"Sino ka?"
Naiiritang tanong ni Carl sa lalaking basta na lang sya hinablot sa gitna ng sabong.
Iritang irita sya dahil namumuro na ang tinayaan nyang manok at ramdam nyang mananalo ulit sya, pero....
PAK!"
Suntok ang sinagot ng lalaking humablot sa kanya.
Nanggigil si Carl, gustong lumaban pero hindi sya agad makatayo dahil naiwan ang saklay nya sa loob.
"Ano ba, sino ka ba? Gusto mo bang ipapulis kita sa ginawa mo?"
PAK! BHAG!
THUG! BHAG! PAK!
Kinakapos na ng paghinga si Carl dahil puno na ng dugo ang bibig nya.
"Ano bang atraso ko sa'yo?! Pwede bang pagusapan natin 'to!"
PAK!
Sunod sunod na suntok ang tinanggap nya sa lalaking ngayon lang nya nakita.
At ng mapagod ito, ibinangon nya si Carl at pasalampak na inupo sa may bangketa.
"Gusto mong malaman kung anong atraso mo sa akin? Ha?!"
Tanong nya kay Carl habang pinupunasan ng panyo ang mga kamao nyang may dugo.
Tumango si Carl.
"Nang dahil sa pagiging iresponsable mo muntik ng mapahamak ang anak ko!"
Nalilito si Carl. Hilo pa ito sa mga natamong suntok pero lalo syang nahilo sa sinasabi ng lalaking ito.
"Hindi kita maintindihan?"
"Papaano mo ako maiintindihan e sarili mo lang ang iniisip mo!
Nang dahil sa kakautang mo ginugulo ng mga tauhan ng inutangan mo ang asawa't anak mo!"
"Alam mo ba kung nasaan ang asawa mo ngayon?.... nasa ospital, inatake dahil sa lalaking naniningil sa kanila sa mga utang mo at gustong gawing pambayad ay ang mga anak mo! At dahil dun pati anak ko muntik ng madamay at mapahamak dahil sa kagaguhan mo!"
Hindi makapaniwala si Carl.
'Totoo ba ang sinasabi ng taong ito? Sino ba ito at bakit nya kilala ang pamilya ko?'
Kita ni Edmund ang pagdududa sa mukha ni Carl.
"Kung hindi ka naniniwala bakit hindi ka umuwi para malaman mo na wala na ang pamilya mo dahil unti unti mo silang binebenta sa mga sindikato!"
Kinuha nito ang saklay ni Carl na kanina pa nasa kamay ng driver/bodyguard nya at inihagis sa kanya.
"Bakit ba hindi na lang ikaw ang winawalanghiya ng mga gungong na yun, tutal wala ka naman silbi!"
Sabay talikod.
Iniwan nila si Carl na nasaktan sa huling sinabi ni Edmund sa kanya, mas masakit pa sa mga bugbog na natamo nya.
"Sir Edmund, hindi ho ba natin sya ihahatid sa bahay nila?"
"Hayaan mo syang gumawa ng desisyon nya! Kung mahalaga sa kanya ang pamilya nya gagawin nya ang tama!"
"Pero may mga naka abang po sa kanya, kanina pa nagmamasid!"
Sabay turo sa mga lalaki na nasa paligid.
"Mukha pong wala silang planong pauwiin sya sa pamilya nya!"
"Mas maganda, para mahuli natin ang mga walanghiyang yan! Bantayan nyo syang mabuti! Walang dapat matira sa kanila!"
"Sinong nagbigay sa kanila ng karapatan pagtripan ang anak ko?"
*****
Sa presinto.
Laking gulat ang mga pulis ng dumating si Reah bitbit papasok ang lalaking goons.
Mas maliit si Reah sa lalaki, maskulado ito na mukhang bouncer pero wala itong magawa ng bitbitin sya nito papasok sa presinto at dirediretso sa opisina ng Chief.
Pero pilit syang hinarang ni Police Master Sargent Pitil, ang pulis na nagpalaya dito kanina at kumpare ni Diego.
"Sino ka at bakit mo bitbit yan?"
Napataas ang kilay ni Reah.
"Ikaw ba ang nagpalaya sa lalaking ito kanina?"
"Anong pinagsasabi mo? Ngayon ko lang nakita ang lalaking yan!"
"Pwes, tumabi ka!"
At muling naglakad si Reah papunta sa opisina ni Chief Morales, walang nakapigil sa kanya.
Napansin sya ni Police Staff Sargent Luna ang tumulong sa kanila na maihatid si Carla sa ospital.
Kanina pa ito naiinis dahil pagdating nya ay wala na ang lalaking hinuli nila at walang makapagsabi sa kanya kung bakit.
At ngayon muli nyang nakita si Reah bitbit ang lalaking goons na ito, hindi nya maiwasan humanga sa dalaga.
BLAG! BLAG! BLAG!
Paa ang ginamit ni Reah sa pagkatok sa opisina ni Chief.
Nagulat ang nasa loob kaya nagmamadaling lumapit si Staff Sargent Luna para buksan ang pinto bago nya masira ito.
"Sino ka?"
Galit na singhal ni Chief Morales.
Kasalukuyan syang nasa telepono kausap si Ames.
Ibinalibag ni Reah ang lalaking goons sa upuan saka nya hinarap si Chief Morales.
"Chief, ako po si Reah!"
Nagulat si Chief ng madinig si Ames sa kabilang linya na sinasabing sya ang nagpapunta kay Reah.
"Kanina pinahuli ko ang taong ito dahil nakita ko ng suntukin nya ang isang estudyante ng Ames Academy matapos nyang kunin ang pera ng bata sa ATM na nagkakahalaga ng sampung libo!
Napagalaman ko na ilang araw na pala nitong kinikikilan ang pamilyang iyon at nagbanta pa na kukunin nya ang mga bata bilang pambayad sa utang na hindi nila alam. Nasa ospital ngayon ang ina ng batang sinuntok nito kanina dahil inatake sa puso!"
"Ang ipinagtataka ko lang Chief ay kung paano nakalabas ito at muling nanggulo sa ospital? Nagpunta sya dun para dukutin ang mga bata!"
"Ganito ba ka incompetent ang station ninyo?!"
Nanggigil na sabi ni Reah
Walang alam si Chief Morales sa nangyari kaya napatingin sya kay Staff Sargent Luna na syang naroon.
"Sir, ganito po kasi yun!"
At isinalaysay nya ang nangyari.
Nagpupuyos sa galit si Chief Morales. Alam nyang may mga walanghiyang pulis sa presinto nya pero hindi nya mahuli.
"Pano ka nakaalis ng presinto kanina, sinong nagpalaya sa'yo?"
Tanong ni Chief sa goons.
"Wala! Tumayo lang ako at lumabas! Masyado silang busy kaya hindi ako napansin!"
"Sira ulo 'to! Kabilin bilinan ko ipasok ka sa kulungan kaya sinong maglalabas sa'yo dun?"
Tanong ni Staff Sargent Luna.
"Aba huwag ako ang tanungin nyo dahil hindi ako ang nagbukas!"