"Manang nasaan ho si Eunice?"
Tanong ni Nicole sa kasambahay nila.
"Hindi pa po umuuwi, Mam Nicole!"
"San nagpunta yun? Ang paalam nya sa akin ay sandali lang sya!"
Nagaalala na si Nicole sa anak.
Tinawagan nito ang cellphone ng anak pero walang sumasagot.
Tinawagan nya si Reah.
"Reah, nasaan kayo, bakit hindi pa kayo umuuwi?"
"Mam Nicole nasa ospital po kami! Nilusob po kasi namin si Ms. Carla dito, inatake po! Pasensya na po kung hindi ko po nasabi sa inyo agad, wala po kasing matandang kasama sila Mel kaya po ako ang kinakausap ng duktor at sumasama kay Ms. Carla sa mga test nya!"
"Kamusta ang mga bata at nasaan si Eunice bakit hindi sya sumasagot sa tawag ko?"
"Nasa taas po Mam! Iniwan ko po dun sa silid dahil hindi pa po tapos ang mga test ni Ms. Carla! Pabalik na po ako dun para tingnan sila!"
Kanina pa manhik manaog si Reah dahil nagaalangan syang iwan si Eunice. Responsibilidad nya ito.
"Okey sige pupunta ako dyan!"
Sagot ni Nicole sa kanya.
Pero pag akyat nya, laking gulat ni Reah ng wala sa silid na pinagiwanan nya ang mga bata. At magulo ang silid.
"Anong nangyari dito?"
Kinabahan sya.
"Nurse, anong nangyari dun sa silid, bakit magulo at wala dun ang mga bata?!"
"Hindi ko po alam Mam! Nag rounds po kasi ako!"
Kinabahan si Reah, bumalik sa silid at tiningnan ang paligid.
Sa bandang huli tinawagan nya ang kasamahan nyang malapit sa lugar. Isa ito sa shadow guard na nagbabantay kay Eunice pero nasa labas ito ng ospital.
"Don, hindi ko makita si Ms. Eunice! Hindi ko sure kung nawawala sya o umalis lang, may napansin ka ba?"
"Andito ako sa entrance, sure ako na hindi sya bumaba dito!"
"May kakaiba ka bang napuna kaya ka nasa loob ng ospital?"
"Oo! Kanina napansin ko yung lalaking sinipa mo at pinahuli mo sa pulis dun sa may kanto! Sinundan ko sya pero biglang nawala! Hindi ako sure kung dito sa ospital tumuloy!"
Kinabahan na ng husto si Reah.
"Paano nakalabas yun e nasa presinto yun?"
"Buti pa hanapin mo na si Ms. Eunice at ang mga bata! Pupunta ako sa security ng ospital!"
Sabi ni Don.
Kanina.
Habang abala si Reah kay Carla, saka dumating ang lalaking goons sa silid kung saan naroon ang mga bata.
Galit na galit sya sa mga ito at gusto nyang gantihan kaya sya nagpunta dito. Pero lumaban ang mga bata, pinagtulungan nilang gulpihin ang goons at saka tumakbo.
Nireport ni Reah agad kay Edmund ang buong pangyayari.
Agad na inutos ni Edmund sa mga tauhan nya na magtungo sa ospital para hanapin ang mga bata.
Samantala, nakarating na si Nicole sa ospital at pababa na sya ng elevator ng mapansin nya ang isang pamilyar na bagay sa sahig.
Pinulot nya ito.
"Eunice na abubot ito ah!"
Ang tinitingnan nya ay ang palawit ni Eunice na nakasabit sa cellphone nya.
Tinawagan nya ang cellphone ng anak at nadinig nyang tumunog ito. Sinundan nya hanggang sa makita ito.
"Anong ginagawa ng cellphone ng anak ko dito?"
Nagmamadali syang nagtungo sa numero ng silid na sinabi ni Reah kanina habang kinokontak nya si Reah.
"Hello, anong nangyari, bakit wala dito ang mga bata? Nasaan ka?"
"Andito po ako sa rooftop Mam, hinahanap ko po sila! Mukhang binalikan sila nung goons na pinapulis ko!"
Pero wala sa rooftop ang mga bata nasa 2nd floor ang mga ito.
Pagka hinto ng elevator agad silang lumabas, akala nila first floor na.
Bababa na sana sila sa hagdan pero nakita sila ng goons na nasa 4th floor pa ng hagdan. Bumalik sila sa 2nd floor at pumasok sa isa sa ward duon at nagtago sa dulo, sa isang kama na walang pasyente.
Tahimik silang nagsisiksikan sa sulok ng kama ng pumasok sa ward na iyon ang goons. Isa isa nitong hinahawi ang mga kurtina para makita kung naroon sila at ng tumapat ito sa kama kung saan naroon sila, nagulat na lang ang mga bata at bigla itong umalis.
"Kuya, natatakot na ko, umalis na tayo dito!"
"Baka bumalik ulit sya, kaya dito na muna tayo!"
Sabi ni Eunice. Hindi pa rin sya sigurado na wala na yung humahabol sa kanila. Paano kung nasa labas lang inaantay pala sila?
"Tama si Ate Eunice nyo, madaming tao dito, madali tayong makakahingi ng tulong!"
Maya maya may mga yabag na naman silang nadinig papalapit sa kanila. Muli silang tumahimik at ng huminto ang yabag natakot ulit sila.
"Mga bata!"
"ATE REAH!!!"
Patakbo nilang inakap si Reah ng makita nila ito.
*****
Sa sabungan.
Dahil sa kinuha ni Diego ang napanalunan nya, hindi na umuwi si Carl. Nanatili ito sa sabungan, nagbabakasakaling tumama ulit.
Sa gitna ng ingay at hiyawang ng mga nagsasabong isa si Carl sa mga iyon. Maya maya biglang may humablot sa kanya tapos ay kinaladkad sya papalabas ng sabungan, at pagdating sa labas ay ibinalibag sya nito.
"SINO KA?!"
PAK!