"Anong nangyayari dito?"
Tanong ng mga dumating na pulis.
"Sir, ako po ang tumawag sa inyo!"
salubong ni Reah sa kanila.
"Eto po kasing lalaking ito nanggugulo dito at naninikil pa sa mga bata!"
"Teka, teka, Sir! Naniningil lang po ako ng utang nila! Napagutusan lang po ako!"
Katwiran ng lalaki.
"Kung naniningil ka lang bakit kailangan, mo pang sikmuraan ang bata diba nabigay naman nya ang gusto mo?"
Mangangatwiran pa sana ang lalaki pero biglang lumapit si Mel, galit na galit.
"Kelan? Kelan kami nangutang sa'yo hayup ka! Wala akong natatandaan na inutang ko sa'yo!"
Singhal ni Mel sa kanya.
Tapos ay hinarap nya ang pulis.
"Mamang pulis, Sir, ang Mama ko po! Tulong po!"
Umiiyak na sabi ni Mel.
Nilapitan nya ang ina nitong nakahandusay sa sahig walang malay. Hindi agad ito napansin ng mga pulis dahil natatakpan ng counter.
"Ihanda nyo ang sasakyan, dadalhin natin ito sa ospital! At yang bwisit na lalaking yan idiretso nyo sa presinto! Huwag nyong pakakawalan!"
Sa emergency na nila diniretso si Carla. Sa tingin kasi ng pulis ay inatake ito.
"Doc, ano pong nangyari sa Mama ko, bakit po sya nawalan ng malay?"
Tanong agad ni Mel.
"Mukhang nagkaron sya ng mild heart attack. Sino ba ang kamaganak?"
Tanong nya sa pulis na nagdala.
"Ako po!"
Sagot ni Mel.
Nagulat ang doctor ng makitang mga bata lang ang naroon.
"Nasaan ang tatay nyo?! Wala ba kayong kasamang matanda?
Kailangan kasing dumaan sa series of test ang Mama nyo para ma confirm kung ano talaga ang sakit nya at kailangan ng consent ng mas nakakatanda!"
"Pero...."
Hindi alam ni Mel ang isasagot dahil hindi nya alam kung nasaan ang tatay nya.
"Doc ako po! Ako po ang guardian nila!"
Sagot ni Reah na kadadating lang kasama si Eunice.
Tumango ang pulis sa duktor ng makita si Reah kaya ito na ang kinausap nya.
"Mga bata dun muna kayo sa may waiting area at hayaan nyo silang magusap!"
Nang makaupo na sa waiting area ang mga bata, dun nya kinausap ang mga ito tungkol sa nangyari kanina at kung bakit sila ginugulo ng lalaking yun.
*****
Samantala.
Habang nangyayari ang lahat ng ito, abala naman sa sabungan si Carl. Masayang masaya ito at sa wakas nanalo din sya!
Kaya masaya syang lumabas ng sabungan at naisipan nyang umuwi ng bahay.
"Hmmm... malaki laki rin itong napanalunan ko! 60K! Hehe! Makapag grocery nga at makabili ng masarap na pagkain bago umuwi!"
Pero hindi pa sya nakakalayo ay hinarang na sya ni Diego kasama ang mga tauhan nya.
"Oops, pare ang laki ng napanalunan mo ah!"
"Diba sabi mo babayaran mo ako pagnakabawi ka na?"
Nawala ang saya sa mukha ni Carl. Nakalimutan nya ang tungkol sa pangako nyang ito.
"Pero kulang pa ito Pareng Diego! Pwede bang sa susunod na lang para makataya ulit ako! Sayang kasi pakiramdam ko andito na ang swerte ko!"
"Carl, medyo malaki laki na ang nauutang mo sa akin, tingin ko oras na para bayaran mo ako!"
Napaisip si Carl. Baka sa susunod hindi na sya pautangin nito kapag hindi sya nakabayad.
"Diego, pare, pwede bang kalahati lang muna sa napanalunan ko ang ibabayad ko sa'yo para may maipang taya pa ulit ako. Saka, kailangan ko ng umuwi ng bahay para sa pamilya ko at para makaligo at makapagpalit na rin ng damit! Namamaho na ako! Hehehe!"
"Hindi pwede Pre! Buti pa ibigay mo na sa akin lahat ito at utangin mo na lang ulit ang itataya mo! Kulang pa sa interes ng utang mo itong napanalunan mo!"
Walang nagawa si Carl ng kunin ni Diego sa kanya ang napanalunan nya. Kahit man lang 100 para sa pagkain hindi ito nagtira.
Gutom na sya at gusto na nyang umuwi dahil sampung araw na nyang hindi nakikita ang bahay nya at ang pamilya nya.
Ito talaga ang plano ni Diego sa kanya, ang ilubog sya ng ilubog sa utang at hindi pauwiin ng bahay hangga't hindi nya nakukuha ang pamilya nya bilang pambayad utang.
"Sira ulong 'to akala nya maiisahan nya ko!"
Ngingisi ngising iniwan ni Diego at ng mga tauhan nya si Carl, puno ng panghihinayang dahil nawala sa isang iglap ang napanalunan nya.
Ngunit hindi pa gaanong nakakalayo sila Diego kay Carl sakay ng sasakyan ng makatanggap ito ng balita mula sa presinto.
"Diego, yung isang tauhan mo na inutusan mo sa pamilya ni Carl, andito sa presinto!"
"Ano? Bwisit talaga yan! Ang simple simple lang ng inuutos ko, hindi pa magawa ng maayos!"
"Huwag ka ng magalala pareng Diego, ako ng bahala dito sa tauhan mo!"
Sabi ng pulis na kausap nya.
"Salamat sarhento maasahan ka talaga! Ikaw na ang bahala dyan at pangako ko sa'yo na ako na ang bahala sa tuition fee ni junior mo! Hehe!"