ito sa regional director nila.
Hinabol ni Staff Sargent Luna si Reah ng lumabas ito.
"Miss Sandali!"
"Bakit Officer?"
"Humihingi ako ng pasensya sa nangyari!"
"Naiintindihan ko Officer. Wala ka naman dito dahil nasa ospital ka kanina kasama ng mga bata!"
"Kung alam ko lang na mangyayari ito, sana hindi muna ako umalis ng ospital, hindi muna kita iniwan .... at ang mga bata!"
"Huwag mo ng isipin yun Officer, nangyari na yun! Sige kailangan ko ng bumalik, inaantay na nila ng ako!"
"Uhm... may masasakyan ka ba? Gusto mo, ihatid na kita?"
"Bakit hindi ka ba busy?"
Nagtatakang tanong ni Reah.
Napakamot sa ulo si Staff Sargent Luna.
"Eh, dun din kasi ang punta ko, sa ospital, para kamustahin ang mga bata! Saka may mga kailangan din akong tanungin para sa kaso! Hehe!"
Napatango na lang si Reah.
'Ang weird ng ikinikilos ng Officer na 'to!'
Sa huli, magkasama silang nagtungo sa ospital.
*****
Hindi makatingin ng diretso si Reah kay Edmund ng harapin sya nito.
"Sir, kasalanan ko, naging pabaya ako. Sorry po! Kahit ano pong parusa tatanggapin ko!"
Hindi umimik si Edmund. May kapabayaan man si Reah alam nyang ginawa pa rin nito ang lahat para proteksyunan ang anak.
Kung tutuusin mas sinisisi nya ang sarili nya dahil naging kampante sya at hinayaan lang si Reah ng magisa.
Kung hindi agad natawagan ni Reah ang mga kasama nya marahil napahamak na ng tuluyan ang mga bata pati na ang anak nya.
Kamusta ang pasyente?"
Tanong ni Edmund
"Under observation po!"
"Since walang makakasama ang pasyente, ikaw na ang maiwan para magbantay sa kanya! Hindi pwedeng manatili dito ang mga bata!"
"Naintindihan ko po!"
Pakiramdam ni Reah, ito na marahil ang parusa nya, ang malayo sa inaalagaan nya.
Sa loob ng silid.
Naroon na ang pasyente at tapos na ang mga test para sa kanya.
Gusto nitong magsalita pero hindi nya magawa kaya umiyak na lang ng umiyak.
"Carla, tibayan mo ang loob mo! Huwag kang magaalala sa mga anak mo, ako ng bahala sa kanila! Ang isipin mo na lang ay magpagaling. Okey!"
Sabi ni Nicole sa kanya.
Tumango tango ito.
"Mama, huwag po kayong magaalala, aalagan po namin kayo!"
Nakangiting sabi ni Mel kahit naiiyak na ito habang nasa tabi ang 2 nyang kapatid at naiiyak na rin.
Pero si Carla imibis na matuwa lalong umiyak kaya nataranta ang mga bata.
"Mama, bakit po? May masakit po ba?"
"Mel, ang gusto sigurong sabihin ng Mama nyo ay mahal nya kayo at ayaw nyang magalala kayo!"
"Buti pa Mel, sumama kayo sa akin at duon muna kayo sa bahay habang nagpapagaling si Mama nyo!"
"Pero Tita, wala pong makakasama si Mama dito!"
"Meron, si Reah! Sya na muna ang magbabantay sa Mama nyo!"
Kaya walang nagawa si Mel at mga kapatid nya ng tumango si Carla. Ayaw nyang mahirapan ang mga bata sa kalagayan nya. Magpapagaling sya at pag galing nya saka nya babayaran paunti unti ang kabaitan ng pamilya ni Nicole.
*****
Dahil sa mga sinabi ni Edmund, unti unting nagsi sink in ang sinabi ni Edmund.
'Paano kung totoo lahat ang sinasabi ng lalaking yun? Paano na ang asawa ko? Paano na ang mga anak ko?'
Naisipan nyang umuwi ng bahay para malaman ang totoong nangyari sa pamilya nya.
Pero hindi pa sya nakakalayo nilapitan na agad sya ng mga tauhan ni Diego.
"Saan ka pupunta Carl?"
"Uuwi ako, kailangan kong makita ang pamilya ko!"
"Bakit? Nakalimutan mo na bang nangako ka kay Diego na babayaran mo sya pagnakabawi ka? Paano ka makakabawi kung uuwi ka?"
"Tumabi kayo! Kailangan kong puntahan ang pamilya ko!"
Pero hindi tumabi ang mga ito bagkus ay pinalibutan sya.
"Hindi nyo ako mapipigilan! Kailangan kong umuwi para makita ko at makausap ang magiina ko!"
"Pero hindi ka pwedeng umuwi, paano kung takasan mo ang utang mo?"
"Hindi ko tatakasan ang utang ko! Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay makita ang pamilya ko, kaya pakiusap, padaanin nyo ako!"
"Hindi pwede! Ang utos ni Boss Diego, hindi ka pwedeng umalis hangga't hindi mo nababayaran ang utang mo!"
Nagpupuyos ang damdamin ni Carl. Naintindihan na nya ngayon na planado lahat ang nangyari sa kanya. Nabitag sya! At ngayon ay hindi na nya alam kung papaano sya makakawala sa sitwasyon na sya din ang may gawa.
Punong puno ng pagsisisi ang nararamdaman nya ngayon.
'Kung maibabalik ko lang....'